
Nagsimula ang lahat sa London nang magsama sama ang magkakaibigan nila Rome papunta sa Bar para magliwaliw. Ganoon rin si Czarist ar Yuki. Hinanap niya ang kanyang kaibigang bigla nalang nawala. Sa kanyang paghahanap ay inalok siya ng bagong recipe ng alak ng isang waiter. Hindi naman akalain ni Cza na aphrosidiac ang alak na nainom niya na binigay ng waiter ng Bar. Nang bumalik siya sa Bar ay nakatulog siyang muli at nanaginip na meron siyang katalik. Nang magising ay hinanap niya ang kanyang kaibigan. Nagsimula ang kalbaryo ni Czarist Eloise Gensan labing walong taong gulang, matalino, masipag, mabait na dalaga nang bigla nalang itong pumasok sa isang silid kung saan naroon si Prinsipe Rome at ang tatlong babaeng katalik nito. Hinahanap niya kasi ang kaibigan--Yumiko Felize Yazaki ang kanyang matalik na kaibigan. Natutop niya ang kanyang bibig sa nasaksihan. Hindi lingid sakanyang kaalaman na ang pagiging engot niya ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Natigil ang apat sa kababalaghang ginagawa sa biglaang pagpasok ng dalaga. Pinakatitigan nila ito at nilapitan. Kung ano ano ang sinabi nila sa babae nang magsalita si Rome at paalisin ang mga ito. Akala ni Cza ay siya ang tinutukoy ng lalaki. Kaya lalabas na sana siya. Pero pinigilan siya ni Rome at sinabing hindi siya pwede umalis dahil alam nito ang kanyang lihim, ang kanyang dark side at dapat nitong pagbayaran ang kanyang ginawa. Napaatras ang dalaga sa sinabi nito pero mas nakaramdam siya ng pag iinit dahil sa epekto ng alak na nainom. Kahit na ganoon ay pinilit niyang sumagot sa lalaki na hindi niya sinasadya. Hindi siya pinakinggan nito. Malinaw kay Rome na alam niyang hindi siya natatakot sa paraan na nalaman ng babae ang dark side niya. Sa lahat ng ayaw niya kasi ay ang may nakakaalam noon. Bukod sa kabilang sila sa Mafia. Ayaw niyang may nakakaalam tungkol sa pagiging wild niya. Kilala siyang masayahin at mabait na Prinsipe. At ayaw niyang masira ang tingin ng lahat sakanya. Kaya lahat ng nakakaalam noon ay pinapatay niya o pinapakitil niya. Kaibahan lang ay ang babaeng nasa harapan niya. Ramdam niyang may kakaiba dito. Namumula ang leeg nito. At halos mamula mula din ang balat nito sa braso. Naalala niyang may nilabas na klase ng alak ang Euro. Ito ang klase ng alak na inaangkat pa mula sa black market. Kung saan sobrang mahal ng bentahan. Ang Apro X God, kakaiba ang epekto nito. Sampong ulit ang lakas ng tama kumpara sa mga Aphrodisiac na sangkap na nabibili lamang sa labas. Sinabi naman ni Cza na nagkamali lamang siya ng silid na napasukan dahil hinahanap niya ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi naman naniwala si Rome sakanya. Dahil sa palatandaan ng kanyang silid. At kung talagang totoo iyon ay engot ang babae dahil hindi iyon nakita. Hindi niya akalaing magpapakilala ang lalaki sakanya at kasabay noon ang pagkuha nito sakanyang pagkabirhen. Nakaramdam siya ng inis sa kaibigan dahil pinaghanap siya nito. Hindi naman niya maikaila na nadala siya sa kagwapuhang taglay ni Rome kaya ibinigay niya ang kanyang sarili rito. Nagising siya kinabukasan dahil sa maingay na tunog ng kanyang cellphone at nagulat siya nang makita na katabi niya ang Prinsipe ng London. Doon niya naalala ang nangyari sakanilang dalawa. Nagpasya si Rome na panindigan ang nangyari dahil alam niyang posibleng may mabuo kagabi. At naging sila.

