Story By Hmaestories
author-avatar

Hmaestories

ABOUTquote
My name is Hershey, and my pen name is Hmaestories. I proudly say that I am now a mother, and for now, I will be a full-time housewife. Reading and writing is one of my passions because studying is my forte. I love the sound of my finger clicking while typing the scene flashing through my mind and making a wonderful story based on my imagination. As a fan of reading novels, it inspired me to make my genre and plot. I started making poems and short stories during my high school days. It is written in a notebook and passed down to my classmates as my readers, and I got a lot of good feedback from them that motivated me to write more. I have always loved to express my feelings and emotions through writing and inspiring others to read and learn a life lessons. It motivates me as a writer to share and express my feelings with the readers. Getting feedback makes me grow and have improvements in my skills in writing and correcting my stories to satisfy them and myself. I am grateful to everyone who loves to read my stories and enjoy my work. I always invest my effort in showing them my wonderful imagination. My mission is to create a extraordinary stories with life lessons and motivations that will help everyone in our daily lives through my unwavering passion for writing.
bc
Makasalanang Halik [ SPG ]
Updated at Jul 10, 2025, 23:03
Lumaki si Seiri sa probinsya ng Cavite, nagdadalaga palang siya nang mawalan siya ng mga magulang dahil kasama ito sa trahedya nang lumubog ang barko. Sinikap niyang buhayin ang sarili at namasukan sa Mansion ni Saint. Kilalang aloof at walang pakialam ang lalaki. Isa itong business genius at CEO ng Zuckerberg Multicompany na kumikita ng limpak-limpak na salapi. Noong una, hindi nagustuhan ni Saint ang pagiging pakielamera ni Seiri sa gamit at buhay niya. Kaya madalas niya itong sungitan. Pero hindi rin naman niya natitiis ang babae kaya kapag napapahamak ito palagi niyang tinutulungan at aksidente silang muntikan ng maghalikan. Nag simula ang kanilang aso't pusang relasyon na nauwi sa masaya at magandang relasyon na sinubok ng maraming suliranin pero nalagpasan nila ng magkasama. Paano kung isang makasalanang halik ang magpabago ng kanilang samahan bilang mag asawa? Gusto mo bang malaman ang kanilang kuwento? Basahin mo na..
like
bc
The Billionaire's Unfulfilled Love
Updated at Jun 4, 2025, 19:50
The love that has a huge gap and like heaven and earth. That's how Hershey Mae Mendoza describes her second love, Frich Yuan Lim Guerrero, the cousin of her ex-boyfriend-Alex. Hershey's family is just an ordinary family lives in the Province of Cavite. Yuan's family comes from a well known family of Billionaire's in China, so his family strongly objected to the love between the two. For Yuan's parent, he should also stay with a rich woman which is contrary to Hershey's state of life, so it became a big obstacles for them. The story of Hershey and Yuan began when Hershey had the opportunity to study in De La Salle University-Dasmariñas, one of the most famous school in the Philippines that only the rich can afford to study. Hershey thought that Alex was his true love but she felt very sad and disappointed when she suffered a heart attack and chose to leave her and leave the country for his treatment. They separated and there She met Yuan, Alex's cousin who was disappointed with her former love, Hani. Hershey's and Yuan's path crossed unexpectedly. They leaned on each other and  their love healed her broken hearts. But the relationship that gradually developed only caused so many obstacles. Time and time again, fate made the two face the gap in their life status. When the time passed, people and tragedy test the love they hold onto. What if the love from the past suddenly return and ready to fight the present? Will they fight for their love? Will they continue to cling to a kind of love that is forbidden? Or they will just let each other have fun in the company of others?
like
bc
The Prince's Obsession
Updated at Jul 16, 2024, 01:00
Paano kung malaman mo na ang lalaking pinaka mamahal mo ay siyang dahilan ng pag bagsak ng negosyo niyo at pagkawala ng mga magulang mo? Ipagpapatuloy mo ba ang inyong pag ibig o palalayain niyo ang isa't isa? Si Killua Rogue Rocketfellers ay kilala bilang napaka bait at matulunging Prinsipe. Maraming babae ang nagkakandarapa at humahanga sa kaniya. Mula siya sa pinaka mayamang angkan ng maharlika sa Bansang United Kingdom. Sa kabila ng magandang tingin ng mga tao sa guwapong Prinsipe ay ang madilim nitong katauhan kapag nasa Underground. Siya ang kanang kamay ng Mafia Boss. Dahil hindi siya naniniwala sa pag ibig at nag fofocus lamang sa kaniyang layunin. Hindi niya lubos akalaing makikilala niya si Charice. Isang exchange student mula sa Harvard University at sa ikatlong pagkakataon ng kanilang pag tatagpo ay iniligtas niya ulit to sa kamay ng hindi kilalang lalaki na nais patayin ang babae. Unang kita palang ni Rogue kay Charice ay tumibok na ang kaniyang puso para sa dalaga. Ang dating walang pakialam na si Charice Cassandra Leoferell sa sikat na Prinsipe ay unti unting nahulog rito. Nakaramdam ng kakaibang tibok ng puso si Charice sa bawat oras na inililigtas siya ng Prinsipe. Isa si Rogue sa taong hindi naniniwala sa pag ibig. Dahil siya mismo pinabayaan ng tunay niyang pamilya. What if makilala niya ang isang babaeng ordinaryo lamang? Babaeng maraming hirap na ang dinanas dahil sa pagbagsak ng kanilang kompanya. Paano kung mag tagpo ang landas ng dalawang taong hindi itinakdang mag kita pero itinadhana? Paano kung 'yong taong iyon ay siya palang biktima ng sarili niyang kalupitan bilang Rocketfellers?
like
bc
THE ALPHA'S CURE
Updated at Jul 12, 2024, 02:20
Nag simula ang lahat sa napakagandang lugar ng Transylvania nang mahulog si Deshna Vishnu kay Alpha James Iuhence Astillero at nag tapat rito nang kaniyang pag ibig, subalit kapatid na babae lamang ang turing ni Alpha Iuhence kay Deshna at hindi niya magagawang suklian ang pag mamahal ng babae. Nagalit si Deshna kay Alpha Iuhence at bilang pinaka magaling na witch sa kanilang mundo ginamit ni Deshna ang ipinag babawal na itim na mahika. Isinumpa niya si Alpha Iuhence na hindi na magiging Rogue ito at hindi babalik sa dati niyang anyo kapag hindi nakatagpo ng babaeng mamahalin siya at itinakda para sa kaniya at nang dahil sa sumpa ni Deshna, naging isang ganap na Rogue si Alpha Iuhence.Ikinulong siya sa may kuweba na matatagpuan sa pusod ng kagubatan. Sinakop naman ng kalaban niya na si Hades Grenier. Pinag malupitan at kinawawa nito ang miyembro ng Pack ni Alpha Iuhence. Siya ang walang pusong namuno sa pack.Hanggang sa dumating si Arhersheymis Serdoza o kilalang Artemis. Napadpad siya sa pusod ng kagubatan at sa hindi maipaliwanag na dahilan dinala siya ng kaniyang mga paa sa sagradong kuweba kung saan naka kulong si Alpha Iuhence. Nagawang mapawalang bisa ni Artemis ang sumpa kay Iuhence at hindi makapaniwala si Iuhence na hindi na siya dambuhalang Rogue. Nag dududa siya kay Artemis pero kalaunan ay tinanggap at isinama ito patungo sa France para humingi ng tulong sa kaniyang kaibigan para bawiin ang pack na pinamumunuan niya.
like
bc
Lost Island University(Rosutoairando Daigaku)
Updated at Mar 11, 2024, 20:52
Nagsimula ang lahat nang maisipang pumasok ng magkakaibigan nila France sa napakagandang bansang Pilipinas at mag aral sa Rosutoairando Daigaku. Akala nila ay normal na ang kanilang pag aaral roon. Subalit nagkamali sila mas malala pa pala ito sa Spring High. Sabay sabay nilang nilutas ang mga krimen. Nakilala nila ang mga kasing talino at talentado na miyembro ng Morpheus. Nagkaroon naman ng bagong kaibigan si France. Hindi niya akalaing si Russel ang sisira ng buhay niya at magiging dahilan ng pagkamatay ng mga kaibigan niya. Hindi iyon matanggap ni Aikee pero wala siyang magawa dahil huli na. Paano kung yung babaeng pinakamamahal mo na iningatan mo ng ilang taon ay bigla nalang mawawala isang araw? Tapos malalaman mong nakaranas ito ng di maganda sa kamay ng karibal mo? Anong gagawin mo? Yung umasa kang maililigtas ka niya dahil everytime na mapapahamak ka ay siya ang nagsisilbing Knight in Shining Armor mo? pero nabigo ka dahil hindi siya dumating..
like
bc
Distribuidor De Muerte
Updated at Mar 8, 2024, 07:32
Sa Japan matatagpuan ang Mafia Planet University na dinaig pa ang Hogwharts na mas kahanga hanga dahil sa napakalinis na kapaligiran at maaliwalas na na kulay. Tila isang kastilyo sa sobrang laki at lawak. Nagsimula ang lahat ng pumasok ang napakagandang anak nila Zana at Elie na si Kylie Zandria sa Unibersidad na pag aari niya at ng kanyang mga kaibigan. Nakasama ni Kylie ang matalik niyang kaibigang si Thania sa pagpasok sa Mafia Planet University para doon mag aral. Nakilala ni Kylie si Can Pendragon nang magtagpo ang landas nila sa classroom. Naangasan siya sa lalaki at nagsimula na niyang mapansin ito. Binubuo ang Unibersidad ng mga kinikilalang Royal blood kaya nakabukod ang Mansion ng mga ito at tinawag na Royalties Mansion. Mga misteryosong tao na nagsisilbing Student Council ng buong Unibersidad. Nakilala rin ni Kylie ang mga kaibigan ni Thania na Ilustrado. Nahulog si Thania kay Mai Ilustrado. At naging sila. Samantalang nanliligaw naman si Gavin at Can kay Kylie. Dalawa ang namamahala sa Unibersidad. Isang Headmaster at isang Headmistress pero nanatili ring lihim kung sino ang mga iyon. Madalas makasama nila Kylie at Thania ang miyembro ng mga Ilustrado. Maganda at masaya ang unang araw at mga buwan ni Kylie sa Unibersidad hanggang sa isang araw nagbago ang lahat nang magsimulang maglaro ng Death game ang buong section nila Kylie tinawag nila iyong Death Cards. Ang mechanics ng laro ay magtatawag ang Teacher ng estudyante tapos babalasahin niya ang mga cards at pipili sila ng baraha. Ace means live, Joker cards for die, King at Queen naman para sa magiging President at Vice ang iba na makakakuha ng Jack para sa ibang class positions. At para naman sa Diamond choose between truth or die. At sa heart magcoconfess ka sa taong gusto mo. At last na cards malalaman niyo ang mangyayari sa mga susunod na araw. Merong apat na klase ng bulaklak. Una ang asul na rosas alam kong alam niyo na ang ibig sabihin niyan. Pula para sa pag ibig, puti para sa paghingi ng tawad at itim para sa poot, galit o kamatayan. Nang baguhin ni Emperor Zeus ang rules ng Headmaster kasama ng kanyang mga kasamahan sa Student Council. Dahil doon naging delikado at madugo ang mga kaganapan sa paligid sa mga sumunod na araw. Akala ni Kylie ay normal lang ang laro pero nagbago iyon nang makasaksi siya ng mga sunod sunod na namamatay. Lumabas rin ang laman ng mahiwagang libro kung saan nakakulong lahat ng Demonyo at nag anyong hayop ang mga ito. Namili ng kanilang magiging amo sa mga estudyante ng Unibersidad. Naghasik sila ng lagim at pumatay ng maraming estudyante. Nahirapan si Kylie alamin ang pangalan ng mga nakikilala niyang tao at napapansin niya dahil nakasuot ang mga ito ng maskara at uniporme ng mga Knights. Nakaramdam din siya ng panglalambot. Naging sunod sunod na ang pagpatay ng mga killer kasama ang kanilang mga alaga. Nagkaroon na rin ng mga labanan at naging legal na ang pagpatay.
like
bc
Sitio La Presa 1900's
Updated at Feb 28, 2024, 05:21
Sa bansang Pilipinas matatagpuan ang Benguet Province taong 1900's doon napadpad si Isabelle Galvey. Isang estudyante ng De La Salle University mula sa mayamang pamilya. Hindi siya naniniwala sa Tadhana at mas lalong wala siyang pakielam sa History. Dahil doon pinarusahan siya ng Diyos na mag ulit ng nakaraan. Nasa biyahe sila noon patungong Baguio para sakanilang School Fieldtrip nang maaksidente ang Bus na sinasakyan nila. Nahulog iyon sa bangin at namatay siya. Nagising siya na nasa ibang katawan na siya. Sa katawan ni Luna Baitan na anak ni Don Alfredo at Donya Susana Baitan. Kakambal niya ang malditang si Blanca. Hindi niya akalain na mabubuhay siyang muli at mapupunta siya sa Sitio La Presa o kilala bilang Sitio La Parusa. Kapalit ng kanyang pagkabuhay ang kabayaran ay ang pagdurusa niya sa bago niyang buhay sa sinaunang panahon. Naguguluhan man ay tinanggap niya iyon kahit labag sakanyang kalooban. Nakilala niya si Heneral Alexander Xavier Wright isang PMA graduate at Heneral ng Hukbo. Nagkagusto siya rito at ganoon rin ang Heneral nang ilang beses magtagpo ang landas nila sa pamilihan at Sitio Esperanza. Nakasama niya rin ang dalaga at naging malapit sila sa isa't isa. Nanligaw siya rito. Pumayag naman si Luna na ligawan siya nito. Naging sila.
like
bc
DIE AND GO TO HELL
Updated at Feb 27, 2024, 05:42
Sa napakagandang bansa ng Japan matatagpuan ang Hakkeden Academy at ang napakagandang eskwelahan na sikat at pagmamay ari ng pamilya ni Gianna. Mafia Planet University ang paaralan para sa mga miyembro ng Mafia at Gangster. Nagsimula ang lahat sa napakagandang bansa ng Japan. Nakatambay sila Gianna at ang dalawa niyang kakambal sa Tree House habang nakahiga siya sa duyan nang yakagin ni Thunder si Gianna magbar kasama nila Shino at Sousuke.Dahil busy sila Glayza at Glayzie kaya hindi nila nayakag ang dalawa at nagkataong available si Gi. Kaya napilit ito ni Thunder. Sumama siya sa tatlo papunta sa Haven Bar. Nagsayaw sila ni Thunder at umamin sakanya si Thunder hindi naman niya iyon narinig sa sobrang ingay ng tugtog. Nakaramdam naman ng hiya si Thunder dahil hindi yata siya narinig ng dalaga. Nag inom lang sila matapos magsayaw at nagkuwentuhan. Ginabi na rin sila roon bago magpasyang umuwi. Hinatid niya si Gianna sa Village. Buong summer ay silang anim ang magkakasama nagtravel sila sa Greece at Italy at nagtapos sa Hakkeden Academy. Sabay sabay silang nag entrance exam sa Mafia Planet University na pag mamay ari ng pamilya nila Gianna. Habang natagal mas napapalapit si Gi at Thunder kaya lihim na nasasaktan at nagseselos si Shino.
like
bc
A Sweet Punishment
Updated at Feb 22, 2024, 00:03
Nagsimula ang lahat sa napaka gandang bansa ng France nang madukot si Gabrielle Ellieson Armstrong Flores labing walong taong gulang mula sa mayamang angkan ng mga Armstrong at Flores sa London sa hindi malamang dahilan. May kulay tsokolateng buhok ng babae. May maliit na matangos na ilong, mahabang pilikmata, pantay na kilay, manipis na pink na labi, at hugis pusong muka. Muka itong Dyosa. Hindi niya kilala kung sino ang dumukot sakanya. Danielle Raphael Salvatore ang guwapong tagapagmana ng mga Airlines at iba pang business. Ito rin ang lider ng kilalang banda sa buong mundo--ang Dark Deimos Society. Siya ang nagpadukot sakanya dahil nagustuhan niya ito unang beses niya palang makita ang dalaga. Kilala siyang walang awa at babaero pero iba ang nararamdaman niya sa dalaga kahit anong gawin niyang pag iwas ay gusto niya talagang maangkin ito. Hanggang sa hindi na niya natiis ang kanyang pagkabaliw sa babae at ipinadukot ito sakanyang mga tauhan. Nang dalhin sakanya ng mga tauhan niya ay nagpakilala siya rito matapos niyang kunin ang pagkabirhen ng dalaga. Hindi naman iyon makalimutan ng dalaga dahil kahit na lumipas na ang ilang araw at buwan. Hindi niya matanggap na ibinigay niya rito ang kanyang puri at nagbunga pa iyon. They have a child. Nagalit naman ang pinsan ni Ellie na si Lance sa nangyari sa kanya. Kalaban ito ng banda nila Raphael. Kaya hindi magawang sabihin ni Ellie kung sino ang gumawa noon sakanya. Dahil alam niyang magkakagulo lamang ang dalawang magkabilang grupo. Magkalaban kasi ang dalawa pagdating sa Musika. Parehong sikat at kilala ng lahat. Alam ni Onyx ang nangyari sa kanya kahit na nagdadalang tao siya ay willing itong akuin ang bata. Pero hindi niya iyon tinanggap dahil ayaw niyang makasakit kahit na nagustuhan niya ito noon. Kahit galit siya kay Raphael ay hindi niya maikakaila na gusto niya itong nakikita kung kaya't andami niyang larawan ng lalaki sakanyang cellphone at kwarto. Akala ni Ellie ay gumanti lamang sakanya si Raphael dahil iniwanan ni Lance at Onyx si Raphael at sumali sa Light Hedone Society ang bandang kalaban ng kinabibilangan ni Raphael. Magkakaibigan sila noon nagbago iyon ng mang iwan ang dalawa. Akala ni Ellie ay kasintahan ni Raphael si Lucy McQuaid kaya nasasaktan siya. Nagdalang tao siya at inilihim iyon sa lalaki. Hanggang sa maipanganak niya si Dionysus Rage Flores ang anak nila ni Raphael. Hindi niya ipinagamit ang surname ng ama sakanyang anak. Lumipat sila sa London para doon palakihin ang kanyang anak. Nalaman ng pinsan niya kung sino ang gumalaw sakanya at ama ni Rage kaya sinugod niya si Raphael at binugbog. Hindi naman lumaban si Raphael. Inasar pa ni Raphael ang pinsan niya laya lalo itong nagalit. Hindi naman sinabi ni Lance na nabuntis ito. At kahit na gusto niya si Raphael ay pinili na niyang layuan ang lalaki dahil may kasintahan na ito. At nasasaktan siya sa mga nakikita at nababalitaan niya. Mabilis na lumaki naman ang kanilang anak at naging carbon copy ito ng kanyang ama. Pati mga hilig at gusto nitong gawin ay kapareho ng sakanyang ama. Nakahiligan rin nito ang pakikinig sa boses ng kanyang ama kahit hindi iyon sinasabi ni Ellie. Nanatiling lihim ang katauhan ng ama ng bata. Nang maglibot sila sa Camden Town mag ina ay doon naman nagkita ang mag ama. Ang bagay na kinatatakutang mangyari ni Ellie. Tinanong siya ng bata kung may ama siya. Hindi naman nakasagot si Ellie at nalungkot ang bata. Bigla nalang itong nawala kaya natataranta niya itong hinanap. Nakita niya itong karga ng lalaki. Tuwang tuwa naman ang bata ng makita ang idol niya. Narinig naman nila ang bulungan ng mga tao tungkol sa pagkakahawig ni Raphael at ni Rage. Kaya sinamaan ng tingin ni Raphael si Ellie. Tinanong siya nito kung anak niya ang bata. Tinawag naman siyang mama ni Rage. Doon narealize ni Raphael na kaya pala wala na ito sa France ay nasa London na ang babae at may anak na ito na kamuka niya. Nabalita rin iyon sa News TV kaya sobra ang kabang nararamdaman ni Ellie. Doon na nagsimula ang paglalapit ng mag ama. Hanggang sa ginawa ni Raphael lahat para sa anak at para makuha ang puso ng nanay ng anak niya. Hanggang sa maging sila.
like
bc
Luciferian Academy
Updated at Jan 4, 2024, 01:47
Sa isang lugar sa London matatagpuan ang Luciferian Academy isang napakagandang paaralan. Doon mag aaral ang napakagandang transferee na si Charm Elyse Montefiore labing walong taong gulang na galing pa sa bansang Greece. Kasama niya ang kanyang magulang sa paglipat sa London. Nagsimula ang lahat nang pumasok si Elyse sa Luciferian Academy. Nakilala niya si Zia Montenegro at naging kaibigan ito. Si Inimbitahan rin siya ng kaibigang sumali sa Novel Club ng paaralan. Ang akala ni Elyse ay magiging normal ang kanyang pagpasok sa Academy pero sa kasamaang palad ay kinabukasan pagpasok niya ay minalas siya. Naglalakad lamang siya sa Academy ng may pumatid sakanya at tumilapon ang hawak niyang pagkain na may sauce sa lalaking nasa unahan niya. Nagalit naman sakanya ang lalaki. Siya si Kyohei River Rotchilds-Rocketfellers ang Prinsipe ng London at tagapagmana ng Mafia. Nanginig siya sa takot nang marinig ang sinabi nito na parusa at pagbabanta. Pinapili siya nito sa dalawa kung gusto niyang mamatay o maging alila ng lalaki. At tinanggap niya iyon kahit labag sakanyang kalooban. Naging alila siya nito. Doon na nagsimula ang matinding paghihirap ni Elyse sa kamay ng hudyong kalahi ni Lucifer. Nakilala rin ni Elyse ang kakambal nitong di hamak na mas mabait sa lalaki. Nalaman niya ang tungkol sa lihim ng Academy kung saan kabilang ito sa mga paaralan na pinamumugaran ng mga miyembro ng mga Gangster at Mafia. Binubuo ng Apat na kilalang Gang ang Academy, ito ay ang Dark Grimoire Cards, Dark Ethereal, Black Death at White Soilder of Death. Pinuntirya siya ng mga ito dahil sa maling akala na ang angkan ni Elyse ang may kagagawan ng insidente isang dekada na ang nakakalipas at tanging Dark Grimoire lamang ang nagliligtas sakanya bukod kay River. Unti unting nahulog ang dalawa sa isa't isa. Hanggang sa maging sila. Subalit nalaman ni Elyse ang buong katotohanan at si River mismo ang papatay sakanya. Mabuti na lamang at nakatakas siya. Nagpalakas siya para gumanti. Pero kinidnap siya ni River at nagtapat sakanya ng katotohanan. Naniwala naman siya dito at isiniwalat nila ang tunay na salarin para malinis ang pangalan ng angkan ni Elyse. Pinakilala ni River si Elyse sakanyang angkan at inalok ito ng kasal. Pumayag si Elyse at nagpakasal sila pagkatapos magkolehiyo. Nagkaroon sila ng Quadruplets na anak at namuhay ng mapayapa bilang Hari at Reyna ng London.
like
bc
His Dark Side
Updated at Dec 17, 2023, 09:11
Nagsimula ang lahat sa London nang magsama sama ang magkakaibigan nila Rome papunta sa Bar para magliwaliw. Ganoon rin si Czarist ar Yuki. Hinanap niya ang kanyang kaibigang bigla nalang nawala. Sa kanyang paghahanap ay inalok siya ng bagong recipe ng alak ng isang waiter. Hindi naman akalain ni Cza na aphrosidiac ang alak na nainom niya na binigay ng waiter ng Bar. Nang bumalik siya sa Bar ay nakatulog siyang muli at nanaginip na meron siyang katalik. Nang magising ay hinanap niya ang kanyang kaibigan. Nagsimula ang kalbaryo ni Czarist Eloise Gensan labing walong taong gulang, matalino, masipag, mabait na dalaga nang bigla nalang itong pumasok sa isang silid kung saan naroon si Prinsipe Rome at ang tatlong babaeng katalik nito. Hinahanap niya kasi ang kaibigan--Yumiko Felize Yazaki ang kanyang matalik na kaibigan. Natutop niya ang kanyang bibig sa nasaksihan. Hindi lingid sakanyang kaalaman na ang pagiging engot niya ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Natigil ang apat sa kababalaghang ginagawa sa biglaang pagpasok ng dalaga. Pinakatitigan nila ito at nilapitan. Kung ano ano ang sinabi nila sa babae nang magsalita si Rome at paalisin ang mga ito. Akala ni Cza ay siya ang tinutukoy ng lalaki. Kaya lalabas na sana siya. Pero pinigilan siya ni Rome at sinabing hindi siya pwede umalis dahil alam nito ang kanyang lihim, ang kanyang dark side at dapat nitong pagbayaran ang kanyang ginawa. Napaatras ang dalaga sa sinabi nito pero mas nakaramdam siya ng pag iinit dahil sa epekto ng alak na nainom. Kahit na ganoon ay pinilit niyang sumagot sa lalaki na hindi niya sinasadya. Hindi siya pinakinggan nito. Malinaw kay Rome na alam niyang hindi siya natatakot sa paraan na nalaman ng babae ang dark side niya. Sa lahat ng ayaw niya kasi ay ang may nakakaalam noon. Bukod sa kabilang sila sa Mafia. Ayaw niyang may nakakaalam tungkol sa pagiging wild niya. Kilala siyang masayahin at mabait na Prinsipe. At ayaw niyang masira ang tingin ng lahat sakanya. Kaya lahat ng nakakaalam noon ay pinapatay niya o pinapakitil niya. Kaibahan lang ay ang babaeng nasa harapan niya. Ramdam niyang may kakaiba dito. Namumula ang leeg nito. At halos mamula mula din ang balat nito sa braso. Naalala niyang may nilabas na klase ng alak ang Euro. Ito ang klase ng alak na inaangkat pa mula sa black market. Kung saan sobrang mahal ng bentahan. Ang Apro X God, kakaiba ang epekto nito. Sampong ulit ang lakas ng tama kumpara sa mga Aphrodisiac na sangkap na nabibili lamang sa labas. Sinabi naman ni Cza na nagkamali lamang siya ng silid na napasukan dahil hinahanap niya ang kanyang matalik na kaibigan. Hindi naman naniwala si Rome sakanya. Dahil sa palatandaan ng kanyang silid. At kung talagang totoo iyon ay engot ang babae dahil hindi iyon nakita. Hindi niya akalaing magpapakilala ang lalaki sakanya at kasabay noon ang pagkuha nito sakanyang pagkabirhen. Nakaramdam siya ng inis sa kaibigan dahil pinaghanap siya nito. Hindi naman niya maikaila na nadala siya sa kagwapuhang taglay ni Rome kaya ibinigay niya ang kanyang sarili rito. Nagising siya kinabukasan dahil sa maingay na tunog ng kanyang cellphone at nagulat siya nang makita na katabi niya ang Prinsipe ng London. Doon niya naalala ang nangyari sakanilang dalawa. Nagpasya si Rome na panindigan ang nangyari dahil alam niyang posibleng may mabuo kagabi. At naging sila.
like
bc
Underground Hell Academy(The Gangster's Obsession)
Updated at Dec 9, 2023, 22:23
Sa isang tagong lugar sa Japan matatagpuan ang Underground Hell Academy na pag mamay-ari ng Pamilya Satsuki. Pinamamahalaan iyon ni Akemi Rielle Satsuki, 18 taong gulang. Isa iyong eskwelahan para lamang sa mga gangster at miyembro ng Mafia. Malaki at malawak ang eskwelahan. Marami itong magagandang bulaklak, halaman at fountain. Napapabilibutan ng magagandang pulang rosas ang kabuohan ng Hardin. Marami rin silang tambayan gaya ng Lake, Gym, Benches at mga Tree house. Kung saan malayang nakakapag aral at nakakapagpahinga ang mga estudyante. Gawa sa mga matataas na Teknolohiya ang ginagamit ng paaralan sa pagtuturo. Nagsimula ang lahat nang padalhan ni Akemi ang mga gangster at miyembro ng mafia ng ginintuang sulat sakani-kanilang tahanan. Inimbitahan niya ang mga itong makilahok at mag enroll sa Underground Hell Academy na matatagpuan sa pinakaliblib na lugar at ilalim ng lupa sa Japan. Tanging mga miyembro lamang ng gang at mafia ang maaring pumasok. Maliban nalamang kung may paligsahan at pahintulutan iyon ni Akemi na siyang Headmistress ng Akademya. Napasok pa rin siya gaya ng iba. Hinahangaan at kinatatakutan siya ng lahat. Madalas siyang magpunta ng Underground Battle Arena para makipagpatayan sa mga gangster at Mafia kasama ang kanyang mga kaibigan at kaklase. Nagpapalaro rin siya at iniimbitahan ang ibang eskwelahan para makipaglaban sakanila. Palagi naman silang nanalo. Araw araw rin tumitindi ang kanilang pag eensayo at klase. Nagkaroon ng transferee sa Akademya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nahihipnotismo si Akemi rito. Dumating si Vin Klein at ginulo ang tahimik niyang mundo. Napapansin niya ito at madalas kung saan siya naroon ay naroon rin ang lalaki. Sa bawat araw na nakakasama niya ito ay unti unti siyang nahuhulog. Hindi niya akalain na ito pala ang nakatakdang lalaki na dapat niyang pakasalan. Buong akala niya ay si Zyrus Vaughn lamang. Dinukot naman siya ng mga teacher nila para pag experimentuhan. Hindi naman tumigil si Vin, ang mga kaibigan niya, mga assassins, reapers at tunay na pamilya ni Akemi sa paghahanap sakanya. Maging ang dati nitong nakatakdang pakasalan na galit sakanya ay tumulong rin para hanapin ang nawawalang dalaga. Nalaman naman nila ang lokasyon nito at nagawang pasabugin ang buong laboratoryo. Pinatay rin nila lahat ng mga teacher at scientist roon. Pero hindi nila natagpuan si Akemi. Matagal na panahon ulit ang kanilang ginugol para hanapin ang dalaga. Hindi sila makapaniwala ng bumalik ito kasama ng kakambal ni Vin. Nagulat ang lahat sa pagkakatulad ng dalawang Rocketfellers. Tinulungan ni Keiron si Akemi na makaganti sa mga tunay na salarin kung bakit nagkaproblema ang alyansa ng Satsuki at Vaughn Mafia. Pinatay at pinasabog niya ang lahat ng sangkot sa nangyari noon. Bago siya nagpasyang bumalik. Malaki ang pinagbago ng dalaga dahil sa black elixir mas lumakas ito na tila hindi ordinaryong tao. Nang mawala si Akemi ay tumulong ang kanyang mga tunay na kapatid sa pangangalaga ng Akademya pati ang mga kaibigan niya. At muling ipinasa sakanya ang tungkulin nang bumalik siya. Nagkaroon naman ng impormasyon tungkol sa natitirang miyembro ng Standford Family na nakapasok sa Akademya at nagpanggap para maghiganti. Nalaman iyon nila Andy ang lalaking assassin ng Satsuki Mafia at ipinagbigay alam kay Akemi. Hindi naman niya matanggap na ang tinuring niyang kapatid at kaibigan na si Gon ay isang tunay na Standford at ang misyon nito ay patayin siya. Pero hindi iyon natuloy dahil napamahal sakanya ang binata. Hindi iyon pinahintulutan ng ama ng lalaki kaya sumugod ito sa Akademya para ituloy ang naudlot na misyon. Muntikan na niyang mapatay si Akemi kung hindi lang si Gon ang sumalo sa bala. Napatay ng sariling ama ang kanyang anak. Dumating naman ang mga tauhan ng Satsuki Mafia at pinatay ang mga naroon. Naging ayos ang lahat kahit na marami sa kaibigan ni Akemi ang namatay. Ikinasal sila Vin at Akemi
like
bc
69 SHADES DARKER OF KEI ILUSTRADO
Updated at Nov 28, 2023, 18:23
When Demonise study on De La Salle–Dasmariñas She met the most famous Kaurus Iverson Ilustrado, he is known as a womanizer and a playboy. The story started when her bestfriend Angel waiting for her inside the Gate of their school and they entered the school premises together. On the way to their respective classroom they rode an elevator is their first encounter. She thought that it is pure coincidental, until they met again on the deck of CBAA Building. As the day passed by they unexpectedly met each other and shared a peaceful moment on the deck during their vacant time. At Kei's birthday party, they started to become friends and during the moment they spend with each other Demonise develop a forbidden feelings for Kei. She confessed and got rejected at first. Yet, even if Kei rejected her. Demonise still insist to be one of her flings and finally Kei accepted her. They shared a lot of hot moments in bed and they let each other explore their sexual fantasies and turn it into reality. When Demonise is hurt, she met a handsome tourism student name Cupid Astillero and became her friends. When Kei is busy flirting with other girls, Cupid stayed by Demonise side. Kei started to realize his real feelings toward her and got jealous. He became territorial and decided to marry her.
like
bc
THE HEIRS OBSESSION
Updated at Nov 26, 2023, 18:25
Sa Napakagandang Palasyo sa Kaharian ng London na sakop ng bansang United Kingdom nakatira ang isang napakaganda at kaisa isang Prinsesa na nagngangalang Carma Shea Vantress. Si Prinsesa Carma ay maihahalintulad sa isang Diyosa sa angkin nitong ganda. Nag aaral ito sa London Royalty University. Natakas ito sa Palasyo para magsaya sa labas na tila normal na mamamayan. Nagsimula ang istorya nang maisipan ng Prinsesang lumabas at magliwaliw. Napadpad siya sa Euro Oblivion Bar dahil sa kuryosidad at sobrang pananabik napasobra ang kanyang pagkain at pag inom ng alak. Naisipan niyang sumayaw sa Dance Floor at sinabayan naman siya ng misteryosong lalaking nakasuot ng kalahating Maskara. Dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na niya namalayang dinala pala siya nito sa Condo ng Lalaki at inangkin ang kanyang pagkababae sa unang pagkakataon. Nagising na lamang siyang walang saplot at katabi ang guwapong nilalang. Agad siyang nabahala at nataranta kaya mabilis siyang umalis ng gusali. Doon nagsimula ang walang katapusang pagpapantasya niya sa nangyari sakanila at sa lalaki. Kalaunan ay nakita niya itong muli sa isang Royal Party. Napagkamalan pa niya ang kakambal nito na lalaking nakasiping niya. Kalaunan ay nalaman niya na rin ang buong katotohanan at naging malapit sila sa isa't isa. Nakilala niya ito bilang si Kemuel Rassel Satander Rocketfellers--tagapagmana ng Rotchilds-Rocketfellers multi-company. Nanligaw sakanya ang tagapagmana at kalaunan ay nadevelop sa isa't isa. Naging normal naman ang kanilang relasyon hanggang sa magkaanak sila. Nalaman ni Carma ang tungkol sa Mafia at ilang sikreto ng lalaki. Dumating rin ang kababata nitong sikat na fashion designer at modelo sa Bansang Italia. Nais nitong agawin sakanya ang asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan ang kabaliwan nito at itinulak siya sa kanilang sinasakyang Barko. Muntik na siyang bawian ng buhay kung hindi lamang siya sinagip ni Rassel. Nagalit sa kababata ang lalaki at ipinakulong ito. Nagahasa na ang pinaka mamahal niyang asawa. Hindi iyon matanggap ni Carma at natagalan siya sa pagrecover sa traumang dulot noon. Sinisi naman ni Rassel ang sarili sa nangyari. Hindi pa doon natapos ang trahedya ni Carma at Rassel. Ang akala nilang masayang pagsasama ay nagwakas ng maipit si Carma sa gulo ng Mafia. Hinostage ito at binaril ni Mr.Winchester---ang boss ng Winchester Mafia ng Italia na kalaban ng Khazarian Mafia na pinamumunuuan ni Rassel. Nag agaw buhay ang babae at nagkaroon ng problema ang katawan. Buhay pa ang puso at utak nito subalit hindi na kaya ng katawan na nagsisilbing vessel ng dalaga. Kaya isinuhuwestiyon nito kay Rassel na idonate nalang sa iba ang puso at utak ng asawa. Noong una ay ayaw pa pumayag ni Rassel. Kalaunan ay napapayag na siya ng anak nila ni Carma. Kaya ng makakita ng donor ay pumayag siya.
like
bc
Love and Lost Memories
Updated at Nov 19, 2023, 17:02
Sa isang barrio sa Cavite nakatira ang isang dalagang mula sa may-kayang pamilya, siya si Hershey Mae Mendoza labing siyam na taong gulang. Pangatlo siya sakanilang magkakapatid, siya ay kaisa-isang babae at apat silang anak ni Alfredo at Susan Mendoza. Nag aaral siya sa De La Salle University-Dasmariñas bilang estudyante ng Marketing. Meron siyang ex na isang sikat na Leader ng Bandang Boy Next Door. Siya si Justine Fortalejo ang lead vocalist ng sikat na banda. Nag aaral rin ito sa iisang school kung saan nag aaral ang dalaga. Isa itong estudyante sa HRM at malapit ng magtapos sa kolehiyo. Nakilala niya ito dahil sa Cyberworld. Naging magbestfriend sila hanggang sa madevelop sa isa't isa. Kalaunan ay naging sila. Kaya lang habang tumatagal nagkakalabuan sila dahil may pagkaplayboy ang lalaki. Nagduda at Nagselos si Hershey sa mga nakakausap ni Justine. Hanggang sa biglaan nalang makipaghiwalay sakanya si Justine pagkalipas ng isang monthsary nila. Hindi iyon matanggap ng dalaga idagdag pa ang Selective Amnesia nito. Sa sobrang sama ng loob niya sa paghihiwalay nila ay umatake ang sakit niyang Selective Amnesia kung saan nakakalimot siya sa mga nangyayari, at memories na nagawa niya kasama ang mga taong kakilala at mahalaga sakanya gaya nalang ni Justine. Akala niya ay ayos na ang lahat dahil nakatulong rin ang Selective Amnesia niya kahit papaano para makalimot sa sakit na dulot ng hiwalayan nila. Pero muling nagparamdam ang dating kasintahan, hindi pa rin pala ito nakakalimot sa pagmamahalan nila at gusto nitong maging silang muli. Naghabol sakanya si Justine pero ayaw na niyang bumalik at pagbigyan ito. Hindi sumuko si Justine hanggang sa makuha niya ulit ang dalaga. Kung kelan ayos na sila at nagsisimula ng maging masaya saka naman naaksidente ang dalaga. Nabangga ito ng kotse ni Alex Martin Guerrero, isang tagapagmana ng kompanya at dinala siya sa Isabela. Tuluyang nakalimot si Hershey at nagsinungaling naman sakanya si Alex sa tunay niyang katauhan. Pinaniwala niya ang dalaga sa kasinungalingan at nagpanggap na matagal ng kasintahan nito. Kaya lang habang natagal ay naalala ng dalaga ang tunay niyang pagkatao at ang lalaking tunay niyang minamahal. Napapanaginipan niya ito. Hanggang sa muli silang nagkita at pinaalala ni Justine sakanya ang mga nakalimutan niya. Sa tulong ng ate at pinsan ng dalaga nabawi nila si Hershey kay Alex. Nagkagusto rin si Hershey kay Alex subalit mas matimbang ang tunay at una niyang pag ibig. Walang nagawa si Alex kundi ang magpalaya. Nagkabalikan si Hershey at Justine hanggang sa kinasal sila.
like
bc
SECTION B
Updated at Oct 28, 2023, 04:18
Inside the beautiful country of Japan, a public school named SPRING HIGH that looks like a private one because of its prestigious appearance, high technology, and the way of Education it offers, France Parents decided to transfer her because it is one of the most popular schools around the world. She was amazed by the look of the school as well as the students studying there. On her first day of school she heard a lot of cheers and rumors about the school and all of the popular boys from the other students. She was unexpectedly chosen by the administration as the only female student that will luckily enter the Special Section which is the Section B. Section B is exclusively for Boys. A lot of girls envied her for being the luckiest girl and being taken care of by the 14 boys. Her incomplete life became meaningful as day passed by. She learned a lot during their classes. She met the most arrogant, cold and grumpy Aikee. He is the leader of their group and the most intelligent detective inside and outside the campus. She felt overwhelmed by the presence of her male classmates because all of them looked extraordinary and really smart. They are the definition of a Godlike figure inside and out. France became their apple of the eyes. Even if some of them don't believe in love and find it complicated. They started to grow and develop feelings for her because of her charm. France unfolds the mystery behind the school's uniqueness. She learned the forbidden events happening there. It makes her trembled in fear and loses her sleep. Luckily, she has them. They always protected her and stayed by her side. France and Aikee develop feelings for each other yet they can't show it in public because they know that all of their friends like her. Then the most dangerous anonymous killer appears and makes them face many obstacles and challenges by killing and scheming a lot. Are you curious now? Let's find out by reading the story and joining the characters in finding justice and the killer behind the murders.
like