Kabanata 1
Naranasan mo na bang magmahal ng sobra? Tipong kahit langit lalabagin mo para lang ipaglaban yung pagmamahal mo? Kahit mismo mga kadugo mo handa mong pagtaksilan makuha mo lang ang gusto mo?
Maatim mo bang saktan ang mga taong karugtong ng buhay mo? Para lang sa taong pinakamamahal mo?
Paano kung hindi ikaw ang piliin niya? Matatanggap mo kaya?
Kaya mo bang makita siyang hawak ng iba? Lalo na kung kapatid mo pa.
Anong gagawin mo? Sa araw araw na makikita mo siyang nakangiti sayo pero hawak ang kamay ng iba.
Masayang tumawa tawa na para bang wala ng bukas.
Papalayain mo ba ang taong bumubuo sa buong pagkatao mo? Taong dahilan kung bakit gustong gusto mong mabuhay sa mundong ito.
Pano kung yung taong mahal mo na yun? Pinaglalaruan lang pala ang kapatid mo? Dahil ikaw ang talagang mahal niya. Magagalit kaba sakanya? Aamin kaba sa kapatid mo? Oh? Hahayaan mo nalang sila.
Ako? Hahayaan ko nalang. Dahil kung talagang mahal niya ko iiwan niya ang kakambal ko para sakin. Para mahalin ako at para tapusin na ang kalokohang ginagawa niya sa kapatid ko.
Ako nga pala si Gianna Saturn Exousia, tinatawag nila akong Gi/Yhanna/Saturn yan yung madalas nilang itawag sakin. I'm 18 years old of existence. 4thyear Highschool at nakatira sa Milkyway Village malapit sa school. Kapatid ko si Glayza at Glayzie, sabi nila Mommy. Kambal daw kaming tatlo nauna lang ako ng ilang minuto sa dalawa. Pero kahit kambal kaming tatlo, hindi kami magkakamuka. Ewan ko ba. Talented ako, matalino lahat halos nasa akin na. Maliban sakanya, maliban sa taong 6 na taon ko ng mahal. Hanggang tingin at hi lang ako sakanya. Si Glayza ang madalas niyang kausap at si Shino naman ang madalas kong kausap.
Nandito kami ngayon sa Tree House na tambayan namin ng dumating yung tatlo. Sila Thunder, Shino at Sousuke. Humiga lang ako sa may duyan at naglagay ng headset sa dalawang tenga saka pumikit at ipinatong ang libro sa muka. Bahala na muna sila, wala ako sa mood. Sigurado akong mag aaya lang silang lumabas o gumimik ngayon.
"Venus, Mars free ba kayo ngayon? Tara gimik tayo."aya ni Sousuke.
"eh? Sousuke, di ata kami pwede ngayon. May gagawin kami para sa Darating na School Festival e."sagot ni Glayzie.
"Sayang naman, Mars."napakamot nalang sa batok si Sousuke.
"Pero si Gi, pwede ata yan. Wala naman siyang gagawin ngayon. Bukod sa matalino multi tasking pa gumawa kaya free."dugtong pa ni Venus at tinuro ang kanyang kapatid.
"Talaga?"sabi naman ni Shino.
"Oo ! Shino, ikaw ah nakakahalata na talaga ako sayo. G-Gus----"tinakpan na ni Shino ang bibig ni Venus bago pa man ito mag salita.
"Tahimik ka diyan? Dude."tanong niya sa dalaga.
"ah? Wala naman. Mukang di yan sasama."napailing nalang si Thunder habang tinititigan ang natutulog na si Gi.
"Ah? Ganun ba?"biglang nalungkot si Shino. Tinapik naman siya ng dalawang kakambal ni Gianna.
"So gigive up nalang kayo? Di niyo pa nga tinatanong e."sabi ni Mars.
"Aba! Hoy! Kayo Shino at Thunder magtanong. Mamaya masungitan ako niyan e."sabi naman ni Sousuke sa kinakabahang tono.
"w-why m-me?"turo ni Shino sa sarili. Kinakabahan siya, moody kasing babae si Gi.
"Ako nalang ang gigising."nagkatinginan yung apat. At nagsimula ng maglakad palapit kay Gi si Thunder. He take a deep breathe.
"uhm, Gi.. Gianna Saturn Exousia."malumanay na pagkakasabi ni Thunder.
"hmm."
"Can you join us?"he asked politely.
"w-what?"tinanggal ni Gi ang libro at laking gulat niya ng 2inch away lang ang muka ni Thunder sakanya. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng muka niya. Kaya umiwas siya ng tingin. Kumalabog ang puso niya roon. At di niya malaman ang gagawin.
"A-Ayoko."yun nalang ang lumabas sa bibig niya. Pero ang totoo gusto niya lang na pilitin siya ni Thunder at gaya ng inaasahan. Pinilit nga siya. Kaya napilitan siyang sumama.
"Sama kana. Minsan lang naman. Ngayon lang ako nagyakag." aniya pa.
Kaya sumama na siya. Nagpunta sila sa Haven Bar magkakaibigan. Tanging si Gianna lamang ang babae nilang kasama. Maraming tao roon at maingay ang paligid. Nakakasilaw rin ang mga neon lights. Napakaganda ni Gianna at mas lalong nadepina ang maganda nitong muka sa suot niyang party dress at high heels. Bagay na bagay sila ni Thunder. Labis na humahanga si Thunder sa dalaga. Kakaiba ang ganda nito sa paningin niya. She look like a Goddess. Napakaganda at napakasexy. Kaya hindi maiwasan ng lalaking magkagusto rito. Alam niya ring maraming nagkakandarapa sa dalaga kaya lang suplada ito at hindi palakaibigan kaya maraming ilag at takot lumapit sakanya. He sighed. He decided to tell her about his feelings. Kaya lang sobrang ingay ng paligid. Kaya nakaramdam siya ng hiya at pagkailang.
"Gi,I like you.."hindi alam ni Gi kung totoo ba ang sinabi ni Thunder sakanya o guni guni niya lamang iyon. Masyado kasing malakas ang tugtog sa Bar kung kaya't di na niya narinig kung tama ba o mali ang pagkakarinig niya. Sinasayaw siya ngayon ni Thunder. Ang background music ay Statue by Lil Eddie.
Hindi naman na inulit ni Thunder ang sinabi niya dahil nahiya na rin siya. Kaya iwinaksi nalang iyon ni Gi sa kanyang isipan. At sumayaw kasama ng binata. She felt so happy dahil nakasama niya ito. They look at each other while dancing. Hindi magkamayaw ang puso nilang dalawa sa pagtibok ng malakas. Halos magrigodon iyon. Natapos ang kanta ang nagtungo sila sa table nila para uminom ng beer. Abala naman si Sousuke sa mga babaeng nalapit rito. Gwapo kasi ang lalaki at may matipunong katawan. Si Shino naman ay labis na nagseselos sa dalawa ni Gi at Thunder. Mas napapalapit kasi ang dalawa ngayon dahil wala si Glayza. He sighed saka lumagok sa alak na hawak. Pinanlalamigan siya sa nakikita niya. Lihim niyang gusto ang kanyang bestfriend kaya nagseselos siya.
Nakipagkuwentuhan naman si Thunder sakanila tungkol sa basketball at soccer.
"Huwag kang masyadong magpasobra. Baka magsuka ka." nag aalalang sabi ni Thunder kay Gianna. Umiling si Gi roon. "Nah, its fine. Hindi ako nasuka kahit marami akong naiinom. Don't worry." she said saka pinagpatuloy ang pag iinom.
Anong oras na rin sila natapos sa pagbabar at si Thunder na ang naghatid kay Gi sa Village. "Thank you sa paghatid." aniya. He smiled at her saka kumaway. "No worries. As long as safe kang makauwi." anito sa husky na boses. Tila kinilig naman si Gianna roon at nahihiyang tumalikod sa lalaki.