Prologo
Spanish Occupation. During their occupation of the Philippines, the Spanish Colonizers conducted a series of expeditions, led by Juan Salcedo in 1572 and Don Q. M. Quirante in 1694 to the cool mountains of Benguet.
A series of failed attempts to conquer the natives were made until foothold was finally gained by Commandante de Galvey in 1846, when he was able to establish a commandancia or military garrison in a beautiful stretch of fertile flat land.
"ano ba to? Nakakaumay na kaya ang history about Baguio. Elementary palang eto na yung topic paulit ulit nalang. Nakakairita! Panay pa dada tong tour guide namin about History ng Baguio. Ano bang mapapala ko sa history? Yayaman ba ako kapag nalaman ko lahat lahat tungkol sa history ng Baguio?!"inis kong usal sa harap ng kaibigan kong si Felicity. Tinakpan niya naman agad ang kanyang tenga dahil malakas yung sigaw ko.
"Pwede ba Isabelle?! Magheadset ka nalang kung ayaw mong makinig! Ayoko pang mabingi!"inis nitong baling sakin. Kaya nasubunutan ko siya. Nag irapan kami at umiwas nalang sa isa't isa. Hindi naman kami maririnig ng iba lalo na yung mga nasa unahan dahil nasa kahulihan kami. Bukod doon malakas yung mic ng tour guide namin at mga natutulog na ang iba naming kaklase.
This he named after his wife, and now known as La Trinidad. Galvey went on to establish the 'rancherias' (camps or rural settlements). The area known as Kafagway was then a small rancheria. La Trinidad remains the capital of Benguet province to this date.
"Students,did you know that the presidentia (civil government) Guisad Valley area it was later moved to the present site of the Baguio City Hall. Natikman niyo na ba ang kape ng baguio? Alam niyo ba kung sino ang nag introduce nito sakanila? Of course one of the notable contributions of the Spanish era was the introduction of coffee, of the arabica area and known as Benguet coffee."napatingin nalang ako sa mga lupain na nadadaanan namin. At saka bumulong bulong.
"Mapupunta ba sakin yung Yamashita Treasure?! Hindi naman ah! Grr!"napairap nalang ako sa kawalan dahil doon.
The Spaniards will able to establish order, built churches and schools, made trails introduced coffee during their long occupation of the area.
"Pagkatapos ng Spaniards mga American naman ang pumalit. They came early in 1900 and established their government with H. Whitmarsh as the appointed Governor of Benguet and Baguio as the capital. This was the first provincial goverment to be established in the Philippines and this happened a year prior to the inauguration of the civil government of the Philippines."patuloy niyang kuwento. Habang kami ay nagkakanya kanya na. Ang sama ko ba? Masisisi niyo ba ako? Nakakaboring naman kasi talaga ang talakayan ukol sa kasaysayan. Past na nga yun diba? Bakit kailangan pang alalahanin?! Past is past nga!
"kilala niyo ba kung sino sino ang kanilang administrators?"masiglang tanong ng tour guide namin. Yumuko nalang ako kasi minsan nagtatawag kasi siya. At tatanungin ka. Ayokong matawag dahil malamang wala naman akong alam na isasagot. At wala akong balak tandaan. Hindi ko naman yan kakailanganin pag nagtrabaho ako. At di naman ako dito sa Baguio magtatrabaho. Maraming nagagandahan dito. Pero hindi ako! Ayoko dito! Ayos pa sana kung sa South Korea o kaya sa Canada kami nagtour eh! Bakit kasi may local tour pa ang La Salle?! Nakakainis lang.
"Hindi po, ate Ethel!"sagot ng mga kaklase ko. Nagbasa nalang ako ng w*****d. At nakinig sa music. Pero s**t! Kahit itodo ko ata ang volume balewala e. Napabuntong hininga nalang ako dahil doon.
"Their best administrators and teachers were fervent boosters and promoters: Worcester, Wright, Forbes, Pack, Barrows, Eckman and others who together with Filipinos committed to make place haven."tapos nun dineliver na nila samin yung snacks namin na red ribbon na mamon, zesto, kitkat, clover at nagaraya. Yun nalang ang inatupag ko.
Ang tagal naman kasi ng biyahe, 6hrs ano pa kung traffic?! Baka abutin ng 11hrs. Nakakainip tong nakaupo ka lang buti nalang nga aircon to. Edi lalo na sana kung ordinary lang yung ginamit namin para sa transportation.
Ang boring lang ng nakikita ko kasi puro lang palayan. Mga pagak at baka lang yung nandoon. Alas tres y media palang ng hapon at 11 pa kami nakaalis ng school. Cavite pa naman yun, Pangasinan na. Yes!
At alam niyo ba kung bakit kami ngayon magtotour doon? Kasi may Festival na magaganap. Yung Panagbenga Festival.
"Malapit na tayo sa matarik at makipot na highway ha. Magpray kayo na hindi tayo maaksidente."sabi ni Ate Ethel. Hindi ko siya pinansin at nakinig nalang talaga ako ng music. Saktong Tadhana yung tugtog kaya sinabayan ko na.
"Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo. May minsan lang na nagdugtong. Damang dama na ang ugong nito."feel na feel ko pa talaga yung kanta kala mo naman may experience na sa lovelife e NBSB ako. Napairap tuloy ako sa kawalan.
"pwede ba, Isabelle? Baka umulan. Hindi naman pangit ang boses mo ah. Ang galing mo naman pag nasa stage na. Ayusin mo baka umulan."inirapan lang ako ni Felicity at pumikit na para matulog. Paliko na yung bus namin ng mapatingin ako sa may bangin. Hindi ko alam kung bakit nahilo ako bigla tapos nag black and white yung vision ko. May nakita akong mga images at alam kong nandoon ako. Nang biglang tumagilid yung bus namin. Sobrang bilis pa naman ng takbo tapos tumutunog na yung makina at nangangamoy na gas na tumagas. Nagsisigaw na lahat may mga napatayo, gulat at di malaman ang gagawin. May mga binabasag na yung bintana at higit sa lahat maraming umiiyak.
"f**k s**t!"napamura nalang ako.
"Damn! Anong nangyari? Ayos naman to! Na check up naman to bago tayo umalis bakit?!"sabi ng driver. "tumalon na kayo! Malapit na tayo mahulog."huli na para doon. Nabasag man ng iba ang bintana hindi naman sila kasya dahil maliit na basag lang. Nasugatan pa sila. Unti unti ng nahuhulog yung bus namin. Nakailang baligtad nadin ang bus at natama pa ito sa mga punong kahoy. Nauntog ako sa bakal na upuan kaya dumugo yung ulo ko.
"Katapusan ko na talaga! God! Sobrang sama ko na ba kaya ganito kalupit yung sinapit ko? Sorry po."
I closed my eyes. At taimtim na nagdasal. "Sana, mabigyan pa ko ng kaunting pagkakataon na mabuhay handa akong harapin ang kaparusahan ko basta mabuhay lang ako. Ni hindi ko pa nga nakikilala ang Prince Charming ko e. Oo, bitter ako pero kahit di ko pinapahalata syempre gusto ko rin maranasang magmahal. Please po!"paulit ulit kong dasal pagkatapos ay ang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Sumasampalataya. First time ko tong gawin buong buhay ko. Binanggit ko na din lahat ng kasalanan ko at humingi ako ng kapatawaran bago tuluyang sumabog yung bus na sinasakyan namin. Yakap yakap ko si Felicity.
Tumulo nalang ang luha sa aking mata at kumabog ng malakas ang aking dibdib. Naramdaman ko nalang ang malakas na impact ng pagbagsak namin.