Biyernes ngayon, pero andami naming inaasikaso kailangan pa kasing papirmahan yung consent tapos papanotarized pa sa abogado para sa tour namin sa Baguio part ng Service Marketing na Subject na project ngayong finals. Fourth-year college na kasi ako. Kaya kailangan kong sumama kesa gumawa ng tambak na thesis. Doon na ko sa konti lang ang gagawin. Ako nga pala si Isabelle M. Galvey, pangatlong anak ni Susan at Alfredo Galvey puro lalaki yung mga kapatid ko na hindi ko makasundo bukod doon ako nalang at ang bunso kong kapatid na si Alfer ang nag aaral dahil maagang nakabuntis sila kuya at nagkaroon ng sariling pamilya pero nakasandal parin sa mga magulang namin. Nag aaral ako sa De La Salle University-Dasmarinas ng BSBA major in Marketing. May lahi akong amerikano at espanyol dahil Espanyol si Lolo sa side ng Mom ko at kaonting Filipino pero mas lamang ang dugong amerikano naman kay lola. Sa side ni Dad ay pure na Ibaloi dugong Filipino. Nagmula ang aking angkan sa Amerikano, Espanyol at Filipino dahil sa colonization na naganap noong 1900's.
"Isabelle, nakapag pa-notarized kana? Tara na bumalik sa school. Para makauwi na tayo. Mag aayos pa ako ng mga gamit ko. May dadaanan pa kasi ako bukas ng 8am eh, diba 10am ang call time? 11am naman ang departure sa school."tinanguan ko lang si Felicity at sumabay na sakanya sa paglalakad papuntang gate 1. Transferee ako sa school nitong second year college, ang alam ko nag aral ako sa Baguio ng elementary tapos nagpunta na kaming United States para sa pag papagamot ni Dad. Doon na ako nag aral ng secondary level. Naiwan sila kuya dito kaya hindi masyadong nasubaybayan nila Mommy. Kaya medyo malayo rin ang loob ko sakanila dahil doon. Saka mapang asar kasi sila kaya nakakainis.
"Naayos mo na ba yung mga dadalhin mo? Magmamaleta ka?"tanong ni Felicity. Tumawid na kami ng kalsada at pumasok sa entrance ng gate 1. Sinwipe na muna namin yung ID namin bago pumasok. Naghintay kami ng ikot La Salle sa rotunda dahil nakakatamad maglakad nakakapagod din dahil di ordinaryo ang laki at lawak ng school. Tapos dulo pa yung building naming. Gate 3 pa e galing kaming gate 1 dahil doon lang may notary office.
"hindi pa, mamaya na wala naman akong gagawin. Oo, ang dami ko sigurong dadalhin. Maghahiking tayo dun e tapos isang linggo din tayo dun. Tsk. Nakakaasar! Bakit kasi baguio pa napili ng school. Bakit yung iba sa Hongkong, Japan, yung Tourism nga South Korea e. Tayo? Ano na? kung kelan last tour."reklamo ko. Saktong dating naman ng school jeep at sumakay na kami doon.
"Kaya nga, pero hayaan mo na maganda naman sa Baguio e. Maraming tourist spot doon saka di ba pupunta pa tayong Diplomat Hotel. Woooh!" excited na untag ni Felicity. Sila lang ang nakakaramdam ng excitement samantalang ako iba yung nararamdaman ko e. Parang ayaw ko talaga pumunta doon. Parang may kakaibang enerhiya ang pumipigil sakin.
Pauwi na kami kaya nagkahiwalay na kami ni Felicity. Sa Makati kasi ang condo ko, siya naman sa bandang tagaytay pa ang bahay nila. May drivers licensed nanaman ako. Pero hindi ko alam kung counted pa ba yung dahilan ni Mom at Dad na kailangan ko pa rin ng driver psh.
Nakatulugan ko na yung biyahe. At heto nanaman po sa walang katapusang traffic. Nagising ako dahil nakahinto yung kotse sa may malapit sa sky way may nahulog na bus kasi kaya maraming namatay. Nanakit nanaman yung ulo ko tapos parang nakakita nanaman ako ng scenario regarding sa case. At kasunod noon ang balita sa radio tungkol doon sa nangyari.
"Magandang hapon sainyong lahat, nakakalungkot ang sinapit ng 113 na pasaherong sakay ng bus galing batangas patungong Maynila nahulog po ang kanilang bus sa sky way. Walang nakarecover dahil agad na sumabog ang bus na ito. Maraming nagsasabing natagas na ang gas noon nung nasa Bacoor pa lang pero isinawalang bahala ng driver...."hindi ko na tinapos dahil nanakit talaga ang ulo ko nagdulot pa ito ng matinding traffic. Kaya hindi kami agad nakarating sa condo. Bukas ko nalang siguro aayusin yung mga gamit ko. Pagod na pagod na ako.
Nagising ako sa sikat ng araw. Tiningnan ko agad yung orasan. 8am na pala sakto, kaya bumangon na ako para maghilamos. Inayos ko na yung mga gamit na dadalhin ko. Isang malaking maleta lang tapos isang maliit na shoulder bag. Tinawag na ko ni Manang Celia para sa umagahan kaya dumiretso na ako doon.
"Good morning, senyorita. Nakahanda napo ang inyong umagahan: Bacon, eggs, tafa, hotdog, at fried rice ginawan ko na din po kayo ng gatas." nakangiting saad ni Manang na ginantihan ko din. Kahit naman maldita ako marunong pa rin akong rumespeto sa matatandang mababait. Mababait ha!
"Goodmorning din po, Manang. Sabi ko naman po sainyo quit saying senyorita, Isabelle nalang po. At wag na ho kayong mag po sakin. Mas gusto ko pong ako ang nagpo-po sainyo."nakangiti kong saad. Hindi ko alam kung bakit nakasanayan ko ng itrato ang mga empleyado namin ng hindi sila dinedegrade, maliban nalang doon sa mga impokrita at mayayabang. Pagkatapos kong kumain ay umakyat nako sa staircase at dumiretso sa bathroom para maligo. Nagbabad ako agad sa Jacuzzi habang nagsasabon ng katawan. Napatingin naman ako sa labas ng bintana, mainit na ang sikat ng araw. Kitang kita mula dito sa taas ang lahat ng abalang tao. Maging ang mga infrastraktura at dumadaang mga sasakyan. Maganda ang umaga ngayon dahil sa langit. Sumasayaw ang mga ulap at nagliliparan ang mga ibon sa himpapawid. May eroplano pang dumaan. Kung sana kasing payapa ng kalangitan ang nasa kalupaan hindi sana magulo. Kung sana pantay pantay din ang trato ng mga tao sa isa't isa. Walang mahirap o mayaman. Sinong mag aakala na ang malditang katulad ko ay marunong tumingin at mag obserba sa kapaligiran.
Nang matapos ay nagpahatid na ako sa driver sa school namin. Chineck pa nga ng guard kung sino ang sakay ng kotse. Nginitian ko lang sila sabay irap. Halata kasing nang mamanyak yung tingin at ngisi. Kamuka pa naman nila si Kingkong. -_-
Nakakabanas naman masyado ang aga aga e. Hayaan na nga.