Chapter 1
"Itali niyo siya! Hindi puwedeng maka-kagat ang isang 'yan! Mas lalo lamang darami ang mga cases ng mga Rogue. Sampong miyembro ng ating pack ang kanilang nakagat at ngayon ay naka-kulong sa sagradong kuweba. Mahirap na, ayokong malagasan muli. Bihira lamang ang Rogue na napapagaling ng Babaylan. Pero para maiwasan ito, kailangan nating maging alerto," seryosong saad ni Alpha Iuhence sa kaniyang mga miyembro ng pack. Nagwawala ang isang Rogue na nahuli nila Khalil. Galit na galit iyon.
"Masusunod, Alpha. Siya nga pala. Iyong mga witch ay humihingi ng pahintulot mula sa inyo na magkaroon sila ng magiging lupain para sa kanilang pag eensayo ng mga spells," report ni Khalil. Isa sa kaniyang beta. Busy kasi ang ibang miyembro ng pack sa kani-kanilang tungkulin.
"Isama mo si Deshna at hayaan mong siya ang pumili ng magiging puwesto para sa kaniyang kalahi," desididong sambit ni Alpha Iuhence. Tumango naman si Beta Khalil bilang pagsang ayon.
Nag tungo naman si Khalil kay Deshna at sinabi ang inutos ng kanilang Alpha. Sinunod naman ni Deshna ang kaniyang pinaka mamahal na Alpha.
SIMULA..
Sa pinaka pusod ng kagubatan matatagpuan ang kuta ng mga lobo. Doon naninirahan ang pinaka malakas na Alpha sa buong mundo. Kilala ang Transylvania dahil sa kakaibang katangian ng kanilang Alpha at ang napakagandang tanawin roon. Maraming nag tataasang puno at berdeng halaman sa paligid. Tuwing gabi ay kumikinang ang mga dahon dahil sa liwanag na nag mumula sa Buwan. Naroon naman ang mga lobong nag sasaya habang nasayaw at nakanta. Nag kalat rin ang mga masasarap na ulam at serbesa sa mahabang lamesa.
"Mag saya!" sigaw ng mga lobo habang naindayog ang katawan dahil sa masiglang tugtugin. Napangiti nalang ang mga Opisyales roon habang pinagmamasdan ang mga lobong nasayaw at nakanta.
Ang mga kababaihang lobo naman ay panay ang sulyap sa kanilang napaka gwapong Alpha. Walang iba kundi si Alpha Iuhence. Marami ang nagkakandarapa at humahanga rito dahil sobrang guwapo at napaka galing pang makipaglaban.
No one can beat their beloved alpha. Kahit napakarami ng sakim na nais patalsikin sa pwesto ang alpha.
"Grabe noh! ang guwapo ng ating Alpha!" saad ni Mirai.
"Oo nga, huwag ka lang maingay baka marinig ka ni Deshna." tugon ni Sylfie.
Nag patawag ng pulong ang alpha at kinausap ang kaniyang mga miyembro.
"Ayusin niyo ang pag roronda, nag kalat na naman ngayon ang mga Rogue at paniguradong marami na naman silang nais biktimahin. Sa hilaga at timog madalas mag tungo ang mga ito dahil maraming tao. Walang katapusan ang problema nating mga lobo at maging ng mga tao sa mga Rogue. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nasosolusyunan ang problema. Miski ako hindi ko alam kung saan ko sila hahagilapin at kung paano ko malalaman kung nasaan nagmumula ang mga ito." mahabang litanya ni Alpha Iuhence.
"Sa tingin ko may nag mamanipula sa kanila para mang gulo. Habang tumatagal mas dumarami ang kaso ng mga Lobo na nagiging Rogue." seryosong saad ni Beta Khalil. Tumango naman si Alpha Iuhence.
"Meron talaga. Kasi hindi na normal ang biglaang pag dami nila." sagot ni Delta Casper.
Kaya nagpasya ang grupo ni Alpha Iuhence na hanapin ang puno't dulo ng lahat.
"Sa susunod na araw natin gawin ang plano. Hindi ko alam kung magagawa kong pigilan ang pag dami nila. Pero handa akong ibuwis ang sarili kong buhay para lang sa kaligtasan ng bawat lobo at tao." desididong sambit ni Alpha Iuhence. Tumango naman ang kaniyang mga tauhan.
Nang Sumunod Araw..
May nag balita kay Alpha Iuhence na natagpuan na nila ang laboratoryo kung saan pinag eexperimentuhan ng mga tao at kapwa niya lobo ang ilang lobo para maging isang Rogue. Nag igting ang panga ni Alpha Iuhence sa galit at sinugod ang nasabing laboratoryo. Natagpuan ng alpha ang kahindik hindik na itsura ng mga lobo na pinag experimentuhan at ang nakakaawang estado ng mga ito. Panay ang ungol nila sa sakit na dulot ng itim na elixir.
"Itigil niyo 'yan!" galit na sigaw ni Alpha Iuhence. Nag tinginan ang mga naroon at nag anyong lobo. Gumamit naman ng armas ang mga tao at nakipag laban sila Alpha Iuhence sa mga ito.
"Paano niyo naatim gawaan ng masama ang mga kapwa niyo lobo?!" galit na umangil si Alpha Iuhence. Sumagot ang isa sa kaniya.
"Napag utusan lamang kami at para sa halaga ng pera na kabayaran sa aming serbisyo hindi uso ang salitang awa!" galit na sumugod ang lobo kay Alpha Iuhence at sinakmal naman ito ng Alpha Iuhence sa leeg. Sumirit ang dugo ng lobo. Nakipag laban ang Alpha at ang kaniyang mga miyembro sa mga naroon at matagumpay nilang natalo ang mga ito.
Nag anyong tao si Alpha Iuhence at umalis ng nasabing lugar. Pag pasok sa lagusan ay mabilis siyang..
Nag palit siya sa kaniyang anyong lobo sa gitna ng mabilis ng pagtakbo patungo sa paborito niyang tambayan. Sa treehouse sa taas ng ilog ng buhay.
Naging kulay puting higanteng lobo ang alpha. Nahahaluan ng kulay gray at ginto ang makapal nitong balahibo. Ibang iba sa mga ordinaryong werewolves.
Dahil sa dilim na dulot ng gabi ay naging malinaw ang kanyang mata at mag mistulang ginto ang kulay niyon. Iba kapag umaga na bluish gray at kapag anyong tao siya.
Humahampas sa muka at katawan niya ang malamig na simoy ng hanging pero balewala iyon dahil sa kapal ng balahibo niya. Sumasayaw ang balahibo niya sa hangin.
Nagsi-aklasan ang mga ibon sa paligid nang marinig ang kaniyang pag alulong. Ganoon rin ang mga hayop sa gubat.
Tinatalon niya ang mga patibong na mismong sila ang nag tanim. Tinawid niya ang mga lawa at bangin hanggang sa makarating sa lawa ng buhay.
Nag palit siya agad ng anyo at kinuha ang pamalit sa nasirang kasuotan. Di pa man siya nakakahakbang ay may sumulpot na babae sa isang tabi. Ramdam niya na iyon at naamoy niya na kanina pa. Seryoso niyang binalingan ang babaeng may magandang muka. Nakabakas sa maganda nitong mata ang takot na napalitan agad ng pagnanasa.
Napailing siya at napa ngisi. Ngising di mo alam kung magugustuhan mo o matatakot ka. Pero dahil sa pagnanasa ng babae ang nangingibabaw ay binalewala nito iyon. Hindi na bago sa alpha ang senaryo.