Nagsi-aklasan ang mga ibon sa paligid nang marinig ang kaniyang pag alulong. Ganoon rin ang mga hayop sa gubat.
Tinatalon niya ang mga patibong na mismong sila ang nag tanim. Tinawid niya ang mga lawa at bangin hanggang sa makarating sa lawa ng buhay.
Nag palit siya agad ng anyo at kinuha ang pamalit sa nasirang kasuotan. Di pa man siya nakakahakbang ay may sumulpot na babae sa isang tabi. Ramdam niya na iyon at naamoy niya na kanina pa. Seryoso niyang binalingan ang babaeng may magandang muka. Nakabakas sa maganda nitong mata ang takot na napalitan agad ng pagnanasa.
Napailing siya at napa ngisi. Ngising di mo alam kung magugustuhan mo o matatakot ka. Pero dahil sa pagnanasa ng babae ang nangingibabaw ay binalewala nito iyon. Hindi na bago sa alpha ang senaryo.
Nakakasilaw na liwanag
Isang babaeng walang kasing ganda
Umaalon ang kanyang mahabang buhok
Nakakahalina ang kanyang mata
Perpektong hubog ng katawan
Mapungay na mahahabang pilikmata
Manipis na kilay na tila hinulma
Makinis na kutis
Kasing puti ng liwanag ng buwan
Matangos na ilong
Makipot na pulang labi
Ang siyang makikita sa kalangitan
Tila isang anghel na walang pakpak
Kumikinang ang puting suot
'Yan ang nakita ng babaylan sa Propesiya nitong nakaraang kabilugan ng buwan.
Abala ang lahat sa pagdating ng panauhing pandangal ng alpha. Lahat ay maliksing kumikilos habang ang iba ay natulong sa pag aayos ayon sa nakaatang na gawain. Organisado ang lahat sa buwang iyon. Ika siyam na buwan na kaya ramdam na ang until unting pag taas ng temperatura sa Transylvania.
Dahil doon ay buong umaga nila ginugol ang kanilang oras sa pag gawa. Matapos naman noon ay pinag pahinga na sila ng mga delta base sa utos ng alpha.
Ang mga matatandang lobo ay maayos na nakahilera sakanilang mga upuan. Nirerespeto ng lahat ang mga ito dahil sila ang bumubuo sa konseho at ang dalawang matandang babaylan.
"Pakitawag na ang alpha, Delta Lucas. Paparating na ang unang panauhin. Sabihan mo nalang ang beta." Saad ni Delta Lorcan. Tango lang ang sagot ni Delta Lucas. At mabilis na kumilos.
Dinaanan niya ang mahabang lamesa na puno ng pagkain at alak.
Huminto siya sa pintuan sa labas ng kubo. At tumikhim bago magsalita.
Naamoy naman siya ng beta kaya binuksan nito ang pinto.
"Ipagpaumanhin niyo beta Zeus. Narito ako upang ipagbigay alam na paparating na ang unang panauhing pandangal." Pagbibigay alam nito habang nakayuko.
"Sige, tatawagin ko lang ang ating alpha. Hintayin mo nalang kami rito." Sabay tango nito.
Pumasok sa loob ang beta at sa muli nitong paglabas ay kasama na nito ang alpha. Nag bigay pugay ang delta bago sila nag punta sa bungad ng kanilang teritoryo para salubungin ang panauhin.
Malamig ang simoy ng hangin ng hapong iyon.
Lulan ng magarbong karwahe ang Luna ng France. Kasama nito ang kaniyang alpha na nakasakay sa puting kabayo.
"Maligayang pagdating aking kaibigan." Bati ni alpha Iuhence sa kaibigan. Ngumiti ang alpha ng France.
At bumaba sa kabayo saka nito binigay ang tali sa betang kasama na si Carlos.
"Merci. Je suis content de te revoir mon ami. Tu es toujours pareil. Le fameux alpha."
( Thanks. I'm glad that I see you again my friend. You're still the same. The famous alpha. ) anito sa kaniya sabay silang tumuloy sa kanilang kuta.
Nag bigay galang ang lahat ng naroon bilang pag respeto sa alpha ng France.
"Tu n'as jamais changé. J'adore ton sac, ils sont généreux. Vous méritez vraiment d'être leur alpha. Vous avez fait un excellent travail sur la gestion de l'ensemble."
( You never changed. I love your pack, they're generous. You really deserved to be their alpha. You did a great job on managing the whole pack. ) Saad ni Alpha Kenneth sa kaibigan. Ngumisi lang si Alpha Iuhence.
Tinulungan ng alpha Kenneth ang kaniyang Luna na bumaba ng karwahe. Lumuhod ang lahat sa senaryong iyon. Ang Luna ang pinaka mahalaga sa buhay ng isang alpha. Sila ang nag sisilbing lakas ng alpha. At bilang Luna na maitutumbas sa katungkulan ng isang Reyna ginagalang at pinahahalagahan siya.
Joy De Taza, the mighty beautiful Luna of France gracefully walk with her head up. Everyone admired her. She has a pair white skin. Small face, pointed nose. Singkit ito na may manipis na pulang labi.
"Bienvenue sur notre territoire. Belle Luna de France."
( Welcome to our territory. Beautiful Luna of France. ) Pormal na bati ni Alpha Iuhence. Ngumiti ang Luna roon.
"Merci, Alpha Iuhence. Ça fait longtemps."
(Thank you, alpha Iuhence. It's been a long time. ) anito saka sumabay sa dalawa sa paglalakad. Alpha Iuhence nodded. Nag kuwentuhan lang sila.
Hindi agad sila kumain. Dahil hinintay nila ang pagdating ng matalik na kaibigan ni Alpha Iuhence.
"Alpha Tyron, sei in ritardo."
( Alpha Tyron, you're late. ) Kunwaring badtrip na sabi ni Alpha Iuhence na tinanguan lang ni Alpha Kenneth.
Humalakhak lang si Alpha Tyron Ausa ng Australia. Saka sila sabay-sabay na kumain. They talked a lot like a friends always do. Napuno ng tawanan ang hapag dahil sa kaingayan ng Luna ng France. Masayahin ito at palabiro. May pagka sadista din ito at pagka pikon. Kaya puro kurot ito sa sariling alpha. Nagpapaubaya naman si Alpha Kenneth.
"Nakakatakot pala talaga ang Luna ng France." Biro ng beta ni Alpha Iuhence. Sinamaan ng tingin ng Luna ang beta na nangilabot naman at nangilag agad. Dahil binato siya ng Luna ng mansanas. Nagkatawanan dahil doon.
"Tama na yan. Assez ma Luna."
( Enough my Luna ) Awat ng alpha niya na sinunod naman agad ng Luna.
Humingi naman ng tawad ang beta ni Alpha Iuhence.
Naglibot lang sila sa buong Transylvania. Maging sa nayon. Walang tao sa Transylvania, lahat ay mga taong lobo. Kaya kilala ang alpha dahil siya lang ang nag iisang namumuno sa buong Transylvania. Magiliw na sinalubong ng lahat ang mga panauhin. Kaniya-kaniyang bigay ng regalo ang mga ito.
"Merci beaucoup."
( Thank you so much ) Pasasalamat ng Luna.
Nagtungo sila sa night market nitong gabi para makipag kalakalan. Mga mahalagang bagay na tanging sa Transylvania lamang mabibili.
"Ne me dis pas, tu y vas juste pour l'avoir."
( Don't tell me, you go there just to have that. )
Hindi makapaniwalang usal ni Alpha Iuhence sa kaibigang alpha Kenneth. Humalakhak lang ang huli. Napailing nalang siya roon. Sabay baling Kay Alpha Tyron.
"Anche tu."
( You too )
Nakasimangot niyang turan sa isa. Natatawang tumango ito.
"Non posso crederci. Pensavo che volessi vedermi, ecco perché sei qui."
( I can't believe it. I thought you want to see me that's why you're here. )
Bagsak ang balikat niyang dugtong na kinatawa ng tatlo. Inakbayan siya ng kaibigan at nagtungo na sila sa bahay kainan para ilibre ang nagtatampong alpha.
They enjoyed the night until midnight. May mga nagtanghal roon kaya di sila naboring.
Maagang umalis ang dalawang alpha at ang Luna para balikan ang kanilang mga pack. Hindi kasi maaring mawala ang alpha ng matagal dahil maaring lusubin at ikapahamak iyon ng kanilang pack na naiwan.
"Hanggang sa muli aking kaibigan." Aniya. Tumango lang ang tatlo.
Hinatid niya ang mga ito sa border. Bumalik siya agad sa kuta dahil marami pa siyang aasikasuhin pagkagising.