Isang musika ang sumasaliw sa kapaligiran kasabay ng mabining ihip ng sariwang hangin. Maliwanag nang gabing iyon dahil sa tulong ng buwan at mga bituin. Sa gitna ng batis ng liwanag na napapalibutan ng mga iba't ibang uri ng halaman, bulaklak at mga puno. Ay naroon ang isang dalagang nakikinig sa binatang nakaupo sa gitna ng batuhan. Hawak ang pluta at nakalapat ang labi sa dulo nito habang gumagalaw sa isang ekspertong paraan ang daliri. Malambing ang tunog noon na kahit sinong makakarinig ay mahuhumaling at matitigil sa kanilang ginagawa o pipiliin na lamang na makinig. Ang mga isda at lamang tubig ay malayang naglalangoy sa kalinawan ng batis ng liwanag. Bawat ihip ng hangin ay sabay na pagsayaw ng mga puno. Bagay na kahali-halina sa paningin ni Luna. Ang puso niya ay walang

