May isang salo salo ang nagaganap ngayon sa Hacienda Dela Cruz. Maraming mga kilalang tao ang naroon para makidalo sa kasiyahan. Mga kilalang tao sa lipunan gaya ng bagong Gobernador na si Lucas Glean ng kanilang bayan kasama si Henry Allen at Mathew Cabanatan ang kilalang pinaka mayamang tao sa probinsya ng Batangas. Kasama nito ang kanyang pamangkin na si Gian Calyx isang maharlikang español na mula pa sa Espanya na nakatakdang mapangasawa ng aking nakakatandang kapatid na babae sa katauhan ni Jillian. Masaya ang tugtuging tumutugtog sa bawat sulok ng kanilang Mansion kung saan ginaganap ang masayang pagtitipon. Maraming kilalang pamilya ang nandoon. Maging ang mga taga rancheria ay nandoon din upang makisaya sa nalalapit na pag iisang dibdib ng dalawang tao dito sa Batangas. Maraming

