Ilang araw nalang ay kaarawan ko na. Kaya muli akong pinabalik ng Mansion para ipagdiwang ang aking kaarawan. Kasama ko sila ate Clarissa at Ginoong Gian pabalik. Lulan ng bapor ay nakarating kami roon makalipas ang tatlong araw bago ang mismong araw ng aking kaarawan. Maayos na ang lahat doon. Nang kami ay dumating nang mag Ika apat ng Mayo. Labis ang paghahanda nila ama at ina. Maging ang mga mamamayan doon. Wala pala kaming pinagkaiba ni Jillian ng kaarawan. Maging ang malditang pinsan nito...na ngayon ay naging pinsan ko na rin. Muling ginanap ang mahalagang pagdiriwang sa mismong Hacienda ng Pamilya. Nandoon ang mga kilalang tao sa lipunan. Bagay na hindi kailanman nawawala. Maging mga prayle ay pagala gala rin. "magandang gabi, senyorita. Maligayang kaarawan.."bungad sa akin ni

