Naging abala si Cza sa pag aayos ng kanilang bahay dahil bibisita sakanya ang kasintahan. Ayaw niyang mapahiya rito kaya talagang ginugol niya ang kanyang buong araw kahapon at ngayon sa pag aasikaso ng lahat. Walang kahit anong alikabok, agiw o duming makikita. Makintab rin ang mga muwebles at sahig. Maging ang kusina at Rest room ay nilinis niyang mabuti baka kasi makigamit ito o kaya gumala roon. Naghanda rin siya ng maari nitong meryendahin mamaya. Nagbake siya ng cake at nagluto ng pasta. Ilang minuto nalang din kasi at matatapos na ang mga ginagawa niya. Nakaramdam siya ng matinding kaba at excitement sa pagdating nito. Who wouldn't be? kung isang Prinsipe ang bibisita sayo? Kaso baka mailang ito kapag nakita ang kanilang bahay. Pero sana naman ay hindi mahalaga rito iyon. Parang m

