Hindi makapaniwala si Cza sa napanood sa TV. Pati sa mga larawan na kumakalat sa internet. Lahat ng sweet encounter ng dalawa sa mga business deal. Sa public at sa kung saan saan pa. Hindi siya makapaniwala na yung taong nangako sa Lola Anastasia niya ay ikakasal na. Hindi man lang nito sinabi sakanya. May kung anong tumusok sa puso niya sobrang sakit noon. Unti unting tumulo ang luha sa kanyang magandang mata. She was hurt and broken. Hindi niya akalain na ganito ang kahihinatnan. Mahal niya na ang lalaki at binigay niya ang pagkabirhen niya rito. Umasa siya na seseryosohin siya nito. Panay ang kanyang paghikbi sa sama ng loob. Yun ba ang inatupag nito ng halos mag iisang buwan? Hindi niya matanggap. Sunod sunod na namang nag uunahang pumatak ang luha niya. Hindi siya makapaniwala talaga

