bc

Scarred Heart

book_age18+
582
FOLLOW
2.1K
READ
revenge
sex
family
playboy
independent
sweet
bxg
office/work place
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

Annielle is an independent and strong-willed woman. Once she put her mind on something she never stops until it is done. She does her work well. She lives her life to her likings. Her goals was all set and all that is left is it's completion. Pero sa likod ng kanyang tila magandang buhay ay isang nakaraan na hindi niya malimutan.

Si Jared Escaner, ang isa sa kilalang Escaner Heir, apo ng kilalang businessman sa bansa at mas kilala din bilang womanizer, playboy at striktong Boss, ay nako-curious sa katauhan ni Annielle. And he is determined to know her better.

Isang misyon ang ibinigay kay Jared at magiging kahalili niya rito si Annielle bilang kanyang sekretarya. Pero ang Boss-Secretary relationship nila ay tila mauuwi sa isang Real-ationship.

Pag-ibig na kaya ito o tawag lang ng pangangailangan?

Annielle was not sure. Ang alam niya lang ay hindi dapat siya malingat sa kung ano ang kanyang nakaplano. Kahit pa ang kapalit nito ay mawala sa kanya ang isang natatanging pagkakataon sa pag-ibig.

*****

Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless

2021

chap-preview
Free preview
Panimula
Babala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless ***** Panimula ***** "GOOD afternoon po Ma'm." Pormal pero masigla namang bati ng katulong na nagbukas ng pinto para sa akin. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ko rito. Ngumiti din naman siya sa akin. "Nasa taas po si Sir." Wika pa nito. Tumango ako at marahang humakbang patungo sa second floor ng malaking bahay na iyon. The Escaner Mansion was one of the most beautiful houses in the area of Luzon. Halong modern and historic ang design nito. Ang ilang bahagi nito ay noong panahon pa ng mga Kastila at naipreserve nang maayos sa pagtakbo ng panahon. Pero dahil na rin sa tagal ay nagdaan na ito sa ilang renovations kaya nahaluan na nang mga modern touches ang maraming bahagi. But still, it holds it's elegance and grace na makikita sa bawat detalye ng bahagi nito. The Escaner Mansion i where the Princess and Princesess of the Escaner Clan stays. Masyadong kilala ang pamilya nila kaya halos ituring silang mga Royalties. I heard a sound of splash in the water when i stepped to the base of the mansion's second floor. The flooring was made of wood planks. This part of the mansion was mostly made of its original house materials. Antique ang design ng interior. Curiousity gets me. Dahil sa narinig ko, dahan dahan akong humakbang papalapit sa naka open na balcony sa kanan ko. Right there ay kita ang swimming pool. At that moment ay nakita ko kung ano o sino ang may gawa ng ingay. "Nag invite ng mga kaibigan niya si Ren." Anang isang babaeng boses mula sa likod ko. Agad akong napalingon pero hindi na ako nagulat. "Ganun po ba." It was a statement. May hawak na tray ang babae na si Manang Soling. She was the oldest maid in the mansion. Mas matagal pa kesa sa akin. Sa tray niya ay may nakalagay na dalawang baso ng orange juice na hindi pa nagagalaw. Ang matandang mukha nito ang naglalarawan kung gaano katagal na ito sa mansyon. "Halika. Pumasok ka na." Nauna nang pumasok sa malapit na pinto si Manang Soling atsaka na ako sumunod. The door led to the study room s***h office s***h library of the mansion. It was a very large space. Sa dulong kanan ay ang malaking office table na made of old wood. Sa kaliwang bahagi ay ang tila library. Mataas na wall book shelves na punong puno ng mga books. The whole room is well lighted naman. May mataas itong ceiling at may tatlong large window glass na pataas ang gawa. Para pumapasok pa rin ang natural light sa room. Sinundan ko ng tingin si Manang Soling nang ilapag iyong dala niyang tray sa lamesitang naroon sa gitna. May L-shape na sofa na naroon kung saan i-entertain ang mga dumarating na bisita. "Nag meryenda ka na ba?" Tanong sa akin ni Manang Soling afterwards. Lumapit ako sa sofa. "Tapos na po Manang. Salamat po." Saka pumasok sa hindi ko ipininid na pinto ang isang naka wheel chair na lalake. Nasa likod nito ang isang babaeng nurse na nagtutulak ng kanyang wheel chair. Napatindig ako ng deretso. "Good afternoon po Sir." Magalang at pormal na bati dito ni Manang Soling. "Good afternoon po Sir." Bati ko rin sa parehong paraan. "Good afternoon." Balik bati ng matandang lalake na walang iba kundi si Don Marteo Escaner. The founder of Marteo Escaner Group of Companies Corporation Inc. (A/N: Muntik ng maging MEGCQ. Lols) "You can now leave." Wika ni Don Marteo sa kanyang nurse na agad namang tumalima. Lumapit ako sa Don at ako na yung nagtulak ng kanyang wheelchair papunta sa kanyang office desk. "May ipapagawa pa po ba kayo Sir?" Tanong ni Manang Soling. "Wala na. Salamat." Nakatangong sagot nang Don. Tumango at lumabas na rin si Manang Soling. Ipininid niya ang pinto pag alis. Ako naman ay tumayo sa harap ng desk ni Don Marteo. "How was the office?" Unang tanong ni Don Marteo that is his usual. I can sense na nasa maayos siyang mood ngayon. May mga araw kasi na medyo bugnutin siya. Maybe dala na rin ng katandaan. "All is fine Sir. Sir Andrew closes a new deal of investment. Sa tingin ko po ire report niya iyon sa darating na officers meeting." Napatango naman si Don Marteo. He was pleased. Binalingan niya iyong mga papel na nasa kanyang desk. "Gaano ka na ba katagal na nagta trabaho sa akin?" Tanong ni Don Marteo habang sinisilip ang ilang papeles. "May seven years na po." Malumanay kong sagot. Marahan siyang nag angat ng tingin patungo sa akin. "Ganun na ba katagal?" "Yes po." Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Ganun na pala katagal." I maintained a decent pose. Hindi ko alam kung anong meron at ganun ang tanong ng Don pero ini ready ko ang sarili ko sa anong dapat kong isagot. "Hindi ka ba nag sisisi na napunta ka rito?" Bahadya akong natigilan pero saglit na saglit lang. "Hindi naman po." Deretso kong sagot. "I see." Tumango siya. "You haven't change of heart." Hindi ako umimik pagdaka. "Anyways." He lifted a folder and handed it to me. "You can look at it and decide. It's been years and i think now is the best time." Sinundan ko siya ng tingin nang pagulungin niya ang de-gulong na upuan papalapit sa isa sa mataas na glass window. Hindi na ganun kainit ang sikat ng araw sa labas kaya't tama lang ang init at liwanag na pumapasok sa buong Office. "You can choose of who you think will do it. Sino sa tingin mo?" He asked as he looks outside. Hindi kaagad ako nakasagot. "Wala po ako sa posisyon para magsalita po tungkol dyan." "Of course you have." He said. "It is your goal, isn't it?" Hindi ako nakaimik. "After that you can choose of whom you want to work with." "Wala po akong ibang balak pagsilbihan maliban sa inyo po." "Hahaha...." he laugh gently. "Magre resign ka ba after kong bumaba sa pwesto?" "Yes po." "Napaka malas naman nila." Then he laugh again. Sumulyap ako sa kanya. "Hindi na sila makakahanap ng sekretaryang kasing efficient mo. Alam mo ba? You are the best of your field." "Salamat po kung ganun ang sa tingin ninyo sa akin." "I don't know if it's right to keep you. Kahit noon ay nagdalawang isip ako. Noong unang araw na nagpunta ka rito." Bahadyang kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Memories suddenly flashed in my mind for a second. It still have the same pain. "Malaki na ang ipinagbago mo sa noon. Hinding hindi na ikaw iyon." Aniya. "I don't know if it's a good change though." "It is a good change Sir." Naramdaman ko ang kanyang tingin. "Kiara Annielle Soledad. You are a plain and naive girl before. You've change a lot." Huminga ako ng malalim. "I change for the better Sir." "Your heart is corrupted. It become emotionless." Nagbaba ako ng tingin. "But even so, you are still you. I still see the little girl that came to me that day." He pause and stare at me intently. Napatayo ako ng deretso. "Soon, I'll be leaving my position." Tinignan ko siya. Nakatingin na siya sa labas ng bintana ngayon at malalim ang iniisip. "Kahit sino ang pumalit sa pwesto ko, umaasa ako nann tutulungan mo siya. Ayokong umalis ka sa kumpanya pero hindi rin naman kita mapipigilan kung iyon ang nanaisin mo balang araw. Pero bago iyon ay tutuparin ko ang mga salitang ipinangako ko sa iyo noon. " Natigilan ako. Parang biglang bumilis ang pintig ng puso ko. "Ibigay mo iyan sa aking anak. Iyan ang instructions ko. Alam mo na ang ibig kong sabihin." "Hindi po kayo aattend?" Natawa siyang muli. "Hindi na. Magiging magulo lang kung nandun pa ako. Maganda nang ikaw ang naroon." "Sir?" "You have three months to do the task." Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid. "Alam kong makakaya mo." Bumuntong hininga ako ng malalim at mahinang tumango. "Okay po." Iyon na lamang ang naisagot ko. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook