Page 47 ***** NANG dumating kami sa villa ay agad akong nagpahinga. Hindi ko alam pero naubos ang enegy ko. Physically drained ako. Nakatulog ako after a short bath. Nang magising ako ay agad naman akong nakaramdam ng gutom. I checked the time. Past six o’clock na pala. Kumukulo na ang sikmura ko at medyo masakit na. Ganito ba talaga kapag buntis? Laging gutom? Sabagay, hindi ako nakapag-meryenda man lang. Tsk. Dati kaya kong tiisin ang gutom pero ngayon hindi na. Dalawa na kasi kaming nagugutom. Nakapag-handa na kaya ng dinner si Seri? Inayos ko lamang ang itsura ko tapos ay lumabas na ng kwarto at dumeretso sa kusina. I was planning to eat in the kitchen, medyo malungkot kasing kumain sa dining area. Pagka-baba ko ng hagdan ay napansin ko kaagad ang ilang

