Page 37 ***** MAAGA ang naging flight ko pabalik nang Maynila. Unlike the first plan na sabay kaming aalis ni Allen ay nauna na ako sa kanya, ahead of days. Pumayag naman siya nang magsabi ako, hindi rin naman kasi siya makakaalis ng maaga sa schedule dahil may mga commitment na siyang nauna. I planned to stay with Seri and Rian's pad. Wala naman akong ibang pupuntahan. Huminga ako ng malalim at naghanap ng masasakyan na taxi. Nakita ko ang isa na paparating kasunod ng isang itim na kotse. Paparahin ko sana iyong taxi pero nagtaka ako ng huminto iyong kotse sa tapat ko. Lumagpas tuloy iyong taxi sa pwesto ko. Nananadya yata ang kotseng 'to, ah! Unti-unting bumaba ang wind shield ng sasakyan sa tapat ko at laking gulat ko nang makilala kung sino ang sakay niyon. "Jared?" Tinig

