Page 13

1676 Words
Page 13 ***** I STILL manage to wake up early. O, hindi rin talaga ako nakatulog masyado dahil katabi ko si Jared. Tahimik akong nakatanaw sa dagat habang nakaupo sa bench na nasa beranda. Nakabihis na rin ako dahil maaga kaming babiyahe pabalik sa hotel. Habang hinihintay ko siya ay naroon lang ako at nag iisip. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni Jared at paanong umabot kami sa ganito. How he likes me? Kailan pa? Parang hindi totoo na sinabi niyang gusto niya ako. Parang panaginip lang. He is still an Escaner Heir. At ako. Secretary. Paano niya akong magugustuhan? But then, pwede din naman talaga iyon. Why not? But I still got doubts. Hindi na siguro iyon mawawala. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng resthouse kaya agad akong napalingon. Nakita ko si Jared na papalapit na sa akin. He has a nice smile on his lips at ng tuluyan na siyang makalapit sa akin ay yumuko siya at binigyan ako ng magaan na halik sa labi. "Are you ready?" "Yeah," tumayo na ako. Hindi kami pinayagan na umalis ni Donya Felicia hanggang hindi kami nag be-breakfast doon. Allen was also with us. "Maraming salamat po sa pag-accomodate sa amin," magalang na wika ni Jared kay Donya Felicia nang nasa labas na kami at papaalis na. "Maraming salamat sa pagbisita dito sa aming hacienda," nakangiting wika nang Donya. "I hope you enjoy your stay here. Maaari kayong bumalik dito, anytime." "Kinagagalak po namin iyan." "Mag-iingat kayo sa biyahe, ha." "Yes po. Makikita po ba namin kayo sa party mam'ya?" "Naku hindi na, Jared. Wala na akong hilig sa mga ganyan," nakatawang sagot ni Donya Felicia then napatingin siya sa akin. "Annielle?" "Maraming salamat po, Donya Felicia," nakangiting wika ko. "Salamat din. Huwag kang mahihiyang tumawag sa akin kapag kailangan mo. Mag-iingat ka lagi." "Kayo din po. Stay healthy po," ngumiti ako. Bumuntong-hininga siya ng malalim atsaka muling ngumiti sa amin. "Pupunta ba tayo sa party? Pwede bang huwag na lang? Sa hotel na lang tayo," wIka ni Jared habang nasa biyahe na kami. "No. Ano naman ang gagawin natin sa hotel?" "Alam mo na," sInulyapan niya ako ngumisi. Lihim akong natawa pero sinimangutan ko siya. "Mahilig ka talaga." He heartily laugh, "Hahahha.... Sa'yo lang ako naging ganito." "Matagal mo na yata akong pinagnanasaan." "Oh, grabe ka. Medyo over-confident ka 'don, ah," inabot niya ang kaliwa kong kamay, dinala sa kanyang labi at dinampian ng magaan na halik. Tila tumulay ang boltaheng kuryente sa katawan ko. Parang gusto ko na tuloy pumayag na huwag na kaming pumunta sa party. "Mag-drive ka na lang kaya," natatawa kong wika. Pero kinikilig na talaga ako. Ngayon lang ako nakadama ng ganito, sobrang gaan at saya lang sa pakiramdam. Dumating kami sa hotel almost lunch time na. Kumain na muna kami atsaka bumalik sa aming mga room. Nag-usap kami na magpapahinga muna bago pumunta sa gaganaping party. Natulog muna ako para makabawi kahit papaano sa antok ko. Past 4:00 pm ng magising ako at nag-ayos na ako ng sarili. Sakto lang ng nakaayos na ako ay dumating si Jared sa room ko at sinundo ako. I find it not necessary pero hindi ko mapigilang hindi kiligin sa gestures niya. He made me feel special. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa may nangyari na sa amin o talagang ganito siya pero naalala ko how gentle he is when it comes to his girl cousins and specially to his mother. Alam ko na natural na ito sa kanya. Pero hindi ko alam kung gano'n din sa ibang mga babae. Napapaisip tuloy ako kung ganito din ba siya sa lahat ng kanyang naging karelasyon. Whatever it is. I still feel good and happy. Para akong isang teen-ager na kinikilig sa aking first love. He wasn't my first relationship pero parang gano'n ang feeling. "You look stunning," he said nang nasa kotse na kaming dalawa. We rented a car with chauffeur this time. He bend down his face to plant a little kiss on my lips after. "Salamat," hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha sa gawi niya. Ayan na naman ang mga paro-paro sa aking sikmura. Mahigpit niyang ginagap ang aking kaliwang kamay, "I told you, we should have stayed at the hotel." Natawa ako ng mahina, "Huwag mo nang ipilit please." "I already won Donya Felicia's favor. Hindi pa ba sapat iyon para makuha ko ang pamamahala ng Almonte Shipping?" "Hindi naman siya lang ang kailangan mong i-please. Remember there are still the Almonte's." "Hindi naman siya ang tunay na Almonte." Bahadya akong natigilan sa sinabi niya, "Yes. Hindi nga siya tunay na Almonte pero hawak niya ang malaking share ng ASC. At ang goal natin ay makuha mo ang pamamahala roon," seryoso kong sabi habang sa iba nakatingin. "Wala ka pa ring tiwala sa akin. Sabi ko naman, kapag ginusto ko, makukuha ko, 'di ba?" HIndi na lang ako umimik. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa venue ng party. Isa iyong napaka-laking event place. Panay din ang labas masok ng iba't ibang klase at kulay ng sasakyan. Sa labas pa lang alam mo na agad na bigatin ang host ng event. It is Janine Almonte's twenty fifth birthday. Laging ganito ka-engrande ang selebrasyon nila and it doesn't even surprise me anymore. Magkasabay kaming pumasok ni Jared sa venue pero I kept my distance from him. Agad siyang sinalubong ng media. Kaliwa't kanan ang mga kumukuha ng litrato at videos. Hindi ko naman sila masisisi because Jared Escaner looks so gorgeous tonight. Kahit ako naman ay napahanga sa kagwapuhan niya and no one will ignore such a handsome guy like him. Bukod sa mga kumukuha ng pictures ay may nag-iinterview din sa kanya. Reporters are throwing questions to him at hindi na rin halos marinig at malaman kung ano ba ang tanong. Dumaan ako sa gilid nang karamihan para makapasok sa loob. May sumalubong sa akin na greeter at tin-check ang dala kong invitation. I told her na kasama ako ni Jared Escaner at hinayaan na niya akong makapasok. Easy. Katulad ng inaasahan ko sobrang magarbo ang nasa loob ng venue, halos matulala ako. Talagang nag-ubos sila ng panahon, effort at pera para sa ganitong event. Tapos sasabihin nilang bankrupt na ang kompanya. Funny. Nagulat pa ako ng biglang may pumatong na kamay sa balikat ko. Agad ko namang nalingunan si Jared. "Finally escaped them," medyo habol ang hiningang aniya. "Hirap maging sikat, noh," nakangiting wika ko. "You don't know how much trouble to deal with them," he said saka iniikot ang paningin sa paligid. Isang babae na nakasuot ng katulad ng sumalubong sa amin sa entrance ang lumapit sa amin. Particularly kay Jared. "Mr. Jared Escaner? Welcome po," nakangiting wika ng babae. "Yes?" tinignan naman ito ni Jared. "I am the organizer of this event. Gusto po sana kayong makausap ng birthday girl." "Ah ganun ba," binalingan niya ako ng tingin, "Wait. Puntahan ko lang ito." "Take your time. Hindi mo naman ako kailangan samahan all night. You have your things to do," tinanguan ko siya. "Are you sure of that?" "I can manage myself," I said to him in assurance. "Alright," wika niya pero parang alanganin pa ring umalis. Ang totoo, I feel so awkward being alone here now. Wala akong kakilala sa mga narito. I mean ka-close. Kilala ko naman kasi ang karamihan sa bisita dahil mga sikat at kilala sila sa business. Sa tagal kong nagta-trabaho bilang secretary ni Don Marteo, I almost know everyone in the business world. Pero ngayong nandito ako, pakiramdam ko ay napakaliit ko lang. Isang walang mukha na naririto. Walang nakakakilala. Walang bumabati. Lihim akong bumuntonghininga ng malalim. I tried to blend in and not show my awkwardness. Habang naglalakad ako nang mabagal ay hindi sinasadyang may mabangga ako na isang babae. Halos katangkaran ko ito. May maganda at mamahaling kasuotan. Payat at maputi. "Sorry," wika ko. Nilingon ako nito. Muntik na akong mapamura ng makita ang mukha nito at makilala. "Oh," mataman ako nitong tinitigan. "Be careful, Miss," anito. Tapos ay muling bumaling sa mga kausap kanina na katulad niya ay mga posturyosa. Tila may nabuhay na kung anong emosyon sa kalooban ko. Hindi niya ako nakilala. Tumikhim ako upang makuha ang kanyang atensyon, "Excuse me po." Hindi naman ako nabigo. Nilingon niya ako uli at nagtatakang tinitigan, "Yes?" "Kayo po si Mrs Josephine Almonte, right? The wife of the late Almario Almonte of Almonte Shipping Company?" Nakita kong bahadyang umangat ang isa nitong kilay. Para bang binigyan niya ako ng - who-are-you-look to me. "Yes. Ako nga. How'd you know?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa then pabalik. Napangiti naman ako, "Of course, I would know. Sino po ba ang hindi makakakilala sa inyo Ma'm?" "Who are you anyway?" "Ah, ako nga po pala si Annielle Soledad. Actually I came here with my boss. " "Your boss?" "I worked for Mr. Jared Escaner of M.E. Group of Companies po." "Oh! Is that so? Ibig sabihin nandito na siya?" bahadyang umaliwalas ang mukha niya ng mabanggit ko ang Escaner, ah. "Yes po," nakangiting tango ko. "Oh, I've been busy with the other guests I didn't notice his arrival." "I think he is with your daughter now." "Tama. Tama. They get well together," natatawa nitong wika. "Alam niyo po, taga-hanga n'yo po talaga ako. Kaya hindi ko mapigilang hindi po kayo kausapin. Salamat po sa oppurtunity na makilala at makausap po kayo." "Oh my," nahihiyang tumawa ito at tumingin pa sa mga kausap kanina. "May taga-hanga pala ako. Nakaka-flatter naman, hija." Ngumiti naman ako, "Anyway po, hindi ko na po kayo abalahin. Salamat po." Akmang tatalikod na ako ng pigilan niya ako. "Wait. Ano nga uli ang pangalan mo?" "Annielle po." "Annielle. I'm gonna remember you, hija. You look familiar but I guess not. Enjoy the night." "Thank you po." Tapos ay bumaling at nakipagtawanan uli siya sa mga kausap kanina. "Jared Escaner of MEGC?" Naulinigan kong tanong ng isa nitong kausap. "Yeah. My soon to be son-in-law," Mrs Almonte said tapos ay tumawa. Napaarko ako ng mga kilay. "Annielle?" nagulat ako ng may tumawag sa akin. Nalingunan ko si Allen. "Allen?" binigyan ko siya ng magandang ngiti. He looks so handsome in his tuxedo. Mukha talaga s'yang kagalang-galang. "Buti naman at may nakita din akong kakilala," nakangiting aniya. "Nasaan ang boss mo?" "With the birthday girl. Ipinatawag siya, eh." "Gano'n ba. Mukhang may pasabog sa media si Janine, ah," anito. Nang may dumaan na waiter na may dalang wine ay kumuha siya ng dalawa at ibinigay sa akin ang isa. "Pasabog sa media? Ano naman 'yon?" "Hindi ko pa alam. Pero sabi may annoucement daw mamaya." Bahadya akong natawa, "I wouldn't be surprise if it's an engagement announcement." Natawa din si Allen, "Well, I don't know. S'yangapala, Donya Felicia is asking me about you. Sana daw ay makadalaw kang muli sa Hacienda Acosta. Hindi ko sure but she is very fond of you." "Gano'n," bahadya akong umiwas ng tingin. "I'm a lovable person." "Indeed you are," nakangiting aniya. At dahil hindi ko makita kung nasaan na si Jared. Nag-ikot na lang ako sa event mag-isa. Kasama ko noong umpisa si Allen at ipinakilala niya rin ako sa ilang kakilala niya. Then kinailangan niya akong iwan pansamantala. Para talaga akong langaw na walang nakakapansin. Ilang sandali pa ay in-announce na ng MC ng event na mag-start na ang program. Biglang namatay ang mga ilaw sa paligid at tumutok ang spot light sa mahabang stairway. May orchestra din na tumugtog sa background. Nakatuon ang paningin at atensyon ng lahat sa may hagdan habang mahaba ang introduction na ginagawa ng MC. Mayamaya'y tinawag na niya ang birthday celebrant. "Let's all welcome! Our very lovely celebrant. Miss Janine Almonte," sinundan iyon ng malakas na palakpakan. Dahan-dahan siyang bumaba ng stairway habang sa ibaba nito ay naghihintay ang kanyang napakagwapong escort. Bahadyang nalaglag ang panga ko ng makita kung sino iyong escort na nasa dulo ng hagdan at naghihintay sa may-birthday. Escort ni Janine si Jared. Wow! Just wow! "Isn't he an Escaner Heir?" narinig kong bulong bulungan ng nasa paligid. "I-welcome din po natin ang kanyang escort for tonight. None other than, Mr. Jared Escaner of M.E. Group of Companies and Elite Publishing Company." Lalong lumakas ang palakpakan sa paligid. Infairness. Ang ganda nilang tignan na dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't isa. Parang may anong kumirot sa puso ko sa kaisipang iyon. "Let's start our program with a special dance from our birthday celebrant and her very special guest," wika ng MC. Tahimik ko silang pinanuod mula sa likod ng karamihan. Pakiramdam ko, wala pang nauumpisahan ang sa amin ni Jared, nagtapos na itong agad. Sa isang iglap. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD