Page 7

1736 Words
Page 7 KINABUKASAN. I was patiently waiting for Sir Jared to came to the office. Pero nalaman ko kay Yvette na hindi ito papasok today. Dyahe. Nabitin pa tuloy yung curiosity ko sa nangyari sa date nila. Hay naku. "Annielle, it's good to see you, hija." Iyon ang masaya at masiglang bati sa akin ni Don Marteo Escaner nang dumating ako sa mansyon. "Magandang araw po," nakangiting bati ko. Naabutan ko siya sa may garden at abala sa pagti-trim ng mga halamang naroon. May nakabantay naman na hardinero na katulong niya sa ginagawa. "Busy po kayo?" tumayo ako di kalayuan sa kanya. "I'm trying to make myself busy, hija. Dahil kung hindi, lalo lamang akong magkakasakit," anito sa masigla namang tono. "Tama po kayo," tango ko. "How was the company going?" "Maayos naman po ang lahat. Nakilala na po ni Sir Jared ang mga Almonte. Sa tingin ko po, they are doing good." Bahadya niya akong nilingon pagdaka at tinignan ng ilang saglit. Medyo nailang ako roon pero hindi ko alam kung bakit. "Are they doing okay?" "Actually, nag-date po sila kagabi." "Sa tingin mo ba ay magki-click silang dalawa sa isa't isa?" "Ahm... sa tingin ko naman po, oo." "I see," tumango si Don Marteo. "Though i hope it will be just a business and nothing more. I've heard bad rumors about that Almonte heir, I think she's not good for the family." "Sa tingin ko, alam naman po iyon ni Sir Jared." "Is that so. Still, i want you to guide him. I don't want another scandal in my family. Na-stress na ako sa una. Tama na muna iyon." Tahimik akong sumang ayon. "Dito ka na magtanghalian ha. Tapusin ko lang itong ginagawa namin," wika ni Don Marteo. "Hindi naman po ako magtatagal. Kailangan ko din pong bumalik sa office." "Wala naman ang boss mo roon. Actually, I saw him at the pool just minutes ago." Aah.... nandito pala si Sir Jared, "Ganun po ba." So habang umakyat ng mansyon si Don Marteo ay nagpunta naman ako sa may kusina kung saan naroon sina Mang Soling, Lina at Claudia. "Hi, Ate Anielle," masiglang bati sa akin ni Claudia, ang pinakabata sa mga kasambahay habang nakaupo ito sa harap ng mesa at nagbabalat ng gulay. "Hello," matipid akong ngumiti. "Nakausap mo ba si Don Marteo?" sinulyapan lang ako ni Manang kasi abala naman ito sa pagluluto. "Yes po. May idi-discuss pa daw po s'ya maya-maya kaya dito muna ako," hinila ko ang katabing upuan nang kay Claudia at doon naupo. "Gusto mo ng juice?" alok sa 'kin ni Lina. Tumango naman ako, "Anong ulam nyo?" "Nagpaluto si Madam Sophia ng kare-kare. Alam mo naman paborito kasi 'yun ni Jared," sagot ni Manang. "Sarap naman," react ko. "Dito ka na kumain, hah." Nakangiting ani Lina tapos ay inabot sa 'kin ang baso na may lamang juice. "Pwede naman." "Balita ko kay Sir Jared ka nagre report ngayon. Pinatawag ka din ba nya?" nilingon ako ni Manang. "Hindi po. Hindi ko nga po alam na nandito pala siya." "Napapadalas ang pag-stay ni Sir Jared dito sa mansyon. Lagi silang magkausap ni Don Marteo, eh," ani Claudia. "Tungkol sa business naman ang lagi nilang pinag uusapan," si Lina. "Narinig ko nung nakaraan na tungkol sa kasal ang pinag-uusapan nila," biglang wika ni Claudia. "Hol!" agad tumaas ang boses ni Manang, "Hindi maganda yan Claudia. Bakit nakikinig ka sa usapan ng nakakatanda sa yo? Ha!" Bahadya akong napabaling ng ulo. Hehe yari. "Huh, ah, eh, narinig ko lang naman 'yun pero hindi ko napakinggan lahat," napasimangot naman ang dalagita. "Hindi maganda 'yon. Kahit may marinig ka, hindi magandang i-kwento mo 'yon sa iba. Pero sino daw yung ikakasal?" nakangising ani Lina. Natawa din ako ng konti. "Ewan ko," sinagot naman siya ni Claudia. "Tsk. Tsk." nailing na lang si Manang. "Ikaw ba Anielle? Wala ka pa rin bang boyfriend?" Baling sa akin ni Manang. "Naku. Naghahanap pa po ako." "Ano bang hanap mo sa lalaki, ha?" Tanong ni Lina. "Foreigner," sagot ko kaagad na ikinabigla nila. "Naku, malaki yun!" react ni Lina sabay tawa. "Kaya nga, eh." sinakyan ko naman. "Gusto mo din yung malaki. Parang yung sa nababasa ko?" natutuwa na ring nakisali sa usapan si Claudia. "Ewan. Basta," Nakangising ani ko. "Kayo talagang mga kabataan, puro kalokohan ang iniisip. Ang dapat na hinahanap mo ay 'yong responsable at mabait na lalaki. Dapat stable na rin sa buhay," seryosong wika ni Manang. "Manang, ang mahalaga ay 'yong mahal ni ate Anielle at mahal din sya," ani Claudia. "Tama," tango ko. Nagpalitan kami ng ngiti ni Claudia. "Kaka-basa mo 'yan," sita ni Lina kay Claudia. "Ano ba sa tingin mo, ate Anielle?" "Sa akin....." ngumiti ako, "Mas maganda kung mas mahal ako ng lalaki kesa mas mahal ko s'ya." "Ganun," nakunot noo si Lina, "Bakit?" "Kasi mas tumatagal ang relasyon kapag mas mahal ka ng lalaki kasi secure ka na hindi na s'ya maghahanap ng iba." "May point ka dyan ate Nielle," ani Claudia, "Ganyang ganyan yun mga nababasa ko. Grabe. Sana maka-meet din ako ng perfect man." "Walang ganun, Claudia. Wag ka ng umasa," natatawang ani Lina. "Tama. Walang perfect guy, so is a perfect relationship. Nasa sa 'yo na 'yun kung paano mo gagawing masaya ang relasyon n'yo," tinitigan ko si Claudia. "May boyfriend ka na ba?" Bigla namang namula ang morenang mukha ni Claudia, "Uy, wala ah! Patayin ako ni Manang." Natawa kami pareho ni Lina. "Talagang mayayari ka sa kin. Ke bata mo pa, ah," may pagbabanta sa buhay na wika ni Manang Soling. "Kita niyo! Ngayon pa lang papatayin na ako. Haist," ang lalim ng buntong hininga ni Claudia after. Natigil lang kami sa pag-uusap ng mapansing may nakatayo na pala sa may b****a ng pinto. Si Sir Jared. Naka-suot na ito ng puting tshirt, jersey short at may nakasukbit sa balikat na puting tuwalya. Basang basa pa ang buhok nito kaya alam kong galing siya sa pool. "Sir Jared, may kailangan po kayo?" tanong kaagad ni Lina. "Water lang," sagot nito sabay tingin sa akin. "Nandito ka pala." "Pinatawag lang po ako sandali ni Don Marteo," sagot ko. "I see," lumapit sa kanya si Lina dala 'yung mataas na baso na may tubig na agad naman niyang tinanggap. "Since nandito ka na, I have to talk to you. Sumunod ka sa akin," tumalikod siya agad at umalis. Tsk. Akala ko nakaligtas ako sa kanya ngayong araw. Hindi rin pala. Dapat pala umuwi na ako para hindi na niya ako naabutan dito. Tsk tsk. Marahan akong tumayo dala ang gamit ko at nagpaalam kina Manang Soling bago sundan si boss. Naabutan ko si Sir Jared na nakaupo nang prente sa salas. Minasdan ko pa siyang iniinom ang tubig sa hawak na baso at hindi ko maiwasang isiping, ang swerte ng baso. Duh! Utak mo Anielle!! Bahadya niya akong tinignan at sinenyasan na maupo sa pang isahan na sofa matapos ubusin ang iniinom. Syempre tumalima naman ako. "How was the office?" tanong niya pagka-upo ko pa lang. Tss. Bakit ako ang tinatanong niya? May secretary pa s'ya doon ah! "Nung umalis po ako kanina, okay naman Sir," kalmado kong sagot. "Okay," aniya saka sumandal sa inuupuan at humalukipkip. Ah, oo nga pala 'yung credit card n'ya! Agad kong kinuha yung credit card sa bag ko at inilapag iyon sa gitna ng lamesita, "Ibabalik ko na pala 'yan Sir." Hindi ko kasi maiwan sa office n'ya at baka mawala. May trust issue lang ang peg ko. Tinignan niya iyon bago kinuha, "You make good use of this, right?" "Hindi ko po nadala yung breakdown at receipt ng expenses. Nasa office po. Bigay ko po sa inyo pagpasok n'yo ng office." "Did you get what I asked you?" mataman niya akong tinignan. Bahadya akong natigilan. Ano 'yun? "A-ano po 'yun?" "Sabi ko, 'di ba, bumili ka nang maayos na dress para pang-ocassion?" "Aah! Sorry Sir. Hindi ko po naisip gawin 'yun." Bakit ko naman gagawin 'yun? Hindi naman ako gold digger or something. Makakabili ako ng sarili kong dress kung gugustuhin ko. "Sinabi ko 'yun sa 'yo, 'di ba?" salubong ang mga kilay na aniya. "Alam ko po. Hindi ko lang talaga ginawa, Sir, kasi hindi po maganda," sagot ko. "What do you mean?" "I mean, Sir, parang hindi lang po appropriate na gawin ko yung sinabi n'yo. Una kasi Sir, pera n'yo 'yan, hindi n'yo naman ako asawa o kamag-anak para gamitin ang pera n'yo. Pangalawa, may sweldo po ako, pwede naman po akong bumili kung kailangan." Kita ko ang amusement sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. May point naman ako, ah. "Pero thank you po Sir sa pag offer. Mas komportable lang po talaga ako sa ganitong ayos. Alam po 'yan ni Don Marteo. Kung nadi-distract po kayo sa itsura ko, pasensya na. This is just who I am." Sandaling namayani sa pagitan namin ang katahimikan. Mayamaya ay bumuntong hininga siya ng malalim. "You sound disappointed," wika niya, "Sorry. I am not distracted by your appearance. I just thought....." sandali siyang natigil sa pagsasalita. Bakit kaya? "Is just that, whenever I see you, I think there is more of you than what you are now. I mean, I see potentials in you. In your appearance, ha. Hindi ka naman nerd, hindi rin conservative. Do you purposely dress like that to look different?" Pucha! Did he see me behind my disguise? Tinititigan n'ya ba ako ng hindi ko alam? How could he know I am just bluffing my appearance and character. "Aah.... I am always like this Sir," kahit kabadong kabado na ako, eh, nagawa ko pa ring sumagot. "Hindi mo lang siguro natitignan ang sarili mo sa ibang ayos," aniya, "Anyway, kung d'yan ka komportable. Then, be it." Saka lang ako nakahinga ng malalim. "Let's not talk about that anymore," seryoso n'ya uli na wika. "How did you plan my date?" "Huh? Actually, ginawa ko lang po 'yung sa tingin kong common sa date." "Is that all?" ani Jared. "Yes. Hindi po ba nagustuhan ni Ms. Almonte 'yung date?" Hindi kaagad sumagot si Sir Jared. Muli siyang humalukipkip at sumandal sa inuupuan bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Mukhang negative, ah. Tsk. Sana naman kahit konti ay okay 'yung ginawa ko. "Actually, she did like the date," wika niya after ng mahabang segundo. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa narinig. Damn. Nagpa suspense pa 'tong mokong na toh! Jusko! "She complimented it and like it. I guess that's good job for you." Tumango ako, "Buti naman po kung ganun." "Though I was kinda disappointed of what you did. Ang mahalaga naman ay nagustuhan ni Janine ang date." Disappointed pa sya? "So what is the next step?" mataman niya akong tinignan. Bahadya naman akong natigilan. Next step? "Do I have to make her fall in love? 'Coz, frankly speaking, she's not my type. She's too liberated and have some serious attitude." "She's the only heir of the Almonte Shipping, malaki ang shares niya sa kumpanya kaya mahalaga ang boto niya," wika ko. "Hindi naman po 'yun mahirap gawin sa inyo?" "Wala namang problema. But i needed to know, 'till when? It's not that I am scared or bothered, actually, I am not. I just don't want to make false humors." Sandali ko siyang tinitigan. Hindi nga? He's worried about false humor but why? "May magagalit po ba, Sir? Magagalit girlfriend nyo?" Hindi ko na napigilan ang magtanong. I know that he has a girlfriend. Pero hindi rin ako sigurado kasi nga, sabi nga ni Rian, he doesn't do girlfriends. Pero ngayon, parang may something. Bahadya itong napa smirk, "Girlfriend?" then he leaned forward, "Are you kidding me?" "E, 'di wala kayong girlfriend? Anong kinakabahala n'yo?" Pailalim niya akong tinignan. Parang naiinis na s'ya sa akin na hindi ko maintindihan. "I mean, Sir, a little pretend won't hurt your name. Nag-aalala ba kayo na makarating sa malayo 'yung humor?" I was thinking of her humored girlfriend na nasa ibang bansa, si Keisha. "Never mind!" He suddenly stand up. Tinapunan niya pa ako ng masamang tingin bago umalis. Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin. Tignan mo, toh, sama talaga ng ugali. Bigla-bigla na lang lumalayas. Hmf! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD