Page 34 ***** Hindi ko na namalayan ang lumipas na oras habang nasa dinner meeting kuno ni Josephine. Alam ko naman na ipinatawag niya ang meeting na ito para ipakita sa akin na malakas pa rin siya sa board of members nang kumpanya. Hindi niya lang alam, I already talked to them, hindi ko man makuha ang suporta ng lahat pero meron na akong matibay na pondasyon para maging panatag. Isa-isa ng nagpaalam paalis ang mga bisita ni Josephine hanggang sa ako at si Jared na lang ang natirang bisita nila. I don't know where he is. Buong gabi na naman silang magkasama ni Janine. Kulang na nga lang pagbuhulin ko silang dalawa, eh. "Mabuti naman at nakarating ka tonight. I thought you wouldn't like this kind of gathering?" wika ni Josephine nang maiwan kami sa living area ng mansyon. Nakaup

