Page 45 ***** Napatitig ako sa mukha ni Allen. Biglang kumabog ang puso ko sa kaba. Hindi ko siya maintindihan pero parang may kutob na ako sa kung ano ang sinasabi niya. Kinakabahan ako. “Habang hindi ako busy. France, okay lang ba na dito lang ako sa tabi mo? Para hindi ka naman nalulungkot na mag-isa. Kayo nang baby mo.” Natigilan ako. Naka-smile siya pero kita ko ang seriousness sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata ko. Tinitigan ko rin siya. “Gusto kitang alagaan, France. Hindi dahil sa naawa ako sa ‘yo. It’s not that. I just want to be here for you. I want to make sure na magiging okay ka.” Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan. Una, hindi ko kaagad naisip ang isasagot ko. Pilit akong ngumiti s

