It's been days... and hindi pa din mawala sa isip ko 'yong paguusap namin ni Mark about kay Balong. It's been days since ang cold ng treat ko kay Balong na ipinagtataka na niya. It's been days at iniisip ko pa din kung kailan ko masasabi kay Balong na gusto ko na munang tapusin ang Landian namin pero until now hindi ko pa rin magawang sabihin. Hindi ko alam kung bakit nawawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya. I'm still at my room, trying to avoid Balong. Sarado ang studio ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto ko na nanunuod lang ng Movie na No Strings Attached sa laptop ko. Naka received ako ng text na pumutol sa panunood ko. Kinuha ko lang ang cellphone ko at binasa ang text na nag mula kay Balong. ** Iiwasan u nlang b q o itu2loy ntin ang date ntin? **

