Oras na ng pag-jo-jogging ko. Pa-labas na 'ko ng Apartment at sa pagbukas ko ng pinto nakita ko si Jarrett na may bitbit na bulaklak. Mukhang ginawa nga niya 'yong advice na sinabi ko kagabi. "Wow! Ang aga mong manligaw a." I teased. "Gano'n na nga, kailangang bumawi e. Gising na ba siya? Alam ba niyang pumunta ako dito kagabi?" "No. Nasa kwarto pa siya at hindi lumalabas e." "I see. Pwede ba 'kong pumasok?" "Yeah! Good luck." He smiles. "Thanks." Nag lakad na 'ko ng tuluyan palabas ng Apartment tsaka ko sinimulan ang pag-jo-jogging ko. Nang matapos naman akong mag jogging na inabot din ata ng kalahating oras lang, bumalik na 'ko ulit ng Apartment. I'm expecting na may tawanan akong maririnig sa pagpasok ko ng Apartment dahil baka nagka-ayos

