Sinimulan na naming lahat ang kumain. At habang kumakain, sila lang ang maingay sa pagku-kwentuhan ng kung anu-ano lang. Habang ako naka focus lang sa pagkain ko. Hanggang 'yong pagtatawanan at kwentuhan nila natigil dahil sa narinig naming doorbell mula sa labas ng bahay. May bisita pa siguro si Mama or pwedeng si Xunny. Si Xunny ang tumayo. "Ako na ang mag bubukas." She offered. Nag continue na lang kaming lahat ulit sa pagkain at sila syempre sa pagdadaldan. Nangunguna lagi si Mark sa chikahan, hindi na nakakapagtaka. "Ma, may bisita ka." Boses 'yon ni Xunny. Sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon at para akong natigilan dahil sa gulat na ang makita ay si Papa. It's been years since nang huli ko siyang makita, kaya gano'n na lang ang gulat ko. No'ng h

