Nakasakay kami ngayon ni Balong sa taxi. Pauwi na kami sa Apartment ngayon. Nakasandal lang ang ulo sa balikat niya habang naka akbay siya sa'kin at may simpleng halik sa ulo ko. Hindi ko alam pero nakaka kalma talaga 'tong posisyon naming dalawa. Feeling ko nagagawa na niya akong i-comfort kahit ganito lang. "Ms. Xandy," Tawag niya. "Hmmm?" "Pwede ko na bang malaman kung bakit ka malungkot?" "Mahabang istorya Balong." "Handa naman akong makinig e. Kahit gaano pa 'yan kahaba." "Sige, pa i-ikliin ko na lang para sa'yo." Kapalit na din 'to sa pag comfort niya sa'kin. "'Yong relasyon ko sa Tatay ko, hindi maganda. Dahil 'yon sa iniwan niya kami at ipinagpalit sa ibang babae. Tapos ngayon, nakikipag balikan na siya kay Mama. Na inis ako sa nalaman ko

