Brian "Balong" Mansido Katatapos lang ng practice ko sa Football team. Sobrang nakaka pagod. Kahit kasi practice lang pinapakita ko pa din ang husay ko dahil ayoko lang basta makapasok sa Team pero gusto ko din maging regular player para magawa ko na 'tong mabalita kay Ate at lalong-lalo na kay Ms. Xandy. "Brian," Tawag sa'kin ni Oliver. Ang captain ng team at kapatid ni Olivia. Nag lalakad na 'ko paalis ng field ng tawagin niya. "Bakit captain?" Tanong ko. "Kakausapin ka ni coach sandali." "Okay." Tumakbo ako papalapit kay kay coach at sa team manager namin. "Gusto n'yo daw po akong kausapin?" Tanong ko kay coach pagkalapit sa kanila. "Nakausap ko na ang Team Manager, nakita namin ang husay at sipag mo sa practice at gano'n din ang background mo sa p

