"Balong," Paggising sa'kin ni Ms. Xandy habang ang sarap ng tulog kong ka-yakap siya. "Mmm?" I just hummed. "Bumalik ka na sa kwarto mo." "Five minutes." Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Gano'n din ang ginawa niya habang 'yong mukha niya nasa chest ko. Kung lagi ba namang ganito araw-araw siguro araw-araw na din akong inspired. "Tapos na five minutes, Balong." She murmured. "Five more minutes." "Abuso na!" I chuckled. "Oo na po." Bumitaw na 'ko sa yakapin naming dalawa tsaka ako umupo mula sa pagkakahiga ko at napa-hikab pa. Inunat ko ang braso at likod ko sa pag-upo ko tsaka ako tumingin ulit kay Ms. Xandy na nakapikit lang. "Lalabas na 'ko." I told her. "Okay." She mumured. Bumangon na 'ko ng tuluyan sa kama.

