Episode Eight

1264 Words
    Ito na ang araw ng paguwi namin ni Bianca. Hinihintay na lang namin ang pag-dating ng parents niya na ilang sandali na lang daw makakarating na.     Naka empake na ang mga gamit namin. Ready to go na talaga kami ngayon.     Sa ngayon na sa sala kami nakikinig lang sa music at dito namin planong mag hintay sa pag dating ng parents niya.     Habang busy kami sa pakikinig ng music, busy din ang mga kamay namin ni Bianca sa kakapindot sa cellphone. Ewan ko kung sino ang katext niya pero ako ang tini-text ko ay sila Mark at ang pamilya ko para ipa-alam na pauwi na kami. Pati na rin ang assistant ko na si Marlon na isa ring pamintang beki.     Lapitin ako ng friends na beki e.     Sa gitna ng pagte-text ko nakita ko si Balong na nag lakad papunta sa kusina kaya hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin.     After may mangyari sa'min last-last night, parang biglang naging cold sa'kin si Playboy. Ni hindi nga 'ko tinitignan e. Siguro dahil naka score na kaya umiiwas na ang loko. Tss. Hindi naman niya kailangang umiwas e dahil hindi naman ako tulad ng ibang girls na hahabol-habol dahil lang may nangyari sa'min.     Hmm. Ayokong umalis ng hindi niya ako pinapansin.     "Kukuha lang ako ng tubig." Paalam ko kay Bianca. Palusot lang 'yon syempre dahil gusto ko lang talagang makausap si Balong.     Nag lakad na ako papunta sa kusina kung saan ko na abutan si Balong na kumukuha ng chips.     "Mukhang masarap 'yan a!" Kumento ko kaya napalingon siya sa direksyon ko.     Dedma lang ako kunyari sa tingin niya at dumiretso ako sa paglalakad papalapit ng refrigerator. Ini-open ko na 'yong ref tsaka ako kumuha ng tubig.     "Gusto mo ba?" Dinig kong tanong niya.     Humarap ako sa kanya tsaka ako kumuha ng baso at umiling sa tanong niya.     "Mukhang kulang pa sa'yo e." Biro ko.     "Okay."     "Balong," Nag salin ako ng tubig sa baso ko.     "Bakit?"     "Bakit hindi mo 'ko pinapansin?"     "Pinapansin naman kita ngayon a."     "Kung hindi kita pinansin ngayon, paniguradong until now hindi mo pa din ako pinapansin." Ininum ko 'yong tubig habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.     "Ang sabi mo kasi kalimutan kong may nangyari sa'tin kaya 'yon ang ginagawa ko."     "Ang sabi ko kalimutan mo, hindi 'yong 'wag mo akong pansinin. Ngayon pa man din ang alis ko tapos de-dedmahin mo pa 'ko."     Nilapag ko na sa lamesa ang baso tsaka ko binalik ang pitsel sa ref.     Humarap ulit sa kanya at nag salita. "Anyways, pinansin mo naman na 'ko ngayon kaya... okay na. Pakabait ka a!"     Nag simula na ulit akong mag lakad. Tinapik ko pa muna siya sa balikat bago ako tuluyang mag lakad papuntang sala.     Umupo ulit ako sa couch pero hindi pa rin naman nag tatagal may narinig kaming nag salita.     "Nandito na kami!" Tumingin kami sa direksyon ng pinto at nakita namin ang mga magulang ni Bianca.     "Ma!" Tumakbo sa kanila si Bianca at sinalubong sila ng yakap.     "Kumusta po lakad n'yo?" Tanong ni Bianca sa kanila.     "Ayos naman, itong Papa mo akala mo na sa honeymoon kami sa sobrang sweet." Sagot ni Tita.     "Na saan ang kapatid mo?" Tanong naman ni Tito kay Bianca.     "I'm here!" Sagot ni Balong kaya na punta sa kanya ang tingin ko.     "Nag dala ka na naman ba ng babae dito?"     Napakamot si Balong sa likod ng ulo niya. "Isa lang naman e." Sagot niya.     "Pasaway ka talagang bata ka!"     "Honey, 'wag mo na siyang pagalitan. Buti nga isa lang dinala niya e."     "Bakit Ma, ilang babae laging dinadala dito ni Balong?" Tanong ni Bianca.     "Sa isang linggo, tatlong magkaka-ibang babae."     Wow! Sila siguro 'yong mga hiniwalayan niya this week or pwedeng iba pa.     Biglang na ibaling ni Tita ang tingin sa'kin.     "Hello Tita, kumusta?" Bati ko. Hindi ito ang first time na ma-meet ko siya dahil pumunta na siya dati sa Apartment namin ni Bianca.     "Hija, kumusta ka na?"     "Ayos naman po, pretty pa din."     She just laugh at my answer.     "Ma, kailangan na pala naming umalis. Mahaba pa ang byahe namin pauwi." Bianca told her Mom.     "Okay. Salamat sa pagbabantay sa pasaway mong kapatid." Tita said.     "Wala po 'yon." Tumingin sa'kin si Bianca.     "Kunin na natin 'yong mga maleta natin." She told me. Tumango lang ako bilang sagot.     Sabay na kaming nag lakad paakyat ng mga kwarto namin. Dumiretso ako sa kwarto ko, kinuha ko 'yong maleta ko. Chineck ko pa ang kwarto para malaman kung may na iwan akong gamit nang makita kong wala naman nag lakad na 'ko palabas ng kwarto.     Bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto nakita ko si Balong na nasa tapat ng pinto. Bigla siyang pumasok nang magtama ang mga mata namin.     Hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge tsaka niya ako hinalikan sa labi ko ng not-so-mabilis.     "Ingat ka Ms. Xandy."     I smiled, tapping his cheek. "I will. Pakabait ka bata." I winked.     Sinimulan ko na ang mag lakad palabas ng kwarto habang bitbit lang ang maleta ko. Sakto din ang paglabas ni Bianca sa kwarto niya. Nag lakad na kami pababa ng hagdan tsaka din naman agad kaming nag paalam sa parents ni Bianca.     After naming mag paalam, nag lakad na kami palabas ng bahay. Dumiretso kami sa pag sakay ng kotse. Ako sa passenger seat habang si Bianca ang mag mamaneho. Ang mga gamit naman namin na sa back seat. Ini-start ni Bianca ang makina tsaka namin sinimulan ang byahe.     Haay! Back to reality na naman kami nito sa Manila. Tapos na ang mahabang bakasyon namin and i must say... na enjoy ko 'tong bakasyon na 'to dahil kay Balong. Sana lang talaga hindi 'to malaman ni Bianca dahil siguradong lagot ako.     Sa haba ng byahe naming dalawa ni Bianca we decided na mag palitan kami sa pagmamaneho dahil nakakapagod nga naman ang mag maneho ng sobrang habang oras at layo.     Tanghali kaming umalis sa bahay nila pero gabi na kami nakauwi ng Apartment namin.     Nakaka pagod! Sobrang nakaka pagod ang byahe namin.     Pag dating namin ng Apartment pareho kaming na pa-upo lang sa sofa namin.     "Nakakainis! Back to work agad bukas!" Bianca said.     "Tama ka!" I agreed. "Ngayong nakauwi na rin tayo, for sure magkikita na kayo ni Jarrett. Handa ka na bang makilala ang girlfriend ng best friend mo?" Biro kong tanong.     "No!" Tumayo na siya at bitbit ulit ang maleta niya. "Aakyat na 'ko ng kwarto." Pagiiwas niya.     Nag simula na siyang umakyat sa second floor dahil nando'n ang mga kwarto namin. Ako, tinatamad pang kumilos kaya nag desisyon akong mag stay pa muna dito at tinawagan na lang sa cellphone niya si Mark.     Mga tatlong ring lang bago niya tuluyang sagutin ang tawag ko.     "O Meme? Bakit?"     "Wala naman, sasabihin ko na nakauwi na kami ni Bianca."     "Buti naman kung gano'n! Boring mag Clubbing mag isa 'te. Wala akong mahatak na boylet. Iba pa din pag kasama ka, kahit papaano may nakukuha akong number."     I giggle. "Alam mo minsan iniisip ko na ginagamit mo lang ako para makapang lalake ka!"     "Gano'n na nga! Hind pa ba obvious?"     "Ewan ko sa'yo!"     "Anyways, pupunta ka ba ng gym ko bukas?" Tanong niya. Ito nga palang si Mark ay owner ng isang Fitness gym at sa gym niya lagi akong nag wo-work out. At magkalapit lang ang gym niya at Studio ko. Kung gagamit ng car, five minutes lang ang layo pero kung lalakarin naman aabot lang ata ng kinse minutos.     "Oo, pupunta ako. Alas dyes pa naman ang open ng studio ko e."     "Okay! See yah tomorrow Meme!"     "See yah tomorrow!" I ended the call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD