Episode Nine

1291 Words
    Nagising ako sa pagkakatulog at ang una agad na pumasok ko sa isip ko ay ang lakad ko papunta sa gym ni Mark.     Tinignan ko ang orasan mula sa side table ko at nakita kong 7:12am na.     Bumangon na 'ko sa kama. Inayos ko ang kama ko tsaka ako nag lakad papasok ng bathroom para mag shower.     Mabilis lang ang ginawa kong shower dahil after kong mag workout mamaya mag sha-shower na naman ako. Tutal may shower area naman do'n sa gym ni Mark.     After kong mag shower nag bihis agad ako ng pang workout ko tsaka ako nag madaling lumabas ng kwarto na bitbit na din ang mga gamit ko for work. Plano kong dumiretso do'n after workout. Dinala ko na din ang pasalubong ko sa kanya.     Bumaba ako ng hagdan, dumiretso ako sa kusina para uminum muna ng isang basong tubig.     After kong gawin 'yon, umalis na 'ko ng kusina. Nakasalubong ko naman agad si Bianca na mukhang papasok na ng work niya.     "Mag wo-work out ka?" Tanong niya.     "Yah! Hindi mo naman ako katulad na kahit ang lakas kumain balingkitnitan pa din."     She chuckled. "Sira!"     "Papasok ka na ng work?" Tanong ko.     "Gano'n na nga!"     "Ingat!" Bumeso lang ako sa kanya tsaka ako na ang na unang nag lakad palabas ng bahay.     Dumiretso ako sa kotse kong isang linggo ko ding hindi na gamit dahil sa pag bakasyon namin sa Baguio. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Balong dahil na alala ko na naman ang bakasyon sa Baguio.     Kumusta na kaya 'yong batang 'yon?     Sumakay na 'ko sa kotse ko, inistart ko ang makina tsaka ko sinimulan ang byahe papunta sa Gym ni Mark na inabot lang din ng trenta minutos.     Pinark ko lang 'yong kotse ko sandali, tsaka ako bumaba.     Dumiretso ako sa pagpasok ng Gym. Nilagay ko lang sa locker room ang gamit ko tsaka ko sinimulan din naman agad ang mag work out.     Lumapit ako sa trendmill habang nililibot ang tingin ko para hanapin si Mark. Na saan kaya 'yong baklang 'yon?     Sinimulan ko naman agad ang pagtakbo sa trendmill kahit hindi ko pa makita si Mark.     "Meme!!" Dinig kong tawag sa'kin ni Bakla. Nilingon ko siya sandali at ngumiti. Tsk. Ang hot talaga ng baklang 'to. Kung hindi 'to bakla for sure naka landian ko na 'to.     "Hello Meme!" Bati ko sa kanya.     "Kumusta ang bakasyon sa Baguio? May natikman ka bang Hot dude?"     "Bakit ba 'yan ang lagi mong tinatanong? Parang mas excited ka pa sa s*x life ko kesa sa sa'kin."     "Syempre, kilala mo naman ako. Active ako sa mga ganyang bagay." Hinampas niya ako ng mahina sa braso ko. "'Wag mo ngang baguhin ang topic. So, meron nga?"     Na isip ko na naman tuloy si Balong dahil sa tanong niya. Dapat ko bang sabihin sa kanya ang tungkol kay Balong? Baka kasi madulas siya ang mabanggit niya 'yon kay Bianca e.     "Ano ne Meme? Pa-excite ka!"     I rolled my eyes. "Oo na! Meron nga!"     "Sino? May picture ka ba niya? Gaano ba ka-hot? Enjoy ba sa kama? Bigay mo nga sa'kin ang number."     "Loka ka! Gusto mo pang maki-share, tumigil ka nga!"     "Isa lang ibig sabihin niyang pag dadamot mo sa number ng pogi. Pumayag siyang makipag Landiantionship sa'yo!"     "Sira hindi nu! One night stand lang 'yon! Tsaka wala din kasi akong number no'n."     "Bakit hindi mo kinuha?"     "Dahil ayoko lang."     "Sino ba 'yon?"     "Secret!"     "Ay! Ang lihim mo!"     "Bakla, hindi mo ba nakikita tumatakbo ako. Mamaya ka na manggulo!"     "Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi kung sino!"     Ang kulit talaga niya.     Hininto ko muna 'yong trendmill tsaka ko siya hinarap ng fully.     "Fine! Pero secret lang 'to, understand?"     Biglang kuminang ang mata ni Bakla. "Bakit naman kailangang i-secret? Ikaw ha! May ginawa kang ka-gagahan 'no?"     Huminga ako ng malalim at binuga ko din ito. "Well parang gano'n na nga!"     "Okay! Maasahan mo ako sa secret na 'yan! Sabihin mo na, dali!"     Excited ang peg?     "Well, it was..." I paused. Kaloka! Pa'no kung madulas talaga 'tong baklang 'to, siguradong kakalbuhin ako ni Bianca.     "Who?!! Pa-excite ka na naman! Sabihin mo na!"     "Si Balong. Kapatid ni Bianca."     Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko dahil sa gulat. "Bakla ka! Tinikman mo ang kapatid ni Bianca? Sho-shoplakin ka no'n!"     I shrugged. "Anong magagawa ko, inakit niya ako! I swear, pinigilan ko sarili ko sa tukso. Kaso 'yong batang 'yon sobrang... Hot! 'Yong ngiti pa niya Urgh! mas lalong Hot. Bakla, kapag nakita mo siya in person lalo kang magiging bakla!"     "As in?" Kita ko ang curiousity sa mga mata niya.     I nodded. "OO!"     "Parang bigla tuloy akong na excite makita kung anong itsura niya." Tumingin siya sa kawalan na tila i-ni-imagine ang itsura ni Balong.     "Magaling ba sa kama?" Tanong niya.     Tumango ako. "Magaling siya para sa isang twenty years old."     "Naku! Na i-imagine ko palang na malaman ni Bianca 'yan, siguradong lagot ka."     "Alam ko, kaya nga sinabi kong secret lang natin 'yon 'di ba? Kapag nalaman ni Bianca 'yon dahil sa'yo, i swear hindi ko na ibibigay sa'yo 'yong number ng makaka-one night stand ko!"     "Grabe ka naman! Oo na! Hindi ko sasabihin!"     Haay! Buti naman.     Sinimulan ko na lang ulit ang pagtakbo ko. Baklang 'tong kasi e, istorbo.     "Anyways, kumusta naman si Bianca?" Tanong niya.     "Well, ayon broken hearted pa din sa pagkakaroon ni Jarrett ng new jowa."     "Sho-shoplakin ko na talaga 'yang si Fafa Jarrett e. Napaka manhid!"     "Jo-join ako dyan!"     "Mag Clubbing nalang tayo, pasayahin natin si Mama B."     I giggle. "Good idea! Kaso sa weekend na natin gawin 'yan."     "Nah-problem!"     "Bakla, samahan mo pala akong mag breakfast a! Hindi pa 'ko kumakain." I told him.     "Okay! Iwan muna kita dyan!"     "Okay!"     Pinagpatuloy ko ang pagtakbo na halos abutin ng kalahating oras kaya na isip kong mag pahinga pa muna sandali. Siguro nga nakaka pag-jogging ako sa Baguio, pero sandali lang naman 'yon. Parang nanibago tuloy ng kunti ang katawan ko.     "Hi Miss, gusto mo ba ng tubig?" Dinig kong tanong sa'kin. Nilingon ko kung sino 'yon at isang hot din naman kaso hindi gano'n ka-gwapo na lalake ang nakita ko. Inabutan niya ako ng bottled water.     Kinuha ko 'yon at binuksan. "Thanks!"     "Welcome." Inabot niya 'yong kamay niya. "I'm Stan, you are?"     Nakipagkamay ako sa kanya. "Xandy."     "Nice to meet you Xandy." He smiled, flirty.     Ngumiti na lang ako ng pilit tsaka ko ininum ang tubig na pa-libre niya.     "Lagi ka ba ditong nag wo-work out?" Tanong niya.     "Yeah! Kaibigan ko ang owner nito."     "I see. Kung gano'n dito na lang ako laging mag g-gym, para lagi kitang makita." He winks.     Landi! Kung bet ko 'to, pinaandaran ko na din 'to ng kalandian ko. Kaso hindi e.     I laughed forcefully. "Anyways, thank you sa pa-tubig Stan. Aalis na 'ko, pupuntahan ko pa 'yong kaibigan ko."     "Wait! Ayos lang bang kunin ko cellphone number mo."     "That sad," I make a fake sad face. "May Technophobia kasi ako e. Takot ako sa mga advance technology like gadget kaya wala akong cellphone." Pagpapalusot ko.     "Ow!! R-really?" Gulat na may halong pagtataka niyang tanong.     Uto-uto naman ang mokong!     "Yeah! Sorry," I wave my hand. "Bye."     Nag madali na lang akong hanapin si Mark baka mamaya niyan sundan pa 'ko nitong si Stan. Mahirap na!     Nakita ko si Mark na lumalandi na naman, i mean... may inaassist na costumer pero ang totoo, pumaparaan lang 'yan!     Kilala ko na buong pagkatao niyan!     "Mark!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa direksyon ko tsaka tila tingin ko nag paalam sandali do'n sa costumer niya.     Lumapit siya sa'kin. "Tapos ka na? Wala pang one hour a!"     "May lumapit kasi sa'kin e kaya na putol pag wo-work out ko."     "Hindi mo bet nu?"     Tumango lang ako bilang sagot. Kahit kasi playgirl ako, pihikan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD