Episode Ten

1400 Words
    I'm at the mirror, applying my makeup na babagay sa black backless dress ko.     Ngayon na ang gabi ng rampa namin para pasayahin ang kaibigan naming broken hearted.     After kong mag makeup. Lumabas ako ng kwarto na ang tanging bitbit lang ay ang pouch ko. Dumiretso ako sa sala, kung saan ko nakita ang maganda kong kaibigan na nakaupo sa couch. Nakakunot noo siya habang nakatingin sa cellphone niya.     "Si Jarrett ba 'yang ka-text mo at nakasimangot ka?" Tanong ko.     She shakes her head. "Si Balong lang, ilang araw na 'kong kinukulit na ibigay ko daw number mo."     "Si Balong? Anong kailangan niya sa number ko?" Pagtataka ko. Naka pag-usap na kaming dalawa na hindi naman na niya kailangan number ko a. Ba't kinukulit pa niya si Bainca?     "Ewan ko sa mokong na 'yon. Ano, ibibigay ko ba?" Tanong niya.     I shrugged. "Ikaw ang bahala. Tara na? Baka talakan tayo ni Mark kapag na late tayo."     "Sige." Pagsangayon niya.     Sabay na kaming nag lakad palabas ng Apartment namin. Dumiretso kaming dalawa sa kotse ko dahil 'yon ang plano naming gamitin papunta ng Club.     Pagsakay ko at pag start ng makina, sinimulan ko na agad ang byahe. Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe narinig ko na may nagtext sa'kin.     Kinuha ko lang 'yong pouch ko, kinuha ko mula do'n ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang nag text at nakita kong mula 'yon sa unknown number kaya binasa ko agad 'to. Hati ang focus ko sa pagbabasa ng text at pagmamaneho.       ** Hi! Kmusta po? **     Napakunot noo ako sa text niya. Sino kaya 'to? Then biglang pumasok sa utak ko 'yong binanggit ni Bianca kanina na gusto kunin ni Balong number ko.     "Ateng, binigay mo na ba number ko may Balong?"     "Yup! Tinext ka na ba?"     "Oo."     Itinabi ko na lang muna cellphone ko para makapag-focus na ng tuluyan sa pag mamaneho ko. Mamaya ko na siya re-replyan makakapag-hintay naman siguro siya e.     Nang makarating kami ni Bianca sa favorite naming Club. Bumaba din naman agad kami sa kotse after kong makapag-park.     Ini-angkla ko kamay ko sa braso niya tsaka kami sabay na ang lakad papasok ng Club.     Dumiretso kami ni Bianca sa favorite spot namin dito sa Club na for sure do'n kami hinihintay ni Mark at hindi naman ako nag kamali.     Itinaas ni Mark ang kamay niya nang mapansin kami. Naglakad kami papalapit sa kanya tsaka kami bumeso at umupo na rin.     "May prospect ka na?" Tanong ko kay Mark.     "Wala pa Meme, hindi ko pa nalilibot ang mga mata ko."     "Haay! Grabe talaga kayong dalawa. Kararating palang natin, nag hahanap na agad kayo ng malalandi." Bianca comments.     "Hindi 'to para sa'min nu! Para sa'yo 'to Mama B. para makalimutan mo na si Fafa Jarrett." Mark said.     "Oo nga! Tama na ang pagpapakatanga sa best friend mong 'yon. Masasayang lang ang precious heart mo!" Pagsangayon ko.     "Tigilan n'yo akong dalawa! Kaya ko sarili ko. Kaligyahan n'yo na lang ang asikasuhin n'yo!" She scolded us.     "Hay, sa barkada talaga meron at meron talagang matino." Kumento ni Mark.     "Malas nga lang niya at parehong loka-loka kaibigan niya!" Dagdag ko kaya sabay kaming tumawa at nag high five pa.     Nag roll lang ng eyes niya si Bianca at na pa-iling habang nakangiti.     "Anyways Mama B, may picture ka ba ng kapatid mo?" Tanong ni Bakla kay Bianca. Pinanlakihan ko ng mata si Mark dahil sa tanong niya pero hindi niya pinansin 'yon.     "Meron, bakit?" Pagtataka ni Bianca.     "Curious lang ako sa face niya, ang junjun kasi ng boses e."     Haay! Sasabunutan ko 'tong si Bakla e.     Wait! Speaking of Balong nag text pala siya sa'kin.     Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch ko at meron ulit akong message mula sa kanya kaya binasa ko agad ito.     ** Ms. Xandy, c Balong po 2. **     Nag type ako ng pang reply sa kanya.     ** Oh, Hi Balong! **     Binaling ko ang tingin ko sa dalawa at nakita kong may pinapakita si Bianca kay Mark at tingin ko ay photo na 'yon ni Balong.     Hindi talaga nag papigil si Bakla.     "Junjun bes a!" Kumento niya.     "Junjun nga, napaka playboy naman!" Kumento din ni Bianca.     "Masisisi mo ba siya, gwapo siya e."     Oo nga! Pagsangayon ko pero sa loob-loob ko lang 'yon.     Naka receive ulit ako ng text muli kay Balong kaya binasa ko 'yon.     ** Kmusta k n po? **     Ang galang a! Bakit hindi niya 'yan ginawa noong nasa Baguio ako? E di sana hindi ako natukso sa kanya. O sadyang magagalang talaga ang mga lalake kapag sa text?     ** I'm fine. Nag papakabait ka ba dyan? **     "Mag order na tayo?" Tanong ni Mark kaya na punta sa kanya ang atensyon ko. Tumango lang kami ni Bianca bilang sagot.     San Mig. Light lang ang inorder namin dahil gusto naming pasiyahin si Bianca at hindi ang lasingin. Ang hirap niya pa namang buhatin kapag lasing.     "Meme, may tumitingin sa'yo!" Sabi ni  Mark sa'kin habang naka tingin sa bandang likod ko.     Nilingon ko para makita kung sino 'yon at isang cute guy ang nakita ko, pero hindi ako kumbinsidong sa'kin siya nakatingin.     "I think kay Bianca siya nakatingin, hindi sa'kin!" I told him.     Na pahinto si Bianca sa paginum niya at tumingin din do'n sa lalakeng nakatingin sa direksyon namin.     "Ayan na Mama B. May nagmamasid na sa beauty mo!" Mark told her.     "Hindi ko siya type, tigilan n'yo 'ko!"     "Ang pihikan naman nito!"     "E hindi rin naman kasi siya ka-level ng ka-hotness-an ni Jarrett nu. Masisisi mo ba si Ateng." Sabi ko naman.     "Kung sabagay! Siya ang twenty six years old version ni Fafa Balong."     Agree ako do'n! Kung ngayon palang ang hot na ni Balong paano pa kaya kapag nag mature pa kunti ang katawan niya. Tsk. Sayang hindi ko makikita 'yon.     "Hoy! Kapatid ko 'yon, 'wag mo siyang tawaging Fafa."     "Oo na! Ang strict naman ni Ate."     Chineck ko na lang ulit ang cellphone ko at hindi ko na pansin na nag reply na pala si Balong.   ** I miss ur lips **     Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.     ** Abot talaga hanggang dito ang pakikipag flirt mo ah. In fairness sayo! **     ** Mgaling po aq s mga ganyang bagay. **     ** Yah, na notice ko nga. **     ** Ndi u ba namiss labi q? **     ** Na mimiss ko din naman. **     Teka! Parang fini-flirt back ko na si Balong nito a! Naloka na! Bawal pala 'to. Off limits siya.     Itinabi ko na lang 'yong cellphone ko at nag focus na lang sa pag inuman namin. Binaling ko ang tingin ko sa dalawa na ang tahimik lang habang nakatingin sa direksyon ko at nakataas pa ang kanang kilay na may tila iniisip na ka-malisyosohan.     "What?" I asked both of them.     "Sino katext mo?" Bianca asked.     Oh s**t!     "Si uhm... si ano lang... si Xunny." Pagpapalusot ko.     "Hindi ba bagong boylet?" Mark asked.     I rolled my eyes. "Malalaman n'yo kung may ka-flirt ako. Si Xunny lang talaga 'yon!"     Makahanap na nga lang ng malalandi dito para matigil na silang dalawa sa kakatanong mamaya niyang madulas pa 'ko at masabing si Balong talaga ang ka-text ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nag hanap na ng bagong prospect.     "Ay nag sisimula na siyang umi-spot." Kumento ni Mark.     "Kaya nga tayo nandito para do'n e."     Nakakita ako ng isang cute guy at nag tama pa ang mga mata namin. I smirked secretly.     "Heto na mga Bakla, bibilang na 'ko!"     "May nahanap ka na?" Excited na tanong ni Mark.     "Yup!" Uminum muna ako ng san mig. tsaka ako tumingin do'n sa lalakeng prospect ko.     Hinintay ko munang mag tama ulit ang mga mata namin tsaka ako nag bilang.     "One... two... three," Ngumisi sa'kin ang lalake tsaka ito tumayo.     Heto na! Magiging masaya na gabi kong ito.     Nag lakad na siya papalapit sa'kin habang may ngisi sa mga labi niya. Ako naman hindi inalis ang tingin sa kanya para malaman niyang interesado akong sa kanya.     "Hi!" Bati niya pagkalapit niya sa'kin. Inabot pa niya ang kamay niya para makipag shake hands.     Nakipag kamay naman ako sa kanya. "Hi!" I greeted back, wearing a flirty smile on my face.     "You want to dance?"     "Sure!" Walang pagda-dalawang isip kong sagot. Tumayo ako at kumindat sa mga kaibigan ko.     Si Bianca na pa-iling lang habang si Mark, nag goodluck pa sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD