Nakita ni Althea na humakbang si Jazz papalapit sa mga lalaki. Tinanggal nito ang kanyang sinturon at unti-unti naman nitong binuksan ang zipper ng kanyang pantalon. Oh no, what the heck was he doing?
Napakislot ang mukha ng lalaking may maraming tattoo at di nito napigilang magkomento. "You undressing for us, fool? Like some kind of a perv?" titig na titig ang mga ito kay Jazz at dahil nairita na siguro ito sa pinaggagawa ni Jazz kaya binunot nito ang baril at tinutukan ang agent.
Mabilis naman ang mga galaw ng agent at sumugod ito sa lalaking may dalang baril. From seemingly out of nowhere, a stiff rope appeared in his right hand. The belt swung from his left hand with the heavy metal latch on the end. The rope lashed Mr. Tattoo on the side of his head as Jazz came down on the car hood, kicking out.
Sinipa agad ni Jazz ang hawak na baril ng lalaki at tumilapon ito sa kung saan. Hindi na nakahuma pa si Mr. Tattoo dahil ginawaran siya ng agent ng sunod-sunod na sipa sa mukha dahilan sa pagbagsak nito sa kalsada.
Tumulong naman kay Mr. Tattoo yong isa pang lalaki at sinakal nito si Jazz sa leeg mula sa likod ng agent.
Ang isa naman ay pinulot nito ang nalaglag na baril at nagtago ito sa likod ng nakabukas na kotse at don inasinta si Jazz.
Nang mapansin iyon ni Jazz, maliksi niyang binalibag ang kamay ng lalaking sumakal sa kanya at saka ginawaran niya ito ng upper-cut. Pinaputokan sila ng kasamahan nitong lalaki at sa halip na si Jazz ang pinatamaan nito, mabilis naman ang mga kilos ng agent at ginawang body shield ang kasamahan nitong lalaki kaya ito ang natamaan.
Dahil sa gulat, hindi na naka arte pa ang lalaking may dalang baril dahil agad tinadyakan ni Jazz ang pinto ng sasakyan at nauntog sa ulo ang lalaki. Bagsak din ito.
Nakita naman ni Althea na nakabangon na si Mr. Tattoo at pinulot nito yong baseball bat ng kasamahan at papasugod na ito kay Jazz mula sa likuran ng agent.
Desperate for some way to help Jazz, kinapkap niya ang bulsa ng suit jacket ng agent at tanging ballpen lamang ang natagpuan niya roon. Wala ng oras pa kaya ang pag distract nalang sa atensyon ng kalaban ang tanging magagawa niya.
Ngunit may nakapa pa siya sa bulsa nito. Ang kanyang purse. Perfect.
Subalit nakita na lamang niya na pinagpapalo na si Jazz sa baseball bat ng lalaki ngunit mabilis namang makakailag ang agent pero minsan mataan din ito.
Nakita niyang bumangon na rin ang lalaking iniuntog ni Jazz ang ulo sa pintuan ng kotse. This time, mukhang kailangan na ng tulong ni Jazz dahil nakita niyang pinulot ng lalaki yong baril. Kaya dali-dali siyang sumugod rito at linabas niya yong pepper spray mula sa kanyang purse at nang mapalingon ito sa kanya, agad niya itong tinirahan ng pepper spray sa mukha. Sapol ito sa mga mata. Tas nabitawan nito ang hawak na baril habang dahan-dahan itong bumagsak sa lupa at napapadaing sa hapdi ng mga mata nito.
Nang mapalingon siya kay Jazz, nakita niyang patuloy pa rin si Mr. Tattoo sa paghampas ni Jazz sa baseball bat ngunit mas madalas naman itong naiilagan ng agent.
Pinulot niya yong baril saka lumapit siya sa mga ito. "Don't move." mando niya kay Mr. Tattoo kaya nabitin tuloy sa ere ang aktong paghampas nito kay Jazz sa baseball bat.
Nakakuha naman ng advantage si Jazz mula roon kaya agad nitong tinadyakan sa sikmura si Mr. Tattoo. At umikot pa ito para bigyan ng flying kick sa mukha si Mr. Tattoo. Sa liksi ng mga galaw ng agent, maihambing niya tuloy ito kay Jackie Chan. Hayan tulog ng wala sa oras si Mr. Tattoo.
Tumayo na ang lalaking tinirahan niya ng pepper spray at wala sa sariling iwinasiwas nito ang kutsilyo sa kung saan dahil pansamantalang hindi ito makakita. Linapitan naman ito ni Jazz saka binalibag ang kamay nitong may hawak na kutsilyo at tinuhoran ang sikmura nito. Bagsak na naman ang huli.
Ngunit si Jazz cool na cool lang na pinahiran nito ang namumuong pawis sa kanyang noo. She sucked in a sharp breath of admiration. Tuloy mas lalong nadagdagan ang paghanga niya rito.
Nang marinig nilang umuungol si Mr. Tattoo, linapitan ito ni Jazz saka pinusasan ang mga kamay nito patalikod.
"Hindi na pala kailangan yong stiletto ko." komento pa niya.
"I miss the stilettos, actually."
Hindi naman niya matukoy kung nagbibiro lang ba si Jazz o nagustohan talaga nito ang sapatos niya. Without waiting for her to reply, he bent into the car. Saka binuksan nito yong trunk ng kotse at ipinasok sa loob ang taong nabaril.
"Anong plano mo sa mga lalaking ito?" tukoy niya sa dalawang buhay pa na lalaki.
"Sigurado akong pinaghahanap na ang mga ito sa iba pa nilang mga kasamahan. At kung wala mang naghahanap sa kanila, tayo ang tatawag sa pulis para dalhin ang mga ito sa presinto. Siguro natuto na ang mga iyan sa kanilang leksyon." Napatingin naman ito sa lalaking tinirahan niya ng pepper spray. Hindi pa rin ito makakita at patuloy lang sa pag-ungol. "Ano naman ang nangyari sa ugok na yan at parang wala ito sa sarili?"
"Tinirahan ko kasi siya ng pepper spray."
"Ouch. Ang lupet mo, alam mo ba yon?"
"Konti."
Tinapik naman ni Jazz ang kanyang balikat. "Bagay pala sayo humawak ng baril. Badass na badass ang dating mo. How does it feel?"
Ang alin? Yong ako ang humawak o ikaw? Naku, ano ba itong biglang pumasok sa isip ko. "Ano...ahm, good, first time ko pa nga lang ito humawak ng baril."
"First time mo pa lang yan? Mukhang natural lang kasi ang pagkakahawak mo eh." anito saka kinuha na nito ang baril mula sa mga kamay niya.
"Not quite, but thank you for saying that anyway."
Napansin naman niya ang lubid na hawak ni Jazz na panlaban nito sa mga lalaki kanina, leather kasi ito at mukhang tulad ito sa lubid na ginamit nilang magkakaibigan sa kanilang pole dancing class. Pero mas mukha itong lubid na ginamit ni Christian Grey kay Anastasia Steele. Naku! Ano na naman ba itong naisip niya? kaya agad niya itong iwinaksi sa kanyang isipan. "At least, nakakuha ka ulit ng loaded na baril mula sa mga lalaking yan."
Sinuri naman nito ang nakuhang baril at ikinasa. "Yeah, gumagana nga ito."
"Siyangapala, yang ginamit mong lubid ba't hindi mo yan inilabas nong nakipagbakbakan ka sa mga kalaban don sa hotel?"
Napapailing lang ito. "Ang dami mong tanong. Sayang hindi tayo nagkakilala agad, Miss Althea Steel."
"Nasa tabi-tabi lang naman ako eh." Di ka nga lang namamansin. "Teka, hindi mo pa nasasagot yong tanong ko?"
"Wag na ngang madaming tanong Althea, mas mabuti pang tara na."
"Alam na alam mo talaga noh kung kailan aataki at kung kailan hindi. Dahil hindi mo nga pinatulan yong lasing na sumiko sayo sa trolley."
"Are you fishing for more information about my skills?"
"Hindi. Ang gusto ko lang malaman ay ang nakaraan mo at kung saan ka talaga konektado?"
Napakunot ito ng noo. "You are a lesson in contradictions. Alam mo yan, di ba?"
Lumapit naman siya rito at inagaw niya ang hawak nitong lubid. "Nagugulohan kasi ako sa pagkatao mo."
"I suggest you let go first of my whip."
Isinaksak niya ito sa dibdib ng lalaki. "Oh! sayo na yan, gusto ko lang yan mahawakan."
"Ah, okay." anito saka nagpatuloy na sila sa paglalakad. Huminto lang sila nang umabot sila sa isang dead-end na pinalibotan ang abandonadong bodega ng barbwire. Nagsilbi kasi itong bakod sa buong property. Sa unahan naman ng bodega, natatanaw niya ang Birch Bay ng Washington.
Napa mental GPS ulit siya at don palang niya napagtanto na malapit nga sa dagat ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Jazz. At sa katunayan nga, naaamoy na niya ang tubig-dagat ngunit mas nananaig pa rin ang baho ng grasa at gasolina sa tabi-tabi.
"Bakit tayo nandito?"
"May safe room kasi ako dito."
Iginala niya ang paningin sa paligid, at nakita niyang naka padlock naman ang gate ng bodega. Linapitan ni Jazz ang padlock at paulit-ulit na pinihit nito ang number combination ng padlock. Whoa. Pasado na ito na maging magnanakaw.
Tiningnan niyang maigi ang bodega pagkapasok nila sa bakuran nito, para itong bodega sa mga movie na pinagkukutahan ng mga masasamang loob.
"Dito ang sekretong taguan mo?" Sana lang hindi insulto para rito ang pang-usisa niya.
"Hindi, abandonado kasi ito na shipyard."
Napadikit naman siya kay Jazz sa sobrang creepy ng lugar. "I deserve more of an explanation than that. I need to know what's going on here."
He just gave her his stony expression, but he nodded. "Pagmamay-ari ito noon ng brother-in-law ko. At nasa likod nga nito ang sekretong taguan ko."
Bakit kaya ito ang lugar niyang napili? Eh mabaho naman.
"Dito talaga ako lumaki sa Washington. Lumipat lang kami sa Pilipinas dahil gusto ni mommy na tumanda siya na may malapit na mga kamag-anak. Dito talaga ako namalagi noon dahil may maliit na bahay ako dito sa likod kahit nong nag operate pa lang itong business ni Kuya Fernan."
It was more information than she'd expected. So, taga rito pala sila sa Washington. At kung brother-in-law niya itong si Fernan, ibig sabihin kapatid ni Jazz ang asawa nito.
Pumasok na si Jazz sa loob ng bodega at sumunod agad siya rito. Despite the creepiness of the warehouse and the shadows, she felt safer, still.
"Dito tayo dadaan." iginiya siya ni Jazz. She followed him left to the back side of the hulking two-story building that looked like a factory warehouse. Pinindot naman ni Jazz yong switch sa ilaw at lumiwanag nga ang buong paligid.
Napahinto naman ito sa mukhang pintuan ng isang opisina at ini-scan nito ang daliri sa gilid ng pintuang iyon. Wow! kahit sa abandonadong bodega may biometrics. Hanep ah.
Ngunit hindi totally na bumukas ang pintuan, at sa halip may bumukas lang na maliit na parte nito na parang eye scanner.
Whoa! His secret lair was locked with fingerprint and eye scanner? Ayos!
Okay, now she felt much better. Inaasahan talaga niya ito sa lalaki dahil base sa record nito, magaling ito sa pasikot-sikot ng computer at marunong din itong gumawa ng high-tech security system.
After a chime, a click told of another lock releasing. This time, it was for the door. Tuluyan na ngang nabuksan ni Jazz ang pinto. At may pinindot pa ulit ito pagkapasok nito sa silid na yon. Probably entering an alarm code, kung tama nga ang kanyang hula.
"Diyan ka muna hangga't hindi ko sinasabi sayo na pumasok."
Napatango na lamang siya hanggang sa isinara nito ang pintuan ng silid. Nagdaan ang ilang segundo at lumiwanag na ang loob.
Ayos ah. Hindi ito ang inaasahan niyang sekretong taguan ni Jazz.
Sumenyas na ang lalaki sa kanya na pumasok at sabik na sabik naman siya. Only to find out na hindi pala kaaya-aya ang loob nito at mukhang cockroach infested pa. Eww!
Pero kahit dismayado siya sa loob ng silid na yon. Mukhang mahigpit naman ang security measures nito.
Pumasok na naman ito sa isa pang silid at nag-aalinlangan naman siyang pumasok roon dahil baka daga na ang makita niya. "Halika, pumasok ka rito."
Napatango siya at dumiretso na sa loob ng isa pang kwarto roon. Mas malaki pala iyon kumpara sa labas at para itong mini-apartment na may kumpletong kagamitan. May banyo rin ito at pag check niya rito, malinis naman at mapuputi ang tiles. Tapos sa gilid ng pintuan ng banyo ay bedroom na. Tiningnan niya ito at sakto lang ang laki non para sa isang taong nakatira. Double bed ito at air-condition pa. May massage chair nga rin siyang nakikita roon. Hmm..naiiba rin ang secret lair na ito sa mga movie na nakikita ko.
"Okay rin itong place mo, mukhang kakaiba." aniya at ipinagpatuloy niya ang paggala sa kanyang mga mata sa buong paligid. Mas okay kasi ito kaysa mga classy na condo, may privacy talaga ito.
"Hindi gaya sa inaasahan mo, ano?" may pagmamalaking saad nito. Pero siguro nabigla lang siya sa kasimplehan nito, hindi kasi niya akalain na sa likod ng mala-modelo nitong mukha ay nakatira lang ito ng ganoon ka simple.
"I didn't know what to expect." Sa totoo lang kasi, iba ang pinapantasya niyang tirahan nito. Fantasies involving a high-rise condo with walls of breathtaking view over the city. Kasi kung titingnan mo talaga si Jazz lalo na kapag naka suit ito, mukha talaga itong pinaka hot na CEO. Pero sekretong taguan nga di ba? baka naman marangya talaga ang pamilya nito. "Looks like a bachelor pad pa rin. Para sa isang...kagaya mo na bachelor."
Binata nga ba ito? Of course he was. Siyempre nakita niya ito sa record.
"Tama ang ideya mo. Pero sa tingin ko mali yang pinapakita sa mga movie na may magarang tirahan ang isang spy, o kahit sa mga libro na nababasa mo." pahayag pa nito. "In my line of work, flashiness gets you killed. Pinaghirapan kung itayo ang lugar nato para magmumukha itong bachelor pad, but I tell you, it has plenty of secrets."
At the moment, wala siyang paki sa sekreto ng kwartong iyon dahil mas interesado siya sa sekreto ng lalaki. "Kailan ko ba malalaman ang mga sekretong iyon?"
Hindi ito sumagot at sa halip ay lumapit ito sa kanya at hinubad nito ang pinahiram nitong suit jacket sa kanya. Pagkahubad niyon pinasadahan naman siya ng tingin nito. Ano kaya ang nakikita nito sa halos hubad niyang katawan? Parang napako lang siya sa kinatayuan niya habang intense pa ring napatitig sa kabuuan niya ang lalaki. Hanggang sa una itong nag-iwas ng tingin at iminuwestra siya nito sa isang upuan. "Umupo ka."
*****