Magkahawak-kamay pa ring naglalakad sina Jazz at Althea. At hiling ng dalaga na ordinaryo nalang sana ang araw na yon. Na walang panganib silang sinusuong sa mga oras na yon. Gayunpaman, naging kumpleto naman ang kanyang Valentines Day dahil nakasama niya ang pinaka hot na lalaki sa paningin niya. At siyempre, bonus na bonus pa yong halik.
Speaking of halikan nila ni Jazz, OMG! As in Oh My God! Marunong pala itong humalik. Tuloy nakukuryoso siya kung ano pa ang expert nito.
Ngunit nabaling lang ang kanyang paningin sa hotel kung saan dumaan sa panganib ang mga buhay nila. Matatanaw lang kasi niya iyon mula sa nilalakaran nilang sidewalk. No wonder kung bakit mas naging traffic dahil dumating na pala yong mga truck ng bombero at patrol cars. Naka cordon kasi ang mga iyon sa naturang hotel.
Napayakap na lamang siya sa sarili habang iniisip ang muntik na kapahamakang sinapit nila ni Jazz kanina. Talagang nakakapanginig ng kalamnan ang naranasan niya.
The worst of it was her dawning awareness that a bunch of international criminals already seen her face. Lagot talaga siya nito, baka siya na ang susunod na target. Nabasa kasi niya ang file ni Amal Mayute at alam niya kung anong kayang gawin nito dahil sa rami ng bigating tao na koneksyon nito. Malaking problema nga niya ito. Sana ang problema nalang niya ngayon ay ang hiniwalayan siya ng kanyang boyfriend.
Alam kasi niya na mula sa araw na to, hindi na siya lulubayan pa sa mga taong iyon. Kaya't dumikit pa siya ni Jazz habang binaybay nila ang mataong sidewalk, opposite sa direksyon ng hotel.
More than anything, maliban nalang siguro don sa toe-curling na halikan nila ng suwabeng agent, kailangang malaman niya ang kasagutan kung bakit sumablay yong surveillance ni Jazz, at ang lalong nagpaintriga sa kanya kung bakit ayaw nitong humingi siya ng tulong ni direktor Taha o di kaya sa mga kasamaham nitong Agents?
"Saan tayo pupunta?" sa halip na tanong niya.
"Someplace safe. Kailangan munang makalayo tayo sa lugar na to."
Napansin naman niya na ang direksyong tinatahak nila ay papunta sa opisina nila sa Interpol.
"Pupunta ba tayo sa Interpol o sa bahay mo?" Alam kasi ni Althea mula sa employee's record na nakatira si Jazz malapit lang sa opisina nila.
"Hindi, sasakay tayo ng trolley."
Pupunta sila sa station ng trolleybus? Alam kasi niya na sobrang matao ngayon at sigurado siyang halos puno na rin ang byahe ng mga trolley sa gabing iyon. Uwian na kasi galing sa mga pares na nagdi-date.
If the idea was to get off the streets and out of view, taking the trolley was a bad plan. "Malapit lang naman dito ang kotse ko. Nasa parking garage lang ng Interpol."
"Sinabi mo nga yon sakin kanina, pero hindi tayo lalapit sa Interpol hangga't hindi ako fully loaded. Lalo na't hindi ko alam kung sino yong mga gonggong na humahabol satin kanina."
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Akala ko ba kilala mo kung sinong mga tauhan iyon."
Hinawakan naman nito ngayon ang kanyang siko. "Tonight's ambush was a setup."
"As in?" That revelation only left her with more questions. Alam kasi niya na hindi lang ang ahensiya ng Interpol ang naghahanap kay Amal Mayute. Plus, Jazz was only a newly transferred agent - malamang hindi siguro agad siya ang target ng mga ito.
"Yes."
"I don't get it. Amal Mayute is the most wanted criminal in the world. Bakit naman pagtitiyagaan niya ang isang agent na katulad mo?"
"Hindi si Amal Mayute ang tinutukoy ko. The setup at the hotel wasn't an outside job. Sa tingin ko, meron sa ahensiya natin ang gustong pabagsakin ako."
Oh My! Imposible naman yata yon. "Sa tingin mo, may traydor sa opisina natin, as in double agent?"
"Oo, at kilala ko kung sino siya."
"Ahh...kaya pala ayaw mong tumawag ako ng backup." pero sa totoo lang, loading siya kung sino nga iyon. Hanggang sa may biglang sumagi sa isip niya. Oh No.
Huminto siya sa paglalakad saka hinarap niya si Jazz. "Kaya pala pinaghinalaan mo ako noh, sa biglang pagpunta ko don sa hotel. Akala mo na ako yong double agent."
Medyo nasaktan siya sa isiping iyon. Kaya pala ang harsh nitong magsalita sa kanya don sa unang pagtatagpo nila sa hotel.
She jerked her arm away. "So ngayon alam mo nang hindi ako sinungaling? At lalong hindi ako double agent?" Her throat tightened, and her sinuses tingled. Napalunok muna siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "O kaya ka lang nakipagmabutihan sakin dahil naisip mong gamitin ako para mapalapit ka sa mga kaaway mo?"
Napakunot-noo ito at bigla nalang hinapit nito ang kanyang beywang. Naramdaman na naman niya ang ilang libong boltaheng dumaloy sa katawan niya. At sa kabila ng kanyang pagpupumiglas dito, naisandal na pala siya nito sa pader nang isang saradong cafe. Habang nakatukod ang dalawang kamay nito sa pader dahilan sa pagkakulong niya sa katawan ng agent.
Naging madilim ang aura nito, kaya sa halip na titigan niya ito sa mga mata, isiniksik niya ang mukha sa kwelyo ng suot nito at sinamyo-samyo ang kanyang masculine scent.
"Eh ano ba ang inaasahan mo na isipin ko nong pumunta ka sa hotel?" biglang lumambot ang boses nito. Effective pala ang paglalambing niya rito. "At saka memorized mo pa yong hotel blueprint kaya naging kaduda-duda ka."
"May rason naman ako para diyan." Tuloy nasabi na niya rito na may photographic memory siya. One in a million lang kasi ang mga taong may ganitong talento kaya itinago niya ito sa nakakarami. Dahil baka gamitin pa siya sa ibang hangarin.
"Pag-uusapan rin natin yan."pahayag nito. "Pero hindi dito. Kailangan muna nating makaalis sa lugar na to."
Ngunit biglang sumakit ang ulo niya. Maybe it was only an effect of her adrenaline crashing again. Medyo hindi pa kasi siya naka get-over sa nangyari sa kanila kanina. "Gusto ko nang umuwi sa bahay."
"Hindi na pwede. Ni hindi ka na rin pwedeng pumasok sa opisina dahil namumukhaan ka na ng mga naka engkwentro natin. Wala kang choice kundi sumama sakin hangga't hindi pa natin napagpaplanuhan kung anong dapat nating gawin."
Aba, hindi pwedeng basta-basta nalang siyang isama nito sa kung saan. Hindi siya duwag para magtago. In fact, gusto niyang tulongan ito na madakip ang criminal mastermind. Kaya kailangan niya ang mga kasagutan mula rito. Kung gaano na ba kapanganib ang buhay niya at kung saan siya nito dadalhin para magtago. May karapatan naman siguro siyang malaman ang totoo.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka sinalubong niya ang mapanuring titig nito sa kanya. "I'm supposed to take your word for that?"
Napabuga rin ito ng hangin saka hinaplos nito ang buhok niya. "It's a lot to ask, I know. Oo, pinaghinalaan nga kita nong una, pero ngayon alam ko na ikaw lang ang mapagkatiwalaan ko. At naramdaman ko rin yon na pinagkatiwalaan mo ako."
She knew next to nothing about Jazz except that he was smart and capable Interpol agent who was an amazing kisser and who'd kept her alive so far. She dropped her forehead to his chest. Kung maari nga lang silang manataling ganon nalang, gaya sa sandaling ito.
Wrapping his arms more tightly around her, he rubbed his lips and nose over her hair. "I'm sorry you were dragged into this. Sana hindi ka nalang pumunta don sa hotel, pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na yon. Gagawin ko nalang ang lahat para mapanatiling ligtas ka. I promise you that."
Hinawakan naman niya ang dibdib ng lalaki. Ang titigas pala non na tila bakal ang mga iyon. If anyone could keep her safe, it would be him. Kaya tama nga ito na manatili muna siya sa tabi nito, but she wasn't ready to go so far as to trust him.
Napatango nalang siya rito. "Okay. Let's go."
She made to move past him, but he took hold of her jaw and coaxed her gaze back to his face. Grabe tuloy ang pagkabog ng kanyang dibdib, dahil baka hahalikan na naman siya nito. But then he just pinned her with a look of penetrating intensity. "Talaga bang pinagkatiwalaan mo ako?"
Kung ang katotohanan ang gusto nito, pwes ibibigay niya rito. "Hindi." Iyon talaga ang totoo dahil maski nga ang isang mabait na boyfriend niyang seminarista nakuha pa siya nitong lokohin na magpapari ito, pero ang totoo pala ay ipinagpalit lang siya nito sa pole dancer instructor nila. "But I think sticking with you is my best plan - for now."
Pinilit niyang huwag tumingin dito, ngunit ikinulong muli nito ang mukha niya sa mga palad nito na animo'y handa na naman itong halikan siya. He studied her face intently, then he brushed her face with his thumb. "Hindi ka sinungaling. Patawad dahil pinagbentangan kita na ganon." sabi nito sa malumanay na boses na ikinahina ng mga tuhod niya.
The tension sizzling between them nearly made her dizzy. She licked her lips, grappling for words to say. At para matakpan ang kilig at kaba niya, pinilit niya ang sarili na magmukhang cool pa rin. "Ganon rin siguro ang iisipin ko kung nasa kalagayan mo ako." her voice was breathy, talagang apektado siya kung gano kalapit ang mga katawan nila. Kaya idinaan na lamang niya sa biro ang kabang nararamdaman. "Gayunpaman, naisahan pa rin naman natin ang mga goons na yon. See, may dalang kamalasan ako sa kanila."
Nakita niyang sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki. "Well, may punto ka rin pero ang nagdala talaga sa kanila ng kamalasan ay..." Pinasadahan siya nito mula ulo hanggang paa. "yang kriminal na suot mo."
"Kitams, swerte talaga sakin ang pula sa araw na to."
Napangiti ulit ito. With his arm around her, he tugged her back onto the sidewalk. "Okay, mag joyride muna tayo sa trolley tapos kukunin natin yong sulat ko sa kotse mo para mapagplanuhan natin ang susunod nating hakbang. But first I need more guns. A lot more guns."
Iginiya na siya nito sa trolleybus station at nag purchase sila ng ticket sa pamamagitan ng kiosk. Nang dalawang tao nalang ang kulang para lumarga na ang trolley, tiyempo at nakasakay agad sila. "Naku, perfect timing." sambit pa nito.
Subalit full packed talaga ang trolley ng pasahero na halos hindi na sila makagalaw sa sobrang sikip. Plus, naka standing position pa sila. Though their shoulders touched and his hand held hers in a loose, confident grip, Jazz eyes never stopped scanning their sorroundings.
At sa huling stop over ng trolley, may pumara namang grupo ng kalalakihan at mabilis na sumakay ang mga iyon. Nakita naman niya ang reaksyon ng mga babaeng pasahero, mostly sa mga ito itinigil na nila ang pagtitipa sa kanilang mga cellphone at niyakap nila ang kanilang mga bag. Nakita niyang mukhang wala namang paki si Jazz sa mga lalaki, ngunit nang doon ang mga ito lumapit sa kinatayuan nila, don na siya kinakabahan.
Alerto naman pala ang agent dahil agad siyang pinalipat sa likuran nito para lang matabunan siya sa katawan ng binata.
Nagsimula nang mag-usap usap ang grupo ng kalalakihan at mukhang mga lasing ang mga ito. Nasagi naman sa siko ng isa ang katawan ni Jazz dahil sa kalikutan nito kaya tuloy napapitlag ang agent.
She inhaled sharply. "Are you going to do something?" bulong niya rito.
He glanced over his shoulder. "Wala. Not unless kung kinakailangan. Number one rule of being a spy is to stay cool. At babalansehin muna ang sitwasyon kung between life and death ba - or mas matindi pa."
"Anong mas matindi pa?"
"For a spy? Discovery."
"Pero hindi ka naman spy. Agent ka ng Interpol."
Napataas ito ng kilay na mukhang hindi sang-ayon sa sinabi niya. "Hindi ka na Interpol agent?"
Napapitlag ulit si Jazz nang masiko na naman siya sa lasing na mama. Ngunit imbis na mag sorry ito, tinawanan pa siya ng mga ito. At mukhang sinadya na talaga nito ang pagsiko ulit kay Jazz.
"Ano na, hindi ka pa rin kikibo diyan?"
Napapailing lang ito. "Kuting lang ang mga iyan kumpara sa mga naengkwentro natin. Besides, malapit na tayong bumaba."
Ni hindi rin nito nasagot ang katanungan niya tungkol sa pagiging Interpol agent nito, kaya't nagugulohan na tuloy siya sa totoong status nito. Oh My God! Hindi kaya ito ang double agent? Baka agent din kasi ito sa ibang ahensya at kaya ito inambush ngayong gabi dahil nalaman ng Interpol na nagtatrabaho rin ito sa ibang ahensya?
If that were so, then who were the good guys and who were the bad, especially kung nagpapanggap lang pala si Jazz sa pagiging peke na agent?
Letsugas, nagugulohan na talaga siya. Tumingin siya sa bintana hanggang sa unti-unting huminto ang sinasakyan nilang trolley sa tapat ng isang establishment.
She pulled up her mental map of the area. Isa kasi sa advantage niya ay ang pagkaroon ng photographic memory kaya di na niya kailangan ng GPS. Kung dito sa lugar na ito dadalhin siya ni Jazz, puro naman mga industrial warehouses ang mga nakatirik sa lugar na to.
Hanggang sa hinila siya ni Jazz pababa sa trolley at nalagpasan pa nga nila yong mga ungas na lasing. Tuloy hindi na alam ni Althea kung alin talaga ang nakakatakot - yong mga lasing ba o ang lugar na pinagdalhan sa kanya ni Jazz. Natatakot pa rin kasi siya sa mga lasing na iyon dahil baka mga goons pala iyon at sinusundan lang sila.
Nang maglakad na sila sa sidewalk kaagad naman niyang tinanong si Jazz. "Saan ba tayo pupunta?" Mukhang ilang beses na yata niyang tinanong ang katanungan na yan sa gabing iyon. Nang hindi siya sinagot ni Jazz dinagdagan pa nga niya ang sinabi niya rito. "Sabihin mo nga, may hideout ka ba dito? Yong may high-tech security system at maraming ibat-ibang klaseng nakaipon na firearms."
Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Great guess."
"Holy cow, tama ako?"
Hindi na siya nito kinibo at alams na niya kaya tumahimik na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang paikot-ikot lang naman sila sa lugar na yon hanggang sa hinarang sila ng isang sasakyan, agad namang bumaba ang dalawang lalaking pasahero at yong driver na may maraming tattoo sa katawan, at may bitbit ang mga ito na baseball bat.
Iniharang ulit ni Jazz ang katawan nito kay Althea. Nakita naman niyang namumutok ang mga muscles ni Jazz sa braso as if handa na itong lumaban kung susugurin man sila ng mga lalaking iyon.
Napalunok tuloy siya sa kaba kung ano na naman ang susuungin nila. "Let's get ready to rumble?"
"Not sure yet." sagot nito.
Kung titingnan talaga niya ng mabuti ang tatlong lalaki na humarang sa kanila para itong mga kontrabida sa movie na yong kadalasang bumubugbog sa bida. At dahil feelingera siya kaya feeling niya nasa action movie sila.
Ngunit ang pagiging feelingera niya ay napalitan ng takot nang bumunot ng baril ang isa sa mga lalaking humarang sa kanila.
My Gulay! Totohanan na to.
"Maghanda ka na Althea, mukhang rambulan na nga to."
"Kaya mo na yan di ba?" Defensive niyang sabi. "Alalahanin mong hindi ko na suot yong pamatay kong takong."
Napatingin ito saglit sa kanya at parang may ibig itong ipahiwatig. At don pa lamang niya naalala nang hubarin ni Jazz ang sinturon nito.
*****