Twelve Minutes. Iyan ang pinakamabilis na shower na nagawa ni Althea sa tanang buhay niya. Nakabihis na siya ng itim na yoga pants at itim na T-shirt at nagsuot din siya ng baby-blue jacket para lang maitago niya sa ilalim ng kanyang damit ang utility belt na may nakalagay na mga granada. At dahil wala man lang siyang bulsa kaya wala siyang choice kundi ilagay ang natitirang granada sa kanyang bra, sa gitna ng kanyang boobs. Tas nagsuot siya ng sneakers para makumpleto ang kanyang outfit. Hayun, kumportable na nga siya sa kanyang suot ngayon. In fact, she's ready to kick butt. Pagkalabas niya ng silid, naroon na si Jazz sa may pinto at nakakunot ang noo habang hawak-hawak nito ang dalawang pusa na nasa loob na ng cat carrier. Kinuha agad niya mula kay Jazz ang mga pusa at sa h

