Mercedes and Benz were not fans of being in the car. Minsan lang kasi ilabas ni Althea ang mga ito. Makalalabas lang sina Mercedes at Benz kung pupunta sila sa vet. Kaya alam niya na sa mga oras na yon ayaw ng mga ito ang buong byahe nila kasi kung makangiyaw ang mga ito ay parang wala ng bukas. Nakakunot pa rin ang noo ni Jazz at hindi niya alam kung iritado ba ito sa pag-iiyak ng kanyang mga pusa o dahil ito sa kumprontasyon nila kanina ni Agent Miggle. Lumingon siya sa kanyang apartment complex na paliit ng paliit. Iniisip niya kung kailan pa kaya siya makakabalik doon na safe, kung sakali lang. "Ano bang iniisip mo diyan, Althea?" Napapitlag siya sa tanong na yon. Kalmado lang naman ang boses nito at mukhang hindi na iritado. "Ah ano kasi, yong alitan niyo ni Agent Miggle

