Chapter 31 "Hmmm.." Ungol ko nang makaramdam ng pananakit sa aking likuran. Hindi pa ako tuluyang nakamulat ay narinig ko na ang mga boses ng mga taong malalapit sa akin. "Tito, she's awake!" "Sweetie.." "Zeph" "Zephy!" Unti-unti kong minulat ang mga mata at bahagya pang napangiwi nang mapansin na naman ang pamilyar na amoy ng ospital. I licked my dry lips and tried seating down, inalalayan naman ako kaagad ng ama na nasa tabi ko na pala. "A-anong nangyari? Bakit ako nandito?" Sumunod ang tingin ko pataas sa IV na nakabaon sa aking kaliwang kamay. I looked back and found my dad and friends looking at me worriedly. "You passed out zeph. On the shop?" Yassy informed at doon ko na lang naalala ang nangyari kanina. Malalim na bumuntong hininga ako at mariin na minasahe ang noo. "You

