Chapter 10
Feeling irritated, padabog na binuksan ko ang pintuan ng kwarto at malakas na sinara iyon nang makapasok, echoing a loud bang on every corners of the room.
After kung mahubad ang heels na suot ay pagod na binagsak ko ang sarili sa aking kama. I stared at the ceiling for quite a while before i rolled on my side at agad na dumapo ang tingin ko sa night stand kung saan nakalapag ang isang porcelain vase na kung saan naka arrange ang bulaklak na binigay kanina ni kage sa akin.
I glared at the unmoving innocent flower. The glaring only stopped when i heard a knock on my door at walang sabing pumasok si dad na may galak sa mukha.
"Dad" i greeted at bahagyang tumayo at lumapit sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi. "Nakauwi ka na pala? How's work? You must be exhausted"
"Nah! Your old man can handle all those paper works" giniya niya ako paupo. "I should be the one asking you that. Bakit ang aga niyo ata umuwi?"
I looked away, i know he would ask that.
"If you're oblivious of the time dad, it's already past the curfew you set for me"
Humalakhak siya.
"Ah, yun? Wala yon. I just set that up to see kung talagang susunod kayo, and you both did. I'm starting to like kage more. He can be trusted, yeah?"
Nahihiwagaang humarap ako sa kaniya.
"Are you for real dad? Nagmadali kami para sa wala? Unbelievable" irap ko.
He looked at me confusingly.
"Why? Hindi ba sapat ang oras na binigay ko? Kung tutuusin ang haba na non. Bakit? Ano bang pinagagawa niyo?" Naningkit ang mga mata niya. Agad kong nahulaan ang iniisip niya.
"Whatever your thinking, it's not it. We didn't do the nasty"
Napapikit siya dahil sa aking sinabi at sinapo ang dibdib sabay malakas na bumuntong hininga, na tila nabunutan ng tinik.
"Kung hindi pala, ano namang ginawa niyo?"
Tumingin ako sa ilalim ng dresser ko at tinuro iyon. Sumunod ang tingin niya doon. Tumango-tango siya at mahinang tumawa.
"Akala ko ba you won't spend his money? Not even a single cent? What happened princess?"
Napasimangot ako.
"Hindi naman talaga. All of that" nilabas ko ang aking credit card. "All the expenses, will be deducted from your account. So thank you" ngumiti ako ng matamis.
Umiling-iling siya habang nakangiti. Na tila ine expect na.
"Maiba nga ako, so how did your date go? Did it went well? In that way, Did you get to know each other well? Wait, this is what most mothers do when their daughters go out on a date right? Asking them...in full details?"
Dahil sa sinabi ay napawi ang aking ngiti. Nang obserbahan ko siya ay tila may kung anong emosyon sa kaniyang mga mata pero nakatago iyon dahil sa kaniyang pagngingiti.
"Dad—"
"Come on zeph, magkwento ka naman. I want to know. It's been days na hindi kita nakakamusta dahil naging abala ako sa kompanya" sinusubukan niyang hindi pumiyok.
I bit my lip harshly.
"Honestly though, I don't know if it did went well?.."
"Good evening sir. Welcome to de 'luxe restaurant. How may i assist you?"
Salubong ng babaeng hostess nang makapasok kami sa isang mamahaling restaurant. I immediately grimaced when the girl batted her eyelashes and asked in an irritating, thin tone.
"Good evening. Reservation under kaden gage Argulles please" si kage.
Tumaas ang kilay ko nang hindi pa agad kumilos ang babae. Bagkus ay tila nangangarap na nakatitig lamang ito sa katabi ko.
"Uh?.."
Dahil sa iritasyon at dahil na din sa kadahilanang nakaramdam ba ako ng gutom ay inilingkis ko ang aking braso sa braso ni kage which cut the girl from her deep stares. Nagugulat na sinundan niya ng tingin ang aking braso which she found her way on my face.
I snapped a finger at her which made her jump.
"Does your job description entail fantasizing on someone else's fiancée?"
I know i was not supposed to be a b***h because i should learn about sa nangyari kanina sa sales lady but I can't help it. Gosh! This is so irritating!
"P-po? Hindi po"
"Then move it! Tingnan mo na ang pangalan niya sa log book mo then assist us! I'm so famished that i could ask the cook here to serve you broiled on a golden platter." I snapped earning a pinch on my sides.
Hindi magkandaugaga na binuksan ng babae ang kaniya log book. She flipped it hastily na tila mapupunit na ang mga iyon. She trailed the random names with her fingers and it stopped. After that, she looked at me nervously.
"K-kaden gage Arguelles, nandito nga po. B-booked a reservation for two yesterday" she then tilted her head on the side at tinawag ang isa pang host. "Paki assist nga sila ma'am at sir sa VIP room"
Tumango ang lalaki at iminuwestra nito ang kamay sa daanan. Before leaving, i slightly glared at the girl na agad naman nitong iniwas ang tingin.
"You're being rude again. Calm down." kage whispered, hands on my waist as we walked. I can even see some girls na sinusundan kami ng tingin...siya, to be precise.
"Deal with it. Kasalanan mo 'to. Bakit ba ang daming nabibighani sayo? Hindi ka naman gwapo!"
He laughed at my statement. Sakto namang nakarating kami sa closed na kwarto pero kitang-kita pa din kami sa labas dahil may part ng wall na gawa sa glass.
We were given two menus by the waiter bago yumuko at umalis. He looked at it, still wearing his smile.
"Talaga zy? Hindi ako gwapo?"
Malditang hinarap ko siya.
"Hindi! Maputi ka lang tsaka may dimples"
Mas lumakas ang tawa niya.
"Uhuh. Okay sige. Pero para sa kaalaman mo lang ha? Ikaw ang unang babaeng nagsabi niyan. Do you really think that?"
"Oo! Your looks..are just typical." Then looked away.
Of course, i lied. His looks, are not just typical. Sa katunayan ay hindi nakakasawa tingnan ang mukha niya. He possesses an enchanting and dazzling looks that most men would envy. Plus his well-built body. I wonder what his abs look like underneath that neat shirt.
Dahil sa naiisip ay wala sa oras na napainom ako ng tubig.
"Pero syempre yun yung opinion ko. Malay ko sa mga babae mo"
He looked at me unbelievably.
"We're still not finished on that?" Sumandal siya sa upuan "Here i thought nakalimutan mo na 'yon. Well dapat nga, kasi hindi naman 'yon totoo"
I glared at him.
"I don't care kung totoo yun o hindi. All i care is how hungry i am. Mamaya ma bloated na ko sa kakainom ko ng tubig! Mag order na nga tayo!"
"What a short-tempered woman" bulong niya bago tinaas ang kamay para matawag ang waiter. The waiter was just on the corner of the room standing by kaya nakalapit agad ito. A minute after, He immediately left after we said our orders.
While waiting, ngumuso ako habang pinaglalaruan ang dangles sa aking pulsuhan. The silence was deafening na ang tanging tunog na maririnig ko lang ay ang sound ng aircon.
Nang matuon ang tingin ko sa kaniya ay nabahala ako ng bahagya dahil sa uri ng tingin niya. He was calm..but his stares wasn't. Parang minememorize niya ang aking mukha habang ang kamay ay nasa taas ng lamesa.
"What? Bakit ka nakatingin?"
No response.
"Is my eyeliner crooked or something?"
Nilabas ko ang compact mirror ko at tiningnan ang make up. Agad ko ding binaba iyon ng makitang hindi naman nag smudge.
Tiningnan ko ulit siya at nang makitang tumititig pa din siya ay kunwaring inabala ko na lang ang sarili, Luminga-linga. Natuon ang tingin ko sa paper bag na may malaking logo ng mac.
"Where are you going again?" Takang tanong niya nang tumayo ako at naglakad palabas dala-dala ang dalawang lipstick.
Aakmang tatayo na din siya nang pigilan ko.
"Just stay there. May gagawin lang ako"
Confused, but he still abided. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makalabas ako.
I walked gracefully on the lane, with head held high Hanggang makarating sa entrance ng restaurant. I stopped when i saw the lady i was looking for. She was talking with her fellow hostess kaya hindi niya ako nakitang dumating.
Her companion wasn't oblivious tho, siguro napansin niya ako mula sa aking kinatatayuan kaya tinuro ako nito.
As soon as her gaze landed on me, umawang ang kaniyang mga labi at tila nabahala. She bowed her head in panic. Mas lalong nadadagdagan iyon nung naglakad ako palapit sa kaniya.
"M-ma'am...A-ano pong maitutulong ko sa inyo? Are you looking for something? The bathroom perhaps? Is there something wrong with your food? Teka..tatawagin ko lang si che—"
Before she could leave, nilahad ko na ang dalawang lipstick sa kaniyang harapan. Nagtatakang tiningnan niya iyon at bumalik ang tingin niya sa mukha ko.
"Take it. Nangangalay na ang braso ko" i said in a flat tone.
natatarantang tinanggap niya iyon at yumuko siya ulit.
"Maitanong ko lang po, Bakit niyo po ako binibigyan nito?" She asked politely.
I shrugged.
"Bakit? Ayaw mo?"
"H-hindi naman po sa ganon. Gusto ko nga po eh" nahihiwagaang pinagmasdan niya ang kolorete sa kaniyang kamay. She was fascinated.
Tumango ako.
"Sabihin na lang natin na pang sorry ko yan. At pa thank you na din because you handled my disrespectful moods well enough. So i hope you like the shade"
"Naku thank you po talaga! Kung ganito po ang mga binibigay niyong pampalubag loob edi mas gugustuhin ko na lang po na sigaw-sigawan niyo ako nang paulit-ulit" halakhak niya.
Her smile faded nang taasan ko siya ng kilay.
"Joke lang po"
Tumango ako. Without any words left to speak, tumalikod na ako at umalis. But before i could completely leave ay narinig ko pa ang excited na paglapit ng mga kasamahan niya sa kaniya.
"Wow! Sabi nila ang mahal daw niyan ah? Ang swerte mo naman! Tsaka ang bait-bait naman ng customer na yun!"
"Oo nga! Mabait na, maganda pa!"
The latter made me smirk. oh sweetie, kung alam mo lang, hindi ako mabait. Beautiful yes, but not polite.
Nang makarating sa VIP room na inuukupahan, agad na sumama ang mukha ko at tumaas ang aking kilay nang makitang hindi nag-iisa doon si kage.
May kalakasan ko na tinulak ang glass doors which made a soft screech sound kaya napatingin si kage sa banda ko. A glint of panic was evident on his face when he saw me. Bahagya niya pang inusog ang kaniyang upuan palayo sa babae.
Naiiritang humahagikhik ang babae na tila may sinabing nakakatawa sa kaniya si kage, o sadyang nang-aakit lang siya.
She was standing beside kage kaya siguro hindi niya ako nakita. Tumikhim ako before i dragged the chair causing an unsatisfying sound. Nakangiwing napatingin sa akin ang babae.
"Who the hell are you at bakit ka nandito?! This is a VIP room. Baka mali ka ng napasukan ms. " Aniya sa maarteng boses. Napangiwi ako.
"I don't wanna be harsh kasi ayoko nang magpa giveaway pa ng mamahaling lipstick kaya i would be asking you politely and calmly.. please leave"
She looked at me confused.
"What the f**k are you talking about? What lipstick?" Halukipkip niya.
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay nakatuon lamang ang tingin ko kay kage. He guiltily looked back. Tinaasan ko siya ng kilay.
"This is exactly what I'm talking about kage. Umalis lang ako saglit, pagbalik ko..may umaaligid na sayo"
"Baby, hindi ko alam na—"
"Baby? Who? Her? You're calling her baby now kage? Who is she ba?!"
"Alangan naman. Syempre ako, I'm her fiancé"
Hindi makapaniwalang tumingin ang chakang babae kay kage pero bumalik agad ang tingin nito sa akin.
"F-fiance? No kage! This is not true! It was just months nung huli tayong nakipag communicate ah?Tapos makikita kitang nakipag dinner sa isang babaeng who claims to be your fiancée!?"
"It was 4 months. And we weren't a thing. You know that. And It's true melissa, we're getting marri—"
"I don't believe this! I don't believe you" tumingin siya sa akin. "If i didn't know better, i'd say isa ka lang sa mga babaeng nagke claim na fiancé ni kage. Hindi na bago 'to. Oops! Didn't you know that?"
"Melissa! Stop that!" May diin na utos ni kage. Tumayo siya at hinawakan sa pulsuhan ang babae para palabasin.
"Exactly miss. Exactly" kalmang tinitigan ko si kage sa mata. "Of course i know that. I'm not dumb. I'm not oblivious sa mga naging babae ng mapapangasawa ko. And i think na isa ka din sa mga babaeng baliw sa kaniya correct? And i should be the one asking you that, anong ginagawa mo dito? This is a private room." May diing ang huling salitang sinambit ko.
"Melissa, i think you should leave. This is a private dinner. I don't want to be harsh, pero nakakaabala ka sa amin"
Nanlilisik ang mga matang tumingin yung melissa sa akin. Pero ang mas nagpagulat sa akin ay nang-aakit na bumaling siya kay kage at bahagyang pinaglandas ang kamay sa sa dibdib ni kage.
It made my blood boil. It made me see red. Humigpit ang hawak ko sa armrest ng upuan.
"Please leave" i said in a well-contained tone.
Even though marahas nang hinawi ni kage ang kamay niya paalis sa dibdib nito ay kumukulo pa din ang dugo ko. I can't believe she disrespected me..just like that! knowing na nasa harapan niya ang mapapangasawa ng lalaking nilalandi niya!
"Leave or I'll call the security."
"Melissa, come on. Don't make me raise a fist. You know I don't do that. You're making me look bad in front of my woman."
Nanunuyang tumingin siya sa akin at bumaba ang tingin nito sa aking daliri.
"I don't see no ring. Is she really your woman kage?"
That's it!
Inis na dinampot ko ang isang baso puno ng red wine at Binuhos iyon sa mukha niya making her squeal like a pig being slaughtered.
Gulat na napatingin silang dalawa sa akin na tila hindi ine expect na gagawin ko iyon dahil mukha naman akong kalmado habang nakaupo, legs crossed. Kahit si kage ay nalagyan din ng pulang mantsa sa kaniyang polo. Thinking it was also his fault kasi nasa tabi siya ng babae, hindi ako nag sorry.
Before i left with the paper bags on my hands, i glared at the both of them and threw another set of lipstick on her face.
"Fix your shitty self! You look like a smudged cheaper version of the scream painting" i glared at umalis na doon.
I fasten my pace para hindi ako maabutan ni kage. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Nang tuluyang makapasok sa taxi ay tsaka ko na lang napag isipan na naka limang lipstick pala ako na naigive away ngayong araw.
Napanguso ako nang bumunghalit ng tawa si dad, sapo-sapo ang tiyan.
"Stop laughing dad. Mas lalo akong nahihiya!"
"Zeph, bakit mo naman kasi pinamimigay ang mga binili mong lipstick? Grabe! Ang galante mo ah?" Tawa niya pa.
"Eh ano naman ang gagawin ko? Isn't that the proper way of saying sorry? Giving them something para hindi sumama ang loob nila?"
"Princess, it's not how it works, if you say sorry..you say sorry. Hindi mo sila dapat bigyan ng kahit anong materyal na bagay. Para mo na ding pinararating na binibili mo ang kapatawaran nila" he said wiping the tear on his water line.
Ngumuso ako. Bakit ba? Eh para sa akin, yun yung tamang gawin eh!
"Mm..kay. You're right. Dapat hindi ko ipagpatuloy ang ganon"
Kumunot ang noo niya.
"Bakit? Matagal mo nang gingagawa yun? You give your friend expensive things kapag nag-aaway kayo?" Biro niya.
Napangunso ako at umiwas na tingin.
"Zephyrine? Wag mong sabihing.." may banta sa boses niya.
"Well..ano uhm..naalala mo nung bata pa ako? I was in grade school, i think when one of mom's fashion jewelry got lost?"
Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang pagtakas ng pilyong ngiti.
"What did you do?"
"Well, let's just say that i was..One of the uh..the cul...prit?" At dahan-dahan akong tumingin sa mukha niya. Pa cute na ngumiti ako nang makitang masama ang tingin niya sa akin.
"Ikaw ang kumuha?! Bakit mo naman ginawa yun anak? Nasaan na? alam mo bang inabala pa namin ng mommy mo ang mga kasambahay para lang mahanap yun?"
"Alam ko naman yun" mahinang tumawa ako. "Kasama ako sa mga naghanap, diba? Sinamahan ko kayo?"
Humalukipkip si dad.
"So nasaan na?"
"Binigay ko sa classmate ko?"
"At bakit?! Bakit mo naman binigay? Pasalubong ko pa yun sa mommy mo nung pumunta akong spain! Nahirapan yung mommy mo sa paghahanap nun!"
"Sorry? Sorry na dad" suyo ko at niyakap sa gilid. "Kasi yung pinagbigyan ko kasi, i kinda punched her hard..it was accidentally tho. Hindi ko sinasadya!"
"Uhuh? How so?"
"Sa pagkakaalala ko, nung time na yun, kinulayan niya ata yung paborito kong barbie na notebook?"
"So you punched her? At para hindi siya magsumbong, binigay mo yung kwintas ng mommy mo sa kaniya? Jusko princess! ano naman ang gagawin nung batang iyon sa kwintas ng mommy mo?!"
"Isangla? It was easy money dad"
"Sana nga.."
Nagtaka ako.
"Sana nga ano?"
"Sana hindi ka multuhin ng mommy mo dahil sa ginawa mo" he sighed.
"God knows I'm just waiting for that dad" ngiti ko.
Matipid na ngumiti din siya at hinagkan ako sa noo.
"I should go, may tatapusin pa ako. You rest, since you already had your dinner. Good night princess" at lumabas na siya.
Dahil sa sinabi niya at tsaka ko pa lang naalala na hindi pa pala ako nakapag dinner. Just be thinking about the food i ordered kanina ay tumunog ang tiyan ko.
Umirap ako at nagbihis na. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumuha ng makakain. I was not in the mood for heavy meals kaya i just settled with any light foods na nakita ko sa ref.
After microwaving the baked mac i found, umupo ako sa stool at sinimulan nang kumain. Nakadalawang subo pa lang ata ako nang tumunog ang phone ko sa gilid.
My phone lit up and a message popped up. It was from an unknown number. Dinampot ko iyon at tiningnan. Napakunot ako ng noo ng makitang ilang missed call na ang nagawa niya kanina pa at iilan na din ang message natanggap ko galing dito.
From: unknown sender
:zy, come back. She's already gone. Pinaalis ko na.
:come on zy, kung nasaan ka man. I hope hindi ka umuwi.
:baby, bumalik ka na. I'm getting worried.
:answer my calls dammit!
:answer my calls zy! where are you?
:umuwi ka na ba?
And then the new message was..
:if you already gotten home, i hope your safe. I'm sorry about what happened, i really am. I'm really looking forward for another date. I'll make it up to you, i promise. Pupunta ako diyan bukas. I hope you're free.
:goodnight baby.