Chapter 19

1237 Words
CHAPTER 19   Kanina pa ako dito sa sasakyan, at kanina pa rin ako binibingi ni Rain sa paulit-ulit niyang pag- papaalala sakin na ‘wag akong gagawa ng isang bagay na hindi niya sasabihin'.   "Opo."   "Naiintindihan mo na?"   "Opo."   "Frost?"   "Po?"   "Huwag kang makulit, promise me that you'll go back here safe." "Sir yes Sir! Promise!" Nandito na kasi ako sa tapat ng mga bahay ng mga York, at hindi pa ako bumababa dahil kanina pa nagsesermon si Rain. Sina kuya at Marv nasa loob na, si Summer nandito sa driver side at kanina pa nayayamot samin ni Rain. "Frost-"   "Kuya kapag hindi ka tumigil ako ang papasok!" sigaw ni Summer kay Rain. Napatawa ako at lumabas na ako ng kotse, kailangan ko ng magsimula para matapos ako kaagad.   Ang sabi ni Rain may camera daw sa bahay at na-hack na niya yon. Pumasok ako sa loob dala ang invitation, invitation na kinuha lang namin sa isang kotse na papunta dito. Nag-abang kami don sa malayo tapos nag minimini-miniemo kami kung sino ang kukunan namin ng invitation, pagkatapos sindakin ni kuya ang lalake kanina ay mabilis pa sa alas kwatro na nag drive paalis yon.   "Good evening Ma'am." tinanguhan ko ang guard at pumasok na ako sa loob. Grabe lang ha? Galing lahat sa illegal to at very obvious. Halos kulang na lang punuin ng diamond yung buong bahay. Yung mga baso halatang mamahalin din, the problem is hindi namin alam ang itsura nung anak, kinapos na kami ng oras para hanapin. Pero ako may idea na, isipin niyo na lang, ang tatay niya ay si impostor na black Santa Claus malamang magkamukha sila. Dahil never pang nagbunga ng santol ang mangga. Umupo ako sa high stool ng mini bar, umorder ako ng bloody mary, libre naman kaya why not?.   "So nahanap mo na ba ang itsura nung anak ni York?" tanong ko kay Rain sa listening device.   "No. Hinahanap ko na nga sa paligid ang kamukha ni York, wala pa akong nakikita." Pasimpleng tumingin na rin ako sa paligid, baka sakaling makakita ako ng mini black Santa Claus. Kaso puro gwapo ata ang nandito, at mga magagandang babae na syempre mas maganda pa rin ako.   "Hi, sexy." hindi ko nilingon kung nagsalita. Bahala siya sa buhay niya at busy ako. Ang kaso, ang pasaway na lalaki naramdaman ko pa na umakbay sakin. Eh kung putulin at durugin ko kaya lahat ng buto nito sa katawan?.   "Ang sungit mo naman."   "I'm sorry. I’m a little busy right now." "Saan naman?" "Na tumingin ng mga gwapo." "Mas gwapo ako diyan." nilingon ko siya para sana sabihin na wala akong pakialam sa sasabihin niya. Busy nga ako, pero hndi tumingin sa gwapo, panget ang hinahanap ko. Kaso pagharap ko. s**t! Ang gwapo! Patawarin mo ako darling Rain, ako naman ay may eyes of beauty lang. Hindi naman ako nagtataksil pero ang gwapo talaga. "O diba mas gwapo ako? Ako nga pala si Paul." "Ang gwap-, ano...ako si Bianca." "Ang ganda naman ng pangalan mo, parang ikaw lang." ngumiti lang ako. Titingin na sana ako sa harapan ko para hanapin ang mini Santa Claus, ang kaso may naisip akong mas madali na paraan para mahanap ko siya.   "This is really a great party sana makilala ko yung host." ngumiti siya sakin, then he leaned forward.   "You're already talking to him. Hello again, I'm Paul York." HOLLY MOLLY! Ampon ba to? Bakit ang gwapo? O, hindi!   "Ikaw?"   "Yup."   "Wow, nice meeting you." nagsimula kaming magkwentuhan, pala kwento siya. Naikuwento niya rin ang tatay niya at naramdaman ko na hindi siya close sa tatay niya. At na feel ko din ng ikinukwento niya ang tatay nya at ang negosyo na front ng tatay niya ay parang dumilim ang anyo niya. Hmmm. . .   "Your father's doing illegal right?" napatingin siya sakin.   "Damn it, Frost! What the hell are you doing?" sigaw ni Rain. Napatingin ako saglit sa likuran ni Paul at nakita kong nanlalaki ang mga mata nila kuya Ice at Marv na nagseserve sa mga pacute na babae. Wala na ang sigla sa boses ni Paul, I hope sana tama ang hinala ko.   "Pano mo nalaman?"   "Paano kung sabhin ko na balak ko siyang pigilan? Ipapapatay mo na ba ako ngayon?" Narinig kong nagmura si Rain sa listening device, namumutla narin sila Kuya ice.   "Abort the mission! Now! Get back here Frost!" Utos samin ni Rain, pero hindi ako kumilos. Nakatingin ako sa mga mata ni Paul.   "No. .tutulungan pa kita." natahimik si Rain, ako naman napabuga ng hangin.Tama ako.   "I'm his adopted son, hindi niya ako tunay na anak pero iyon ang pinalabas nila ni Mama dati."   "Why do you want to bring him down? Para mapasayo ang pera?"   "No. Para pigilan siya sa mga ginagawa niya. Wala siyang last will, I'm very sure na sa girlfriend niya ngayon mapupunta iyon. Pero I want to bring him down, dahil hanggat buhay siya hindi ako makakaalis sa bahay nato."   "So you'll help me?"   "Yes, pero may itatanong muna ako sayo."   "What is it?"   "Bakit nagtiwala ka sakin ngayon. Paano kung trap to?" Tinignan ko siya sa mga mata at ngumiti.   "Instinct."   "Halika." hinila niya ako sinenyasan ko sila si kuya na huwag umalis, nagpahila lang ako kay Paul hanggang makarating kami sa gilid ng bahay. May binuksan siya sa sahig, pagkatapos ay may pinindot siya sa mga keys na lumabas don. Bumukas ang sahig.   "Anong meron?"   "Ang kailangan mo." Sumunod ako sa kaniya, pumasok kami sa loob. Unti-unting bumubukas ang mga ilaw. Parang laboratory to, pero may mga papeles at folder din sa kung saan-saan. Lumapit si Paul sa isang cabinet at may hinalungkat don. Ako naman nagikot-ikot muna, puro mga illegal na gamot.   "Here it is!" lumapit ako kay Paul at tinignan ang hawak niya. Iyong pulang folder.   "Kuya Glaze come here." Glaze is kuya Ice, sinabi sakin lahat ni Paul ang alam niya sa mga gamit at folders dito. Sinabi niya sakin kung sino ung mga gumagawa, maliit pa daw to meron pa daw isang laboratory sa ibang lugar na mas malaki ng di hamak daw dito.   "Frost?" lumapit sakin si kuya Ice, inabot ko sa kaniya ang red folder. Tumingin siya kay Paul pagkatapos ay umalis na. Hihintayain na lang nila ako sa kotse.   "I need to go."   "Okay pero may ipapakita muna ako sayo." hinila niya ako sa isang lugar, may ipinakita siya sakin na mga naka-tube na may kulay blue na liquid.   "Ano to?"   "Alam mo bang million ang halaga niyan? Mas malakas ang tama niyan sa drugs." nanlaki ang mga mata ko sa hawak na tube. Ang liit non tapos million na?   "At last nagkita na rin tayo, Wynter Roqas." s**t! A trap! Tinignan ko si Paul, umiiling siya ng bahagya. Pero kung hindi siya. paano?.   "Nagtataka ka siguro kung bakit? Makita lang naman namin kayo kanina ng bodyguard ko na may kinorner na sasakyan. Buti na lang may kailangan akong kunin dito." Si Black Santa Claus, kaharap ko ngayon.   "Papa ano bang sinasabi mo? Si Bianca siya at intiresado siya na kumuha ng-"   "Stupid! Niloloko ka lang ng babaeng yan!" tumingin sakin si Paul. Humihingi ng pang-unawa ang mga mata niya, at nakikita kong gumagawa na siya ng plano. Maya-maya lang ay binago niya ang ekspresyon niya at naging matalim yon.   "FROST?! Papunta na diyan si Ice! damn!" Rain exclaimed. I murmured.   "No."   "Frost!"   "Niloko mo ko?" sabi ni Paul sakin bago pa ako makasalita ay may idinikit na sa akin si Paul. An electroshock weapon, sa sakit non nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa sahig. Pero bago pa dumilim ang lahat narinig ko ang sinabi ni Paul.   "Iaalis kita dito. . .I promise."  Paul murmured at me. I wish, maialis niya nga ako. Kasi. . I need to keep my promise kay Rain, na babalik ako. I need to keep that, promise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD