CHAPTER 20
RAIN'S POV
"Damn it, damn it! Anong gagawin natin? Kailangan nating mabawi si Wynter!"
"Relax Rain, pati ako natataranta sayo." Pagpapakalma ni Ice sakin.
"She's your sister for Pete's sake Ice!"
"Yun na nga eh! She's my sister, do you think I would let anything happened to her? Kung hindi tayo kakalma sa tingin mo maliligtas natin siya?" Pabagsak na umupo ako sa sofa.
I barely slept last night, halos hilahin ako nila Ice kagabi para pigilan ako na sumugod kila York. Narinig ko ang impit na sigaw ni Wynter kagabi, and I can’t sleep, I can’t eat without knowing if she's okay. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Wynter. Lalong hindi ko mapapatawad ang mananakit sa kaniya. I would kill them without any second thought.
"Ang pinakamahirap na tanong ay kung saan nila dinala si Wynter? Nakapatay ang tracker niya, kung bakit ba naman kasing alam na niya na na nasa panganib tayong lahat eh nagsarado pa ng tracker." Sabi samin ni Summer. Tama siya, we don’t have any single clue.
"I'll get it." Nanatili kaming nakaupo don. Tumayo si Summer at lumapit sa pinto--- napatingin ako kay Ice, mukhang pareho kami ng iniisip.
"SUMMER! DONT-" utos ni Ice sa kay Summer. Tumakbo ako palapit kay Summer, nakasunod sakin si Ice inihagis sakin ni Marv ang isang baril. Dali-daling ikinasa ko yon at itinutok sa pinto. Mukhang nasa battle mode na rin si Summer na nakatingin sa labas.
"Bakit ka nandito? Nasan si Wynter?" Tanong ni Summer sa dumating.
"Wait! Let me explain." sabi ng taong nasa labas
"NO!" biglang sumipa si Summer, tumingin kami sa labas. Paul York, nagdilim ang paningin ko at ako na mismo ang sumipa sa kaniya. Hindi ako tumigil, may mga kamay na pumigil sakin na malamang ay si Ice.
"Tama na yan, hindi siya lumalaban." Sabi sakin ni Ice, matalim pa rin ang tingin ko sa nakahandusay na si Paul sa sahig.
"I guess I deserve that." Sabi ni Paul
"More than that, damn you! Give her back to me!" Umupo siya at sumandal sa wall, may mga ilan na ring occupant ng ibang room ang lumalabas. Kaya dali-dali kong hinila si Paul at ipinasok sa loob. Isinalya ko siya sa pader.
"Ibalik mo si Wynter."
"I cant do that-"
"Damn-"
"I can’t do that without your help, alam ko kung saan siya dinala ni Papa. Pero hindi ako pwedeng makialam dahil pati ako ay siguradong sasaktan niya. I can’t blow the trust my father gave to me, lalo na at nasa kaniya ang share ng mama ko dati sa kompanya. I need to gain his trust and get that, bago ako umalis at lumayo sa kaniya. Kung tutulungan ko si Wynter, tiyak na malalagot ako."
"Wag kang magsalita na parang gusto mong tulungan si Wynter. you set her up!" sigaw ko sa kanya.
"I didnt. Hindi ko alam na dadating si Papa. Alam kong narinig mo yon, nakita nila kayo na ng harang para kumuha ng invitation. A very careless way I must say. Ang kaya ko lang sayong ibigay ay ang lugar, at sasabihin ko rin sa inyo kung ano ang meron sa pinagtataguan niya." May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sakin, It’s a blue print of an underground laboratory.
"Bakit mo ginagawa to?" tanong ko sa kanya.
"I really want to help Wynter and also I want to bring down my father."
"Anak ka niya."
"Adoptive son. And anyway, he never really cared about me. Ang Mama ko lang, kaya kapag nabawi ko ang share ni Mama aalis na ako at magpapakalayo na kami ng girlfriend ko na matagal ko ng tinatago kay papa. Dahil gusto niya na kung sino ang itakda niyang babae sakin ay iyon ang mapapangasawa ko, kaya ko tinago ko ang girlfriend ko sa kaniya." Tinignan ko si Paul sa mata, It’s hard to take a risk especially I don't know if I can trust this man. But for Wynter, I'm willing to do anything.
"Let's plan." Sabi ni Paul
Tumango ako. I have no choice, wait for me Wynter. I'll definitely won’t let anything hurt you.
I'll save you.
*****************************************
WYNTER'S POV
Pagdilat pa lang ng mga mata ko nakaarmdam na ako ng sakit. I know this time it’s not from the electroshock. Nakangiting mukha ni Ciara ang bumungad sakin, may hawak siyang calamansi juice. At first I think she was drinking it, until binuhusan niya ako sa braso. Nanlaki ang mga mata ko at napatili ako.
"Stop!" pigil ko sa kanya, tumawa lang siya. Bakit siya ganito? Naging kaibigan ko siya noon, hindi man lang ba siya naaawa?
"Nice seeing you again Wynter." Nakangiting bati sakin ni Ciara.
"N-nice? Right! You're planning to kill me why would it be nice?"
"Oh no! No! No! I'm not gonna kill you, I told my boyfriend I'll have you."
"Have. . .w-hat do you mean?” Napatawa siya sa itsura ko, may hinila siya na kadena na nakatali sa braso ko. Ang mga kamay ko ay nakatali sa upuan, napasigaw ako ng malakas ng hinila niya ang tali. May nakakabit na malalaking barbwire sa braso ko, na nakadugtong sa kadena.
"I'm totally not a lesbian. I told him I want to torture you."
"W-hy? kaibigan kita-"
"You're not my friend."
"Bakit ka ba nagagalit sa mga taga BHO, wala naman silang ginawang masama sayo."
"Wala ba? Your mom killed my Dad!” What?
"Ikaw ang pumatay sa tatay mo-"
"I'm not talking about that 'Father' of mine, hindi ako anak ng mama ko don. Anak niya ako sa isang lalaking nakilala niya lang but she love him. Ipinaako niya lang ako sa nakagisnan kong tatay, my father name was John. Nang malaman ni Mama na namatay si John, bata pa lang ako non. Dahil don nagpakamatay siya. That's your mom's fault!" galit na sabi ni Ciara. John? Nakwento na samin ni Momma ang about sa John na yon, ipinagbubuntis lang daw niya kami non ng makidnap siya. The name of the psycho who kidnap her was John.
"Psychotic ang tatay mo!"sigaw ko sa kanya.
"I don’t care! Dahil sa ginawa ng nanay mo namatay ang Mama ko!" Nasa lahi ata talaga nitong babaeng to na maging baliw. Hintayin niya lang akong makalabas dito at babaliin ko ang leeg niya. Lumapit siya sakin at sinampal ako, the bad thing is may bakal ang kamay niya kaya mas masakit. Hintayin mo lang talaga, I'm gonna kill you b***h!
"You're awake." nagulat ako, nakakabit pa pala sakin yung listening device. Nang makita kong umalis si Ciara at may kinuha ay sumagot ako.
"Help me Rai--..Thunder! Get me out of here."
"I will. Papunta na kami. I don’t know if mapagkakatiwalaan ko tong Paul nato, but I need to do this."
"You can trust him." Tumahimik na ako, lumapit sakin si Ciara at may ibinaon sa hita ko. Napasigaw ako sa sakit, it’s like a thousand needles na umiikot. I'm close to fainting but i need to stay awake. Napasigaw ako, narinig ko si Rain na napapamura sa listening device.
"D-damn you. I’ll kill you kapag nakaalis ako dito. On second thought, I let you suffer first."
"Kung makakaalis ka pa! You'll gonna die in just a few more hours. If you don’t Im gonna peel off your skin mula sa paa mo paakyat. I’m sure you'll gonna die before I reach your face, panalangin mo na yon ang mangyari at least you'll die pretty." Baliw na sabi ni Ciara. A psycho.
"At least I’ll die that the face ill remember is the face of my handsome boyfriend, not like you! Pumapatol ka sa maligno!." Sinampal niya ako at nagpatuloy sa ginagawa niya. Save me Rain, save me please.
"Kapag nasa panganib ka, huwag kang aasa sa magliligtas sayo, baby. Always try to fight back, and never ever give up." Naalala kong sabi ni Momma.
Momma. . .how can i fight back now? I'm tied up, my legs are not tied, but the chair I’m sitting on nakasemento sa sahig. And I can barely move it because of this stupid b***h. Feeling ko naririnig ko si Momma, I'm sure sasabihin niya. ‘"Barely, it means you can still move it. You can do it baby."
Buong lakas na sinipa ko si Ciara at ipinalibot ko sa kaniya ang mga hita ko, at dahil hindi niya inaasahan ay hindi siya makakilos. Sinipa ko palayo ang cellphone niya. At dahil nalaglag ang device na ginagamit niya at natanggal sa hita ko, nahulog yon at inabot ko gamit ng bibig ko bago pa tuluyang mahulog. Idinikit ko yon sa tenga ni Ciara, I smiled when she scream. Hindi ko siya pinakawalan kahit nagpapasag siya. I told yah, I'll make you suffer. Bahagya akong napaangat ng tingin ng may marinig ako na sigawan sa labas at pagsabog. Whatever!. I still need to teach this b***h a lesson.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon.
"Wynter!" Mabilis na lumapit sakin si Rain, nasa labas si kuya at nagbabantay. Sumesenyas siya na bilisan namin. Tinignan ko si Ciara na halos mawalan na ng malay, her ears drop off. Good! Pinakawalan ako ni Rain at dahil natanggal na ang tali ko ay hinigit ko ang buhok ni Ciara at ipinalo ang ulo niya sa semento. Hindi parin hinihimatay, ang tibay! Must be the drugs.
Hinawakan ko yung legs niya, then. .I snap it. She won’t ever walk, dahil kay Tita Bree alam ko na ang mga part ng katawan ng tao. I know what kind of damage in the bone that can be cured, and what can’t.
"Can you walk?" nagaalalang tanong ni Rain. Sinubukan kong tumayo pero walang lakas ang mga paa ko. Binuhat ako ni Rain at inilabas, nakita ko sila Marv at Summer na nakasunod sa amin. Nasa labas si Paul at nasa driver's seat, pumasok kaagad kami ni Rain. Pagkaraan ay umandar na kami paalis.
"Nice seeing you again." Bati sa akin ni Paul.
"I know. Akala ko talaga kakampi ka nila."
"Never." Nilingon ko si Rain na nakahawak sa chest niya.
"Rain?! Rain, Oh my God!" natatarantang sabi ko.
"Dont panic, love. Hiningal lang ako."
"Pero-" he leaned forward and kissed me. That shut me up, sumipol pa sina Marv pati si Paul. Mukhang may bago kaming kateam, a secret one.
"Paano ka na ngayon Paul?" tanong ko kay Paul.
"Hindi naman alam ni Papa, patuloy pa rin ako sa ginagawa ko dati. But I'll help all of you kapag kailangan niyo."
"Wag na, mamaya mapahamak ka."
"I need to help you, para na rin sakin, para makaalis na ako sa kamay ni Papa." tumango ako, we gained another person who will help us. There is still hope. I have a feeling that, we'll definitely win this fight.