Chapter 12

1861 Words
CHAPTER 12   Kasama ko si Marveige ngayon, kapatid ni Andreige, Craige and Paige. Sila ang mga anak ng kaibigan ni tito Poseidon.   C-raige   A-ndreige   M-arveige   P-aige   CAMP “The CAMP”.   "Alis na tayo?" tanong sakin ni Marveige.   Siya ang prospect ko sa mission ko na maging masunuring bata at sundin ang gusto ni Rain at ni kuya.   "Sure."   Nginitian ko siya, nakasuot ako ng maikiling hot pink na damit na pinatungan ko ng itim na leather blazer. Then nakasuot ako ng stockings na may kung ano-anong design, I even put make up on. I know I look hot, pero wala namang pakialam si Marveige sa damit ko. Actually ng inaya ko siya ng date ay tinawanan niya lang ako, at sinabi niyang alam niya daw ang ginagawa ko, at kung bakit. Pumayag siya sa isang kundisyon na mag mi-miryenda kami sa restaurant na ang may-ari ay ang ex niya. Pareho kami ng mission, sa akin ay ang ipakita kay Rain na ginagawa ko ang gusto niya, at para alamin narin ang totoong feelings ko. Because I may agree or not kay Rain, alam kong tama siya. Si Marv naman ay gusto ding alamin kung may feelings pa siya sa ex niya at para pagselosin narin yung ex niya.   "Kuya alis na kami." Paalam ko kay kuya Ice.   Tinignan ko si kuya na tumango na lang, nilingon ko si Rain na tahimik lang sa isang tabi. Tinaasan ko siya ng kilay. Pero hindi niya ako pinigilan, pinamimigay na ba niya ko?, kasi ang sakit eh...ang sakit sakit. I want to know my feelings, but I want to get even too.Pero ako lang din naman ang nasasaktan.   "Halika na." Yaya sakin ni Marv. Tumango ako, hinila niya ako palabas hangang makarating kami sa elevator. Nang makapasok kami sa elevator ay niyakap niya ako, bago sumarado ang pinto nakita ko pa si Rain na nakatingin samin.   "He's jealous you know." Sabi sakin ni Marv. "He's not." "He is. .I can see it."   "Bakit hindi niya ko pinigilan?."   "I know the answer, but I can’t tell you. Wala akong karapatan." "You boys are so complicated." "Kayo din naman." sumimangot ako. Nang bumukas ulit yung elevator ay pumunta kami sa parking at sumakay kami sa sasakyan ni Marv. Ooooh! I love this car, red convertible. Sumakay kami, nagulat ako sa bilis ng patakbo ni Marv. "You're a maniac at driving." "I hate driving slow."   "Me too, Rain hates driving fast."   "I know the reason too but I wont tell you." Napa-pout na lang ako na ikinatawa niya. Kalahating oras ata bago kami nakarating sa restaurant na sinasabi niya. It’s a very cool place, kino-convert nila yung restaurant kapag nag 11 pm na. it will turn to a bar. "Astig! Iintayin ba natin hanggang mag-bar na tong lugar nato?" tanong ko kay Marv. "Yes."   "I miss going to a bar."   "Woman, I think we have a lot in common." Napangiti ako, he's right it’s so easy to be with him. I don’t need to run and chase him, hindi ko kailangang magpa-cute, it’s easy as breathing. Pumasok kami sa loob, may nakita akong magandang babae na nasa cashier. Pabalik na sana siya ng mapatingin siya kay Marv, pagkatapos non ay nagmamadaling pumasok siya sa loob.   "Woah! ang ganda naman non, buti pinatulan ka."pangaasar ko kay Marv.   "Parang sinabi mo namang hindi ako gwapo."   "Gwapo ka no! As in. kaso gwapo ka lang dito sa lupa. Eh, yung ex mo dyosa ata."   "Mas bagay pala tayo since mga taga-lupa lang tayo."   Tinawanan ko si Marv. "Baka nga."   Umupo kami sa isang part sa lugar nayon then nag-order kami. The food is great, and I'm having fun. Masayang kausap si Marv, hindi nawawalan ng sense, hindi rin siya tumatahimik kaya walang awkward silence. Hindi ko rin kailangang galugadin ang isip ko para mag-isip ng topic, dahil lagi siyang may nakahandang topic.   Sa pag-uusap namin nalaman ko na marami kaming pagkakapareho. Katulad ko hinabol-habol niya rin si Kate, yung ex nya, sa huli pinakawalan niya rin si Kate. Dahil hindi parin nakakalimutan ni Kate ang ex-boyfriend nito.   "Wag kang mao-offend ha?"   "What is it?"   "She's stupid letting you go, letting go a man like you. Ang hirap maghanap ng totoong magmamahal sayo. Ang hirap maghanap ng taong mamahalin, tapos pakakawalan ka lang niya."   Tumawa lang si Marv. "Naiintindihan ko naman siya, sometimes we can’t fight destiny. And all we can do is wait for the right time to come, and I'm still waiting for her. Hindi niya kasalanan o ng puso niya na may mahal siyang iba, hindi ko siya sinisisi. . .wala akong sinisisi." Paliwanag ni Marv.   "Your such a good man."   "Lahat naman ata ng nagmamahal kakayanin para lang sa taong mahal niya. Kahit nakakatakot mag -take ng risk gagawin mo parin, pero syempre you need to put everything in place. Kung sana siniguro ko muna ang nararamdaman sa akin ni Kate. Eh di sana hindi ako nasaktan, but I never regret loving her"   Nakatingin lang ako kay Marv, naiiyak ako. Hindi ko na nga napigilan at napaiyak na ako, narinig ko siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko. "Ang emotional mo naman, ‘wag ka ng umiyak, ano ka ba?" Natatawang sabi niya habang pinapatahan ako.   "Sorry, iyakin daw ako dati sabi ni Momma. Mukhang lumalabas na siya ngayon, ang nakakapagpatahan daw sakin dati ay si Rain"   "Then you need to stop crying on your own now, like Rain told you. You need to live for a while, to experience a life without him." Tumango ako, huminga ako ng malalim at inulit-ulit ko yon hanggang sa kumalma ako. Nakangiting nagthumbs-up si Marv ng magawa ko.     "Thanks."   "Don’t thank me wala naman akong ginawa." ngumiti lang ako ulit. Nagulat ako ng biglang nag-dim yung light, lumapit yung mga waiters at pinalitan ang sheet ng table. Woah!   "Party time." Marv stated. Hinila niya ako sa dance floor, tumugtog ang malikot na music. Nanlalaki yung mga mata ko ng marealize ko na magaling sumayaw si Marv.   "Wow naman.." hangang sabi ko kay Marv, tumawa siya.   "I'm the light of the party before Kate tamed me."   "Tsk! Tsk! Naku! sasabunutan ko na yon! bakit kasi pinakawalan ka pa niya?" tumawa lang siya. Umindak kami sa tugtog, nakayakap na ako sa kaniya at dikit na dikit na ang mga katawan namin.   "Marv...." nagulat ako. Sheyt! Ang dyosa! Siniko ko si Marv.   "What now, Kate?" walang ganang tanong ni Marv. Me ganon? "I'm sorry, I'm so sorry ang sakit pala! pasensya na sa inyo." Hinging paumanhin ni Kate   "Ano pang magagawa ng pasensya mo? Inostorbo mo na kami." segunda ko kay Marv,  I gave him my b***h stare. Nakita kong nabigla si Marv, pero pasimpleng kinindatan ko lang siya. "S-sorry. Aalis nako." sagot ni Kate. "Pagkatapos mong pakawalan si Marv lalapit ka ngayon? Ako na ang mahal niya, hindi na ikaw. Bakit lumalapit ka pa?"   "Kasi mahal ko siya!" sigaw ni Kate. Sinundan ko ng tingin si Kate ng tumakbo siya paalis. "I need to follow her." Paalam ni Marv sa akin. Nginitian ko siya, ngumiti din siya pero napatingin ulit siya sa dinaanan ni Kate. "Give me the keys. I'm sure you'll stay the night." Sabi ko kay Marv. Inabot niya nga sakin ang susi at nag-blush siya, tumakbo na siya papunta ka kay Kate. Ako naman nakangiting pumunta na sa parking, pinaharurot ko na yon papunta sa hotel. Nang makarating ako sa hotel ay nakangiti pa rin ako, nakita kong pinasadahan ako ng tingin ng receptionist kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Umakyat na ako sa room namin, nasa may pinto na ako ng maalala ko yung nangyari kaya natawa ako. Pumasok ako sa pinto, tulog na ata ang mga tao. Hmph! hindi man ako inintay. Lumapit ako sa landline na nasa gilid ng tumunog iyon, ini-loud speaker ko na lang yon dahil nag -tatanggal ako ng sapatos. "Wynter?" "Marv?"   "Yes, thank you ulit ha. Gusto ko lang i-check kung nakauwi ka na."   "I'm fine. Ikaw? Uuwi ka ba dito? Sabagay baka sa sofa ka lang matulog dito." "You will let me sleep on the sofa?, Hindi ba pwedeng tabi na lang tayo?" tumawa ako "Sure why not? Basta siguraduhin mo lang na sasabihin mo ‘yan sa dyosa na yon." "Right! Na explain ko na sa kaniya, thanks again! Hindi man lang kita nabigyan ng goodbye kiss."   "Bukas na lang sige na. Bye bye na."   "Bye." Natatawa pa ako ng tumayo at pinatay yung sa landline, umikot ako para pumasok na sana sa kwarto ko.   "s**t! Wag ka ngang manggulat." "Sorry." Si Rain may hawak siyang alak, naka-upo siya sa isang sulok. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako. "How's your date?"   "Fine, no, great.  We have fun, ang sayang kasama ni Marv. Hindi nauubusan ng kwento, palangiti, he's so fun to be with-"   "I know. Not like me, boring. Mukha ngang nag-enjoy ka since you even offer  him your bed. I understand, alam mo na ngayon, a life without me. You can do it, you can bear it even if, i'm not part of your life." Sinampal ko siya, napaiyak ako.   "I guess I deserve that, I'm sorry Wynter. Pero ang sakit pala kahit na eto ang gusto ko, ang sakit pala. Kasi alam kong narealize mo na, na baka nga hindi naman totoo ang mga sinabi mo na mahal mo ko. I'm glad for you, but I can’t say that I'll be happy for you. Because I can’t be happy, not when I'm breaking like this. I love you, since bata pa tayo ikaw na ang laman ng diary ko, kahit ang baklang pakinggan. Mahal kita, pero ayoko rin masaktan. Pasensya ka na Wynter, if I’m too stupid, pasensya na kasi hindi ko nasabi agad. But at least it save you for being with a person you don’t really love." Napaiyak ako ng todo ng makita kong tumutulo na ang luha ni Rain. Nakikita ko na he's catching his breath.   "Rain? Deap breath. I love you too damn it!" nag-aalalang sabi ko sa kanya. Nagulat siya napatingin siya sakin.   "What?"   "I love you, hindi ko na kayang patagalin na mahirapan ka. I love you so much Rain, at nalaman ko ng araw nato na kaya kong mabuhay ng wala ka, kaya kong patahanin ang sarili ko. But Rain. . It’s not life at all, because your not there. I can live without you, but It’s not like I'm living a life. Dahil mahal kita, dahil hindi ako maku-kumpleto kung wala ka. I’m sorry if I'm dependent to you, I'll try not to, but i love you, I can’t live a life without you, Rain."   Napasinghap ako ng bigla niya akong halikan. Napa-upo ako sa lap niya. I kiss him. .I can feel his tears. Nang maghiwalay ang mga labi namin ngumiti siya sakin.   "I love you too Wynter, I'm sorry sa mga nasabi ko-"   "No! Tama ka naman eh, and I understand you with my whole heart." hinalikan niya ako ulit. Napapitlag kami ng biglang may gumalabog.   "Tama na yan at baka saan pa mauwi yan, kasal muna." "Kuya!" "Isusumbong kita kay Momma, Wynter umayos ka! Rain, congrats! Ingat ka lang kasi baka r**e-in ka niyan."   "Magkano kaya bibilin ‘to ng mga taga BHO? Aba! Kikita ako dito." Natatawang sabi ni Summer. Hawak niya yung isang CD, mukhang vinedio pa kami.   "Istorbo." Sabi ni Rain, hinila niya ako sa kwarto.    "Oy! Rain!" tawag ni kuya Ice.   "Nothing will happen Ice, gusto ko lang kayakap si Wynter. Promise, trust me."   "Wala akong tiwala sa kapatid ko!" Hindi na sila pinansin ni Rain at pumasok na kami. Sinara niya yung pinto.   "Nothing will happen?" tanong ko kay Rain. "No." "No?"   "Pero hug and kiss pwede."   Great! Pwede na yon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD