CHAPTER 11
Ang sarap na ng tulog ko eh, kaso alam mo yung feeling na may nakatingin sayo?. Ang hirap kayang manatiling tulog kapag ganoon, unti-unting dumilat ako. Aba! Ang darling ko tinutunaw ako sa tingin.
‘Payag ka naman?’
Aba brain, minsan lang yan, sulitin na. At saka kung alam ko lang na tinititigan niya ako, eh di sana naglabas pa ako ng konting skin. Para hindi na niya ako hiwalayan ng tingin, bongga diba?.
"Oy, ginigising mo ba ako?" tanong ko kay Rain
"Oo nandito na tayo."
"Astig ka talaga darling, kahit sa paraan ng pagising hindi ka man lang sinipag na kalabitin ako."
"Nag se-save ako ng energy." Lumabas na siya ng sasakyan, nakasimangot na bumaba ako. Napalingon ako kay kuya na karga ang tulog na tulog na si Summer. Ang daya! Gusto ko din na kargahin ako ni Rain, nakasimangot na sumunod ako sa kanila-
"Aray!" Napalingon sakin si Rain at dali-dali akong nilapitan, tinignan niya yung namumula kong tuhod. Nadapa po kasi ako, and no, hindi ko sinadya.
"Anong nangyari sayo? Bakit ba bigla ka kasing nadapa?. Hindi ka kasi nag iingat."sermon sakin ni Rain.
"Easy lang nadapa po kasi ako, may tangang bato na humarang sa dadaanan ko. Tapos ang engot kong paa hindi umiwas."
"Masakit ba?"
"Hindi ang sarap nga eh." Napailing na lang si Rain at binuhat ako. Ayieee! Okay na rin pala kahit masakit ang madapa. Hooray!. Napangiti ako, sakto naman na nakatingin pala sakin si kuya Ice na napapailing na lang sakin. Akala siguro sinadya ko, duh! As if naman sasaktan ko ang beautiful legs ko.
Nang makapasok na kami ay napatingin samin yung receptionist, nasa hotel kami na medyo malapit sa 'York' ang company ng bofriend ni Ciara. Tulala kanila Rain at kuya Ice yung receptionist, ang kaso hindi makahirit dahil karga kami ni Summer. Nagcheck-in si kuya, and of course not our real name. Naglakad na kami sa elevator at nakita ko pang nakatanaw samin yung receptionist, pinandilatan ko siya ng mata kaya napayuko na lang siya.
"You don’t have to do that sis." Puna ni kuya Ice, I look at him innocently.
"What?" painosenteng tanong ko.
"Psh, pasaway ka talaga." Iiling-iling na sagot ni kuya Ice. I gave him a sweet smile, kakagatin ko talaga siya kapag humirit pa siya. Bumulong ako kay Rain.
"Darling rain."
"O?"
"Ibaba mo naman yang pagkakahawak mo sakin, actually your holding my cute butt." Natawa ako ng namula yung muka niya, ibinaba nga niya ang pagkakahawak sakin.
"Kung gusto mo darling ibalik mo na lang, okay na okay lang."
"Ewan ko sayo."
“Rain..."
"O?"
"Magnanakaw ka no?" bumuntong hininga si Rain, alam na niya kasi na pick-up line to eh.
"Bakit?"
"Ninakaw mo kasi yung halik ko eh, pwede bang. . .pakibalik?" Narinig kong napa- yuck si kuya, sinamaan ko lang siya ng tingin. Si Rain naman ay as usual ay nag ba-blush.
Lumabas na kami ng makarating kami sa floor namin. Sa iisang room lang kami tutuloy para mas madali kaming makakatakas incase of emergency. And of course kami ni Summer ang magkatabi, kung pwede lang ba, eh di ang darling Rain ko na lang.
"Bakit mo ako karga?! Manyak!" sigaw ni Summer kay kuya Ice. Nilingon ko si Summer, nang ibaba na sana ni kuya sa kama.
"Hindi ako manyak no, pero kung ikaw din ang mamanyakin ko, why not?.
"Layo! Manyak!" Nakasimangot na nagwalk-out si kuya. Ang torpe kasi, wait. .hindi nga pala siya torpe, bigo nga pala. Ayaw sa kaniya ni Summer eh.
"Darling."
"O?"
"Pakiss naman."
"Wynter!"
Nag peace sign ako, ang cute cute niya talaga. Ang sarap niyang i-hug, maya-maya lumabas si Summer.
"Wynter." Tawag sakin ni Rain.
"O?"
"We need to talk." Napatigil ako sa ginagawa kong pag-aayos or tamang sabihin ay pangugulo sa mga damit ko. Hindi ko gusto ang tono ng boses ni Rain, alam ko na kung ano ang gusto niyang pag usapan. Eto na nga ba ang kinatatakutan ko.
"Pick up line ba yan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, we really need to talk."
I nervously laugh. "Mukhang pick-up line nga yan, darling."
"Wynter..." tawag niya ulit sa akin. Sumeryoso na ako, wala narin naman akong magagawa eh. Hindi ko naman maiiwasan lagi.
"Fine." Sagot ko sa kanya. Tumabi siya sakin, nakatungo lang ako.
"About the kiss.." umpisa ni Rain.
"Don't be sorry about that please, hindi ko kakayanin Rain. Kahit kalimutan mo na lang ang tungkol don, like nothing happened. Just don't feel sorry."
"I'm not. I don't even regret it. I. . .I like kissing you." napatingin ako sa kaniya, tama ba yung narinig ko? He likes kissing me?!
"And?"
"And inaamin ko na I like you." OMG!! Lets party na people!
"But.." Nalaglag lahat ng pangarap ko, bakit may but! wala ng bawian!
"Wynter listen..."
"I'm listening."
"I like you, since I don't know when. Pero I want to take this slowly, I'm sure of my feelings. But I don't know if you are."
"Are you kidding me? Mahal na kita since bata pa ako. Now you're telling me na baka hindi ako sigurado sa feelings ko?"
"Yun na nga ang problema eh, nakaset na sa mind mo na gusto mo ako since bata pa tayo. Have you ever live a time in your life without me? Wala diba? Because you're always there. Pero ako sinubukan ko na mag-explore, makipag-date sa iba, just to be sure of my feelings. But you're always there to ruin everything, pero hindi ako nagagalit for that. I just want you to be sure, because I don’t want to hurt you, and I don’t want to be hurt."
"But you already did! You're hurting me now. Hindi naman ako tanga Rain eh. Kahit na bata pa lang ako naka-set na sa isip ko na ikaw ang gusto ko, pero hindi naman ‘yon nakasanayan ko lang, sigurado ako Rain..."
"How?. Paano ka nakakasiguro na mahal mo nga ako?"
"If you're asking me that, maybe you don’t know me, you don’t know my heart, you don’t know what I'm thinking."
Lumabas ako ng kwarto at tumakbo paalis, naramdaman ko na hinawakan ako ni Kuya Ice at hinila sa terrace. Napaiyak ako ng niyakap niya ko.
"Sshhhh, may point naman si Rain, Wynter."
"Nakikinig ka sa may usapan ng may usapan?"
"Stop crying at saka hindi ko naman sinasadya na marinig. I'm sorry for listening. Pero may gusto akong sabihin sayo."
"What?"
"I'm not an expert on love, pero alam ko ang ibig sabihin ni Rain. Gusto niya lang na masiguro ang feelings mo para sa kaniya. Because you've been telling you love him mula ng bata pa tayo, and you never tried to love anyone."
"Because I cant!"
"Intindihin mo na lang si Rain. Kahit sinong tao takot masaktan. Sometimes, Wynter, not just girls are afraid to fall in love."
Napatingin ako kay kuya, tama naman s’ya eh. Pero alam ko ang feelings ko, at sigurado ako. Pero dahil mabait ako na bata at masunurin, eh di susundin ko din sila. Gusto niyo na makita na iba ang subukan kong magustuhan? Fine. . .then I'll do it.