Chapter 10

1230 Words
CHAPTER 10   Isang buong linggo na ang lumipas. Isang linggo narin kaming hindi nag-uusap ni Rain. Pero hindi ako nagagalit or nag tatampo, I think tama lang na magkaroon muna kami ng space. Lalo na ngayon na overwhelming ang mga nangyari. Which is weird, dahil dream come true na to. At last may kiss na ako from Rain, pero nakakailang pala. Ako si Wynter Roqas, ang babaeng hindi marunong mahiya ay hindi mapakali ngayon sa sobrang pagkailang. At may isa pang tanong, a question that I know Rain dont know how to answer. Ano na kami ngayon?, San na ba ako lulugar? O, ganon parin? Katulad parin ng dati, walang pagbabago. Parang ayokong malaman ang sagot ni Rain, ayokong malaman na wala lang sa kaniya yung nangyari. At wala na dapat akong asahan, ayoko. Mas mabuti na rin siguro kung katulad parin ng dati, at least may hope pa rin ako non. At least nakakalapit pa rin ako kay Rain.   ‘So okay lang sayo kahit na walang pagbabago? Never moving forward? Just as you two are before?' Tanong ko sa sarili ko.   Mas mabuti na yon, It will break me into pieces kapag galing kay Rain mismo na wala lang ang nangyari at hindi kami aakyat pa sa isa pang baitang. I can't. Hindi ko kayang marinig.   Napadilat ako ng parang bigla akong kinabahan, sinubukan kong mag-relax dahil kailangan ko ng tulog. Hating gabi na at kailangan pa naming mag training bukas. Wala ng mga gamit sa loob ng BHO, Isang bag na lang ng mga gamit namin ang nasa mga kwarto namin. Yung iba nasa sasakyan na gagamitin ng team namin, mga kama na lang ang natitira dito sa loob. Other than that wala na. Napabangon akong bigla ng may naramdaman akong vibration ng umuga ng kaunti ang kama. Halos hindi pansin ang vibration pero dahil gising na gising ako ramdam na ramdam ko yon. Something is wrong, nagmamadaling bumangon ako. Hindi ko na kinuha yung robe para ipatong sa manipis kong nighties, kinuha ko yung knapsack at sinukbit ko yon sa likod ko. Lumabas ako ng kwarto ko at pinindot ko ang kulay pulang button na nasa likod ng isang frame don. Mag a-alarm sa kwarto ng bawat room na nasa floor nato, pero hindi maririnig sa hallway dahil sound proof ang bawat kwarto. Kailangan ko pang pumunta sa iba pang floor.   "Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni kuya Ice. Nilingon ko si Kuya Wynd at Kuya Ice na mukhang kalalabas lang sa kaniya-kaniyang kwarto.   "Anong nangyari? Hatinggabi na at saka mo pa naisipang paglaruan ang alarm." Pupungas pungas na sabi ni kuya Wynd.   "Merong pumapasok sa BHO, alam kong may pinasabog sila sa labas. Naramdaman ko yon kanina." Paliwanag ko sa kanila. Nanlaki yung mga mata nila Kuya, mukhang nawala ang antok nila. Dali-dali silang pumasok sa loob ng kaniya-kaniya nilang kwarto at kinuha ang mga bag nila.   Nilapitan ako ni kuya Wynd at niyakap at hinalikan ako sa noo. Baka kasi ito na ang huli naming pagkikita, I'm sure matatagalan bago kami magkita ulit. Tumakbo na paalis si Kuya wynd, pupunta siguro siya sa floor nila Autumn. Hindi pa nakabukas ang alarm don. s**t! si Rain!   "Kuya si Rain!" natatarantang sabi ko kay kuya Ice.   "Dadaanan natin siya, kailangan muna nating sunduin si Summer." Sabi ni kuya Ice. Nagsimula ng mag labasan ang mga agents sa room nila. "Hello?" sinagot ko ang cellphone ko. "Baby? gising na ba ang mga kuya mo?" "Yes, Momma nasan na kayo?" "Ayos lang kami nakasakay na kaming lahat sa sasakyan. Sa underground na kami pupunta, nakasunod samin ang team ng experiment department."   "Ma mi-miss kita momma."   "Ma mi-miss ka din namin baby, ang kuya Ice mo? Natawagan ko na si Wynd." inabot ko kay kuya yung phone.   Hinayaan ko muna silang mag usap ni Momma, pagkaraan ay ipinasok niya na yon sa knapsack ko.   "Wynter!"   Lumapit samin si Summer, tumakbo na kami pababa. Kailangan naming masundo si Rain. Nagkatinginan kaming tatlo ng may marinig kaming mga putok ng baril,  sabay-sabay pa kaming tatlo na bumunot ng sarili naming baril at tumakbo. Nakasalubong pa namin si Warren at Sophie, nakasakay sa likod ni Warren si Sophie. "Sophia gumising ka na! Mababaril tayo ng wala sa oras dito!" pangigising ni Warren "Wag kang maingay inaantok pa ko." Antok na antok na sagot ni Sophie. Napailing na lang ako, kakaiba talaga tong mga to. Nakita kong sumaludo pa samin si Autumn na hila-hila ni kuya Wynd nang dumaan sila samin, kasunod nila sina Ate hurricane at Kuya reese. Nasaan si Rain?. "Nasaan si Rain ate Hurricane?" tanong ko kay ate.   "Kinuha lang ang gamit niya, pinauna niya na kami dahil binalikan niya pa yung laptop niya."   "Ingat kayo." Sabi ko kay ate Hurricane.   "Kayo din." Niyakap niya ako at tumakbo na sila paalis, nadadaanan namin ang mga nakalugmok sa sahig na mga lalaki. Sumugod ba naman sila sa lugar ng puno ng mga agents, kaya yan talaga ang magiging ending nila.   "Ako na ang bahala kuya pumunta na kayo sa sasakyan." Utos ko kay kuya , tumango si Kuya Ice. Tumakbo naman ako sa kwarto ni Rain. s**t! May lalaking nakatutok ang baril kay Rain, kalmado lang na nakatayo si Rain don. I think he's calculating, napatingin sakin si Rain, then he mouthed something like 'stay there'. Pero makulit nga ako diba?. "Hoy, pangit!" sigaw ko don sa lalaki. Nakita kong napasapo sa ulo niya si Rain, napalingon naman sakin ang lalaki. And of course dahil sa gulat ay nagpaputok siya na kaagad ko namang naiwasan. Tumungo ako at hinagip ng kamay ko yung pinaka malapit na silya, pinangharang ko yon sa mga sunod sunod na putok ng baril na ginawa niya. Nang makalapit ako ay binato ko kung saan yung silya, at sinipa ng malakas ang lalake. Napasadlak siya kay Rain, hinawakan ni Rain yung leeg nung lalake then he twist it. Woah!   "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Halika na." Pagyaya sakin ni Rain. "Did you just kill that man?" manghang tanong ko sa kanya. "Yes." Hinila na niya ako at sabay na kaming tumakbo palabas, though hindi ganoong kabilis. Like I said before kahit na naoperahan na si Rain, iniligtas lang siya non para hindi na siya atakihin. Pero hindi pa rin niya kaya ang mga sobrang nakakapagod na gawain.   "What?" tanong sakin ni Rain   "Huh?" nagtatakang tanong ko rin sa kanya.   "Stop looking at me."   "Ang taray naman nito para tinitignan lang, hmph!"   Nanahimik na ako, dumaan kami sa madilim na bahagi ng BHO. Kami na lang ata ang natitirang tao, katatapak pa lang namin sa parking bigla na lang may humintong sasakyan sa harap namin. Ang kotse na gagamitin namin nila Kuya, binuksan agad ni Rain yung pinto ng backseat at pinapasok ako. Pinaandar na ni Kuya yung sasakyan, I look back at the BHO. I wonder if they will burn it to the ground. Sana naman hindi, diyan na kami lumaki, diyan din nabuo ang love story ng mga magulang namin.   "Makakabalik tayo diyan, mas matatag pa tayo kapag bumalik na tayo sa BHO. Mas titibay ang system natin." Paninigurado ni Rain.   "Can you read my mind?"   "No,pero alam kong pahero lang ang iniisip natin. lahat naman ata tayo, but you should always remember this Wynter. Kahit mawala pa ang headquarters natin, maitatayo uit natin yan. And I dont think mawawala ang BHO kahit sunugin pa nila yan."   "Why?"   "That is just an empty building, a shell. We are the BHO, hindi ang headquarters."   Tama si Rain hanggat buhay pa kami, buhay din ang BHO. Kami ang BHO, and as long na nanatili kaming nakatayo. No one can bring us down without a fight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD