Chapter 9

1134 Words
CHAPTER 9   Nasaan na ba ang darling Rain ko? Simula kasi ng bigyan niya ako ng towel kanina at bigla siyang nagwalk-out ay hindi ko na siya nakita. Saan na naman kaya nagtatago yon? Gabi na eh! 7 pm na at gutom na ko!   Syempre alangan namang kumain akong mag isa, at saka hindi ko din matitiis ang darling ko. Kaya kailangan ko siyang hanapin, Nakasalubong ko pa kanina si Eliza na nakatodo new york get up. Kahit hindi niya alam kung bakit, bigla ko na lang siyang hinila at binigyan ng pick up line, alam kong hinahanap niya si Raze. At dahil wala akong time na panoorin ang love life nila, kaya binigyan ko na lang siya ng pick-up line. Nasaan na ba kasi ang darling ko? May papanoorin pa akong happy ending na love life eh! Nanghila na naman ako ng agent, si Amhie na kasalukuyang hinahabol si Zane.   "Nakita mo si Rain?" tanong ko kay Amhie   "Oo, papunta na sa room niya." Sagot ni Amhie   Pagkasabi niya non nagmamadaling tumakbo na siya paalis, ako naman naglakad na papunta sa dining hall. Kukuha na lang ako ng pag kain namin ni Rain, tapos sabay kaming kakain. Susubuan ko siya, susubuan niya ko, tapos pupunasan niya yung labi ko, tapos iki-kiss niya ko. Stop! Ang layo na ng narating mo! kumuha ka muna ng pagkain. Tama! I'm sure gutom narin ang darling ko. Tumakbo na ako papunta sa dining hall, para akong ipo-ipo na kumuha ng pagkain. Tapos drinks, tapos tumakbo na ako palabas. Dali-daling pumunta ako sa room ni Rain, at dahil may code ang pinto, na hindi sinasabi sakin ni Rain para hindi ako makapasok. Love kaya ako ni ate Hurricane, ni Tita Mishy at ni Tito Dale, kaya alam ko ang code. Nagpipindot-pindot na ako dun sa mallit na device sa gilid. "Hoy! anong ginagawa mo dyan? Re-r**e-in mo si Rain no?" Nilingon ko yung nagsalita, si kuya Warren. Palabas siya ng pinto at kasunod niya si Sophie. .Tumaas yung kilay ko? "Inosente ako kuya kakain lang kami, pero may dalawang tao dito na mukang nagrapan."   Nakita kong namula si Sophie, pati si kuya Warren. "Kuya Warren may lipstick ka pa, saka Sophie mali yung butones mo oh! Bye! Bye!" pang-aasar ko sa kanila Pumasok na ako sa pinto ni Rain, narinig ko pa si kuya Warren na sumigaw ng 'its not what you think' Bwahaha! Bahala kayo diyan, dito na lang ako sa darling ko. "Darling! Yohoooo! Kain na tayo!" Akalo ko hahanapin ko pa siya eh,  pero hindi na kailangan. Nakaupo lang siya sa sofa at may ginagawa sa laptop na hawak niya. "Darling!" "What?"   "May dala akong food." Nilapag ko sa harap niya ang pagkain.   "Bakit ang dami?"   "Alangan namang ikaw lang ang kumain, syempre ako din." Kinuha ko na ang part ko at nag simulang kumain, nakitingin naman ako sa laptop niya na puro codes ang nakikita ko. System ng BHO, may mga pulang part means yun yung may nakapasok dati. Nasira na yung ibang wall sa system. Yeah, may alam din ako sa experiment department, ano pang anak ako ng experiment department elite agent. At saka elite agent na rin ako ngayon, and kapag elite ka dapat marunong ka sa dalawang department. "Kamusta na?" tanong ko kay Rain. "The same as before, alam mo naman na imposible na may makapasok sa system natin. Ang kaso, may alam din si Ciara dito kaya na break niya na yung ibang wall sa system. Mga part na may weak link na hindi natin alam dati.   “Kung may naitulong man ang ginawa ni Ciara, eh yun ay makakagawa na tayo soon ng mas matibay na system." Paliwanag ni Rain, tumango-tango ako.   "Ang hirap siguro para sayo nito no? I mean, sayo na pinamana nila Momma ang lab at ang lahat lahat sa system ng BHO, since wala naman kaming interes nila kuya diyan"   "Hindi naman."   "Bakit hindi?"   "Iniisip ko na lang na may mas worst at mahirap pa akong naranasan kesa dito."   "Like?"   "Katulad ng ipabalita nila Mommy na patay na ko."   Natahimik ako, naaalala ko pa yon. Pinalabas siyang patay, 10 na ata si Rain bago pa sinabi sa lahat na buhay siya talaga. Hindi kasi pwedeng basta basta na lang ipabalita nila Tita na buhay na siya kaagad. Mga panahon iyon kung saan may nanggulo sa buhay nila Tita Mishy. "Naalala ko pa yon." "Well, everything's okay now."   Nginitian ko siya, tahimik na nagpatuloy kami sa pagkain. Maya-maya tumayo si Rain at pumunta sa refrigerator niya, napansin ko na umilaw yung phone niya. At kahit hindi dapat ako nakialam. . .curious ako eh. Smart lang pala. . .nagulat ako, wait! What's this?, inbox ni Rain na puro ako lang naman ang laman, pero may isa. . .Sherry!   FR: Sherry ’Hi there, hotty. Ako yung kumuha ng number mo sa party ng company ng parents mo last month. I was wondering, kung gusto mong lumabas kasama ako. It would be fun and romantic, or if you want. . . it can be wild too!. see yah! 'Advenz' bar is a great bar, we can go there :)’   Pasalampak na nilapag ko ang phone. Nang bumalik si Rain padabog na kumain lang ako. Ano kayang ni reply ni Rain?.   "Anong problema mo?" nagtatakang tanong ni Rain "Wala!" sigaw ko sa kanya.  Kumunot ang noo niya, tapos napatingin sa phone niya na nakapatong sa lamesa.   "Tinignan mo yung phone ko? Invasion of privacy yan."   "Eh di ako na ang mali! Mag sama kayo ng Sherry mo!" Tatayo na sana ako kaso pinigilan niya ako, naka-simangot na tinignan ko siya. "Hindi mo dapat pinakialaman ang phone ko."-   "Oo na nga! Mali na nga ako. Snasabi ko lang sayo Rain, hindi magiging maganda ang date niyo!" "Sisirain mo na naman?" "Oo! Nakakainis ka!" Pinigilan niya ulit ako ng tatayo na ako,  nakasimangot na umupo na lang ako. Hindi ko napigilan pero parang naiiyak na ako. "Para kang sira, Wynter, don’t cry." "I hate you!" "Really?" "Slight lang..." tinawanan nya ako. "I'm not going out with her, sinabi ko ng hindi ako makakasama." Napatingin ako kay Rain, hindi siya talaga sasama? "Talaga?" "Oo." "Talagang talaga?" "Oo nga." napangiti ako. Sumiksik ako sa kaniya, wait! May naalala ako. "Oy Rain!" "Hmmm?" "Yung pustahan natin." Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo siya sakin. Ngumisi ako at ginalaw-galaw yung kamay ko, na parang gagamba. "Naisip ko lang, ang sabi ko ikaw ang ki-kiss sakin, hindi ako ang ki-kiss sayo. Kaya may utang ka pa." "W-wala akong utang." "Meron! Dali kiss mo na ko! Bawal ang flying kiss." Nakita kong tatakbo na siya paalis kaya tumakbo ako sa tapat niya. Tatalikod na sana siya para itago siguro yung namumula niyang mukha. Ang cute. Guilty kasi yan na nangdaya siya. "Rain." "O-" Nanlaki yung mga mata niya. I kissed him, yes 'ME'. I kissed him on the lips. Nang maghiwalay ang mga labi namin namumulang nakatingin lang sakin si Rain. "A-ano..." nabubulol na sabi nya. "What?" "Ano kasi..." "Hmmm?" "Madaya ka. Sabi mo ako ang hahalik, hind counted yon." Ako naman ang nagulat, when he planted a kiss on my lips. a very passionate kiss. Woooo! Panalo! Nakadalawa na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD