Chapter 8

1160 Words
CHAPTER 8  WYNTER'S POV   "Nakialam ka na naman."   Nilingon ko si Rain, namigay na naman kasi ako ng pick-up lines. At ang client ko kanina ay si Zachary Philip Saavedra na sinusuyo ang pasaway na si Zhel Ramos.   Pareho kaming nakasando, sa kaniya black sakin blue. May training kasi kaming lahat ng mga agents sa malaking field sa likod ng BHO. Syempre imo-monitor lang kami ni Rain.   "Aba! Darling, hindi mo ba alam na nakatulong pa ako non? Tignan mo sila ngayon, nagla-loving loving na yang mga yan mamaya I'm sure." Pangungumbinsi ko kay Rain.   Pumasok kami sa loob ng dining hall, kumuha kami ng pagkain at umupo sa isang bakanteng place. Hindi ko na pinansin si Rain dahil focus ako sa kakakain ko. Gutom na gutom na ko eh. Hindi pa ata ako nagtatagal sa kinauupuan ko ng may narinig akong ingay, sabay kaming napatingin ni Rain sa table nila Raze. Na ngayon ay hawak-hawak ang pisngi niya, mukhang sinuntok ng madilim ang anyo na si Zach si Raze. Mukhang galit na galit naman si Zhel, ang kaso di na siya naka react dahil hinila na siya ni Zach palayo.   "Nakatulong daw, mukang pinalala mo pa eh." Sabi ni Rain sa akin   " Malay mo magbati pustahan pa tayo."   "Anong pusta?"   "Kapag nagbati sila at nagkatuluyan, ikikiss mo ko. Kapag hindi sila nagbati ikikiss kita."   Nakakunot noong tinignan ako ni Rain, napangisi lang ako. Parang wala akong talo eh.   "Ayoko ng ganiyang pusta." Tanggi ni Rain   "Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya.   "Kapag nanalo ako at hindi sila nagbati, hindi ka mag-iingay buong isang araw." sagot ni Rain. Parang ang hirap naman non.   "Fine! kapag ako nanalo ikikiss mo ko!" pagpayag ko sa kanya.   "Deal." Tinaas ko ang kanan kong kamay na parang lilipad ako.   "Para sa halik ng darling Rain ko! Kailangan niyong magbati!" sigaw ko.  Tumayo ako tapos kumembot-kembot habang wine-wave ko sa hangin yung kamay ko. Ang tawag dito, Lucky Dance. Pauso ko lang.   "Ano yan?" kunot noong tanong ni Rain.   "Lucky Dance." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Umupo ka na nga dito at kumain."  Nakangiting tumango ako. Nagsimula na akong sunod-sunod na sumubo ng egg with tocino with rice and orange juice na alumusal ko. "O! akala ko ba pupunta ka sa garden?" Nilingon ko yung nagsalita, si Kricy. Kasama niya yung kapatid niyang si Cristel Joy. "Nag ki-kissing scene don si ate eh." Sagot ni Cristel "Weh? Sinong ka kissing scene?" manghang tanong ni Kricy. "Sino pa? Eh di si kuya Zach." Tugon ni Cristel. Napasigaw ako ng malakas, napatingin sakin yung ibang mga kumakain na agents don pero hindi ko sila pinansin. Nanalo ako, nilingon ko si Rain na parang nagba-blush.  "Oy, darling ang halik ko?." Tanong ko sa kanya  "Mamaya ang aga-aga pa oh!."  "Kinalaman non?" "Basta mamaya na."   Naka-pout na tumango ako,  nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos kami ay sabay kaming tumayo, naglakad kami papunta sa field sa likod sa BHO. Nakita ko sila ate Hurricane na papunta na rin doon. Naabutan namin si Tita Mishy at Tito Ethan na gina-guide yung ibang agents, warm-up daw muna. Nagflying-kiss ako kay Rain at nakipila sa mga magja-jog. Katabi ko si ate Hurricane at nasa likod naman namin sina kuya Reese at kuya Wynd. Nagsimula na kaming mag-jog, iikot kami ng ilang laps. Everytime na napapatapat ako kay Rain ay kinikindatan ko siya, o kaya naman nagfa-flying kiss ako. Napapailing lang siya sa mga pinagga-gagawa ko. Nakita ko si Momma at Papa na nakaupo din sa isang tabi, mukhang minomonitor nila lahat samin. Pumito si Tito Ethan at pinahinto kami. "Ngayong araw na ito ay aalamin natin kung gaano kayo kabilis. Syempre may kapartner kayo, this is a race. First, Hurricane and Reese." Pagpapaliwanag ni Tito Ethan. Nakita kong inirapan pa ni ate Hurricane si kuya Reese ng pumuwesto na sila. Nang magbigay ng signal nagsimula ng tumakbo sila kuya Reese. Hindi na ako nagtataka kay ate Hurricane, mabilis din siya talagang tumakbo. Parang ang lakas-lakas ng mga paa niya at yun ang ginagamit niya para mas bumilis ang takbo niya, nahuhuli si kuya Reese. "Mukhang matatalo ni Hurricane si Reese ah." Sabi ni Tito Dale   "Hmmm, imposible nakita mo na bang tumakbo si Reese? Ako nakita ko na." Sagot ni Tita Mishy. Napalingon ako bigla sa field ng marinig ko ang pagchi-cheer ng mga nanonood. Woah! Nahabol ni kuya Reese si ate Hurricane, ang bilis! Saan galing ang lakas na iyon?. Sa laki ng built ni kuya Reese, parang imposible na makatakbo siya ng ganoong kabilis. Kita sa mukha ni ate Hurricane na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ni kuya Reese, patay na naman si kuya Reese mamaya kay ate Hurricane. "Reese win next!" Announced ni Tito Ethan.   Nagtawag na si Tito Ethan ng susunod, nakaupo lang ako sa damuhan at pinapanood sila. Ang init naman ng panahon ngayon, hindi kaya mangitim ako? Ayaw mo non? Pangarap mo nga iyon eh. Tama! Kahit konting tanned lang, kung bakit naman kasi naging ganito ako kaputi. Sabi ni Papa puro puti daw ang pinaglihian ni Momma noon, kaya tignan niyo kami nila kuya. Para kaming papel. Kaso kahit anong bilad sa araw ang gawin ko, hindi parin ako nangingitim. Tumingin ako sa araw, mainit nga.   "Wynter and Ice your next." Utos samin ni Tito Ethan. Hinubad ko yung gray pants ko, naka-maikling shorts na lang ako, at least comfortable.   "Oy! ano yan?" Nilingon ko si Rain na nakakunot noo. "Pants?" "Alam kong pants yan, bakit mo inalis?" "Ang init eh." Binaba ko sa isang tabi yung pants at tumabi na ako sa pwesto ni kuya Ice. Hindi din siya komportable sa araw, napatawa ako ng hinubad niya ang sando niya. Naririnig ko sina ate Hurricane na sumisipol, nagsignal na ulit si Tito Ethan. I sprinted forward,  I love running. Alam kong hindi ako mapapagod kaagad, bahagya kong nilingon si kuya Ice na malapit sakin.   "Mananalo ako sa round nato kuya." Paninigurado ko kay kuya Ice. Hindi parin ako nakakamove-on sa pagkatalo ko kahapon. "Susumbong kita kay Momma." Pananakot sakin ni kuya Ice, tinawanan ko lang siya. " Walang effect sakin  yan kuya."  Binilisan ko pa ang takbo ko. I dodge bullet, malamang mabilis akong tumakbo. Napangisi ako ng makita kong malapit na ako sa finish line,  at para lalong asarin si kuya. Nag-tumbling pa ako ng nasa malapit na ako, then nakataas ang kamay na humarap ako kina Momma. "Nice baby!" pagchi-cheer ni Momma "That’s my girl." Puri naman sakin ni Papa. Binelatan ko si kuya, tapos nag teach me how to dougie ako. Napailing na lang si kuya, ako naman lumapit na kay Rain na naka-pamewang lang at inabot sakin ang pants ko. Nakangiting sinuot ko yon, tapos nakangusong hinarap ko siya. "Anong meron?" nagtatakang tanong ni Rain. Hindi ako ang nagsalita nakapout lang, naramdaman ko na dinutdot ni Rain ang nguso ko. "Umayos ka nga at mamaya mahipan ka ng hangin."   "Nasan yung kiss ko?"   "Anong kiss?"   "Diba nanalo ako sa bet?"   "Bayad na ako."   Hindi naman eh! Ang darling Rain ko talaga may memory gap.   "Hindi ka pa bayad!"   "Bayad na ako, nagflying kiss ka kanina diba? O, nakahalik ka na." Paliwanag ni Rain.   Tumalikod na siya at umalis, naiwan akong nakanganga doon. Ang daya! Wala akong kiss? Unfair!  Wait a minute kapeng mainit, ang usapan ikikiss niya ako, hindi ako ang kikiss sa kaniya.   Humanda ka darling! Sisingilin kita!.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD