Chapter 7

1377 Words
CHAPTER 7   Nakangiti ako ng lumabas kami ng dining hall. Natatawa ako kay Terrence, lahat ng sinabi ko sinabi nga kay Ania. Naisipan ko kasi silang pagtripan dahil nauumay na ako sa problema nilang magkakaibigan.   "Buti naman nakangiti ka na." Bati sakin ni Rain. Tinignan ko siya, hindi kasi ako umiimik masyado kahapon. Syempre dahil nga don sa balita. Pero three things you should know about me, una hindi ako madaling sumuko, isang buhay na example na ron ay si Darling Rain ko, na hanggang ngayon ay hindi ko parin sinusukuan. Second, hindi ko sinasabi kaagad kahit kanino kapag nasasaktan ako, usually tumatawa lang ako or ngumingiti. Pero kapag sobra na, tumatahimik na lang ako. And last, kahit na anong lungkot ko, sa huli pinipili ko paring tumawa at ngumiti. I guess hindi part ng pagkatao ko ang maging malungkot lagi, its not me, I'm always cheerful.   "Alangan namang magpaka-sad na lang ako lagi. Wala na akong magagawa sa piniling daan ni Diana. I can’t change it and I can’t do anything to bring anything back."   "Good. Hindi bagay sayo ang nakasimangot." Nakangiting dinunggol ko siya sa braso.   "Ikaw ha, na-iinlove ka na talaga sakin."   "Ewan ko sayo." Naglalakad kami sa mataong hallway ng BHO. Maraming agents dahil papunta sila sa dining hall, para kumain. Nakita ko pa sina Hurricane at Reese na masama ang tingin sa isa’t-isa ng mag kasalubong sila.   "Rain."   "Hmmm?"   "Scientist ako."   "Weh? Kailan ka pa naging scientist, di ba field agent ka?" Ang slow talaga ng darling ko.   "Sabihin mo na lang bakit? Scientist ako." Tinignan ako ni Rain ng nakakunot-noo, tapos nagkibit-balikat.    "Bakit?"   "Scientist ako at ikaw naman ang. . . LAB ko."   Natawa ako ng nag-blush siya, narinig ko pa na nag 'ayieee' yung mga nakarinig samin. Kinurot niya ako sa pisngi.   "Aw!"   "Pasaway ka kasi." Nakasimangot na hinilot ko yung pisngi ko na siguradong namumula na. Nagulat ako ng may kamay na dumampi sa pisngi ko. Rain's hand. Nakita kong napatitig din siya sa mga mata ko. Then his gaze go down to my lips, He looks like he's under a spell. He looks mesmerize.Then he bend down. . .OMG! He'll gonna kiss me! shocks! ang darling ko iki-kiss ako!. "Hmmm. Hindi yan magbu-bruise don’t worry." Sayang! Chine-check lang pala niya yung pisngi ko. Akala ko pa naman. Nakasimangot ako habang nagla-lakad na kami papunta sa training room. Nandoon na lahat ng original agents maliban kay Tito Poseidon na nag pauso ng sayawan sa dining hall kanina. Binuksan namin ang pinto ng training room. Nauubutan ko doon si Momma at Papa na minomonitor ang mga kilos ng bawat agents. Nakikita nila lahat bawat detalye sa tablet pc na hawak nila, at pagkatapos ay sasabihin nila ang mali at kailangan na i-improve na moves. Pumasok ako at tumakbo kay Papa, Sumakay ako sa likod niya.   "Ang bigat mo na baby princess."   "Hindi ako mabigat Papa, tumatanda ka na kasi."   "Of course not! kayang kaya ka pa naming bigyan ng Momma mo ng kapatid."   "Yuck, Pa! Ayoko nga!"   Natatawang ibinaba na niya ako, lumapit naman ako sa locker ko at kumuha ng pang-training na damit. Tapos pumasok ako sa confort room at nagpalit, sinuot ko din ang black na gear. Kakailanganin namin iyon sa training.. Ngayon kasi hindi hologram ang kalaban namin, may kaniya-kaniya kaming team at kakalabanin namin ang isat isa. Kaya kailangan namin ang gear, kasi kakailanganin naming gumamit ng guns. Pero walang bullet of course, we will use a special bullet. Kapag tumama samin yon, didikit lang siya sa magnet na nakakabit sa gear namin. Nang matapos na ako ay naglakad na ako palabas. Nakita kong nandoon na ang team ko. Elite agents muna daw, Oo nga po pala, this is the list of elite agents:   Warren Davids   Rain Dale NIght   Hurricane Mishiella Night   Wynter Roqas   Wynd Roqas   Ice Roqas   Summer Davids   Autumn Greene   Sophia Carina Cole   Reese Dean Reynolds   Actually bago pa maging elite agents si Warren, nauna na sa kaniya si Reese. It’s because mas matanda saming lahat si Reese at siya ang unang naging field agent samin.   "Okay! so out si Rain dahil sa experiment department siya. I'm out too dahil imomonitor namin kayo ni Rain, and Sophie gear up or out ka na!" paliwanag ni Warren   "Opo!" sagot ni Sophia kay Warren   Nagflying kiss pa si Sophie sa nakasimangot na si Warren, bago lumapit sa locker at pumasok sa comfort room.   "First team, Agent Frost: Wynter, Agent Bullet: Reese. Second team, Agent Blaze: Hurricane, Agent Glaze: Ice. Third Team, Agent Cyclone: Wynd, Agent Flame: Summer And last team Agent Fall: Autumn and Agent Paris: Sophia! DALIAN MO NA! That's it. Mauuna ang first and second team." Warren instructed and divided us.   Nilingon ko si Sophia na tumatakbo na papunta samin. Gumitna na kami ni Kuya Reese pagkatapos naming kumuha ng listening device. Nakasunod samin si Ate Hurricane and si Kuya Ice. Tumaas na ang glass wall. Nang tumunog na ang signal nagkaniya-kaniya na kaming tago sa mga boulder. Magkatapat ang pinagtataguan namin ni Kuya Reese, sinenyasan niya ako na siya muna, tumango ako.   "Remember you have 3 chances and that's it." Warren reminded us.   Bumaril si kuya Reese pero of course nakapag tago na ang dalawa. Nag-cover ulit si kuya Reese, tapos tumayo siya ulit para bumaril. Pero this time, kasabay ng pagpaputok niya ang pagtakbo ko palapit sa pinagtataguan nila Kuya Ice. Sinubukan ko ang Momma Trick.   "Lagot ka kay Momma kapag nasaktan ako, Kuya!" pananakot ko kay kuya Ice.   Narinig kong natatawa ang mga nasa labas pati si Kuya Warren.   "Hindi naman masakit ‘to, no! At ikaw din kapag tinamaan mo ako magagalit si Momma." Pang-aasar ni kuya Ice. Hmmpp! Next ‘The Little Sister Trick’.   "Sasaktan mo ang nag-iisa mong kapatid na babae? OMG kuya, how dare you!" sigaw ko kay kuya Ice.   "Don't worry this wont hurt." Sagot ni kuya Ice.   Pinaputukan niya ako, fine! Wynter's trick. Nakita kong nanlaki yung mga mata niya ng ginamit ko yung trick ko. Most of the time kasi sa mission ko ginagamit, o kaya kapag dito sa training area at si Kael lang ang nakakakita or si Papa at Momma. Minsan kasi kinakatamadan kong gamitin. Lumabas na si ate Hurricane. Nagpaputok din siya sa direksyon ko. Woah. Hindi ko pa nata-try na dalawang sabay ah. Ginanahan ako kaya nag patuloy ako sa ginagawa ko, and as usual every time I dodge a bullet, I gained another step closer. I twirl, curl, bend and sway para maiwasan lahat ng special bullet. It’s like I'm dancing, nararamdaman ko ang mga tingin sakin ng mga agents sa labas pero hindi ko na lang pinansin. Like I said before, bullet and guns seems like my second nature. Nakita kong umatras ng konti si ate Hurricane, alam kong nakakalkula niya na ang galaw ko. And maybe she won’t missed this time, ate Hurricane is a sharpshooter too. Nakita kong kinalabit niya na yung gatilyo, but it sway, my lucky day again. Nakita kong bumagsak sila ni kuya Reese na kanina ay tinalunan siya, kaya nag-sway ang bala. Oh Yeh! Teach Me How To Dougie, Teach Me How To Dougie!   Tumalon ako at gumulong ng nagpaputok ulit si kuya Ice, I gained another step closer. Nang tumayo ako ay sinipa ko ang baril, arm to arm combat. I dodged kuya's attack, but this is one of kuya's trick. Kasunod ng bawat suntok, nakasunod na agad ang isang sipa. It’s like I'm dodging it, then one punch or kick will come to me again. Paulit-ulit kahit anong galing ko, syempre talo ako ni Kuya. He pinned me down, then he click something on my suit.   "Wynter’s dead." Sigaw ni kuya Ice.   Talo! Tinayo ako ni kuya, nag-pout ako pero natatawang ginulo lang niya ang buhok ko.   "Dont worry sis, kung hindi ako ang kalaban mo malamang nanalo ka. Kaya walang panama ang kalaban sayo." Panghihikayat ni kuya Ice.   "Yabang!" sabi ko sa kanya "Ikaw din." Sagot ni kuya Ice "I know nasa lahi yan."   He grinned at me. Naupo ako sa isang boulder don at pinanood ko sina ate Hurricane at kuya Reese na nag-susuntukan. Imbis na lumabas umupo lang ako don.   "Hindi mo tutulungan si ate Hurricane?" tanong ko kay kuya Ice.   "Sus, hayaan mo na yang dalawang yan sa paglalambingan nila, ayokong makigulo."   Sabay kaming natawa ng nakita naming naka-ibabaw na si ate Hurricane kay kuya Reese, at sinasabunutan ang sumisigaw ng 'r**e' na si kuya Reese. Suddenly, napalingon ako sa labas ng glass wall, para kasing may nakatingin sakin. Si Rain! my darling Rain, he mouthed 'great work', then he winked at me. Winked, OMG! Lumelevel-up na naman ang darling ko!.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD