Chapter 2

1163 Words
Andy's POV "Hay nako! Andy! Napaka clumsy mo! Ayan nakabangga ka nanaman." Sabi ko sa isip ko habang naglalakad papunta sa office ni Sir Al. Ang gaan ng loob ko sa babaeng yun. Parang may something sa kanya pero hindi pwede nasa lugar ako ng trabaho ngayon tama na muna siguro ang pagiisip. Nang makarating ako sa table ko, inayos ko lahat ng files na gagamitin para sa meeting mamaya dahil bigating client ang makakameeting namin ngayon at balak pa atang maginvest sa company namin kaya kailangan pag-aralan mabuti ang details ng bawat pahina ng files na pinababasa sakin ng Boss ko. Hay. Ang hirap maging kanang kamay ng isang mahaderong shunga. HAHA sorry ha? Harsh talaga kasi ako sa mga taong katulad nila. Habang abala ako sa pagaayos ko ng gamit, lumapit sakin si Kate (ang pinaka close friend ko sa lahat). "Friend! Kamusta buhay? May meeting nanaman ano?" Sabi ni Kate. Isa din 'to minsan e. Mapang asar. "Oo nga friend, hays sakit sa ulo si Sir daming pinapagawa imbes na siya ang gumagawa ng trabaho niya, sakin niya binibigay kainis." Sabi ko habang nagaayos ng mga gamit ko sa table ko. Medyo magulo ang mga gamit ko dito sa office. "Alam mo magjowa ka na kasi." Pang aasar ni Kate sa'kin dahil magpahanggang ngayon ay wala pa din akong nagiging jowa after ng ex kong si Jela. "HAHAHA. Alam mo Kate? Anong relate niyan sa pagkabadtrip ko sa trabaho ha?" Iritang sagot ko dahil para sa'kin 'NO TIME FOR LOVE' muna ang tema ko sa buhay. "Kasi naman napapansin ko na napaka workaholic mo na e, so I think naman it's your time na para magka boyfriend. Diba?" Oo nga pala! Hindi niya alam na isa akong 'femme lesbian'. "Hay nako! Wala akong balak sa mga ganyan! Alis ka nga muna at nakakaburyo, ang dami kong gagawin." Inis na sagot ko. "Hays nako naman tong si Beshy, sige na nga." Sabay nagpaalam na kami sa isa't isa. **** Papunta na ako sa conference room ng mapansin ko ang pamilyar na babae. Ay! Siya yung nabangga ko kanina! OMG! Siya kaya yung client namin ngayon? Hala! Wag naman sana. Nagsiupuan na ang mga officials, directors at ang mga investors. ---- Sofie's POV Maguumpisa na ang meeting at isa isa nang tinawag ang mga future investors. Akmang ako naman ang tatawagin. "Let's welcome our new investors. But by the way, the first future investor was not here but he have his representative. The daughter of Mr. David Villanueva, Ms. Sofia Villanueva." Sabay tumayo ako at bumati sa kanila at nagpalakpakan naman sila. Ngunit napansin ko yung babaeng nakabangga sakin kanina. Mukhang nanlaki ang mata ng tawagin ako. Kilala niya kaya ako? Hays nako. Hayaan na nga lang natin. --- Andy's POV Maguumpisa na ang meeting at nakita kong nakaupo sa bandang gitna yung babaeng nabungo ko kanina. Simple lang siya manamit kaya hindi na ako nagtaka baka isa lang siya sa mga secretary dito o bagong hire. Isa isa ng ipapakilala ang mga new investors namin. "Let's welcome our new investors. But by the way, the first future investor was not here but he have his representative. The daughter of Mr. David Villanueva, Ms. Sofia Villanueva." TOTOO ba yung narinig ko? Siya yung anak ng investor? Yung isa sa mga investor namin na malaki ang ininvest dito sa company? OMG! Ano ang nagawa ko. Nanlaki ang mata ko at napatitig ako sa kanya, tapos bigla siyang tumingin sa direction ko. Nagkaroon kami ng eye to eye contact pero hindi din nagtagal yun dahil umiwas agad ako ng tingin sa kanya. Naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Nakakainis.  Pagkatapos ng pagpapakilala nila sa mga investors ng company, isa isa ng diniscuss sa meeting ang mga plans for next year. Yearly kasi ang executive meetings na ito. Pangkalahatang departments ang nandito ngayon sa conference room since pag nagpaplano ang company, for long term na talaga siya.  Napatingin ako sa direksyon ni Ms. Sofie, ibang iba talaga siya, mahahalata mo sa kanya na isa siyang mayaman pero simple lamang siya manamit. Bukod pa doon ay kung paano siya magsalita. Bigla naman sumagi sa isip ko ang kababata ko noon, si Sofia, nasaan na kaya siya ngayon? Halos magkahawig kasi sila ng itsura, itim at kulot ang buhok niya, may malalaking mata, pouty lips, makapal na kilay, katatamtaman lamang ito na bumagay sa hubog ng kanyang mukha, at ang balat niya, napakakinis. Teka? Bakit ba ako napapatingin sa kanya? Am I checking her out?  Bumalik naman ako sa ulirat ng mapatingin siya sa direksyon ko. Halos mahulog ang ball pen na hawak ko kanina.  Natapik naman ako ni Kate. "Are you okay Andy?" Sabi nito sa'kin.  "A-ahh, Oo naman. Wag mo ako alalahanin." sabi ko sabay balik sa meeting.  Ibang iba siya makatitig. Alam mo yung pakiramdam na may nakatingin sa'yo kahit hindi mo siya tignan? Bukod pa riyan ay the way pa siya tumingin sa'kin. Nakakamagnet ang titig niya.  --- Sofia's POV While on the meeting, I was wondering kasi I feel na may nakatitig sa'kin. Nasa bandang unahan kasi ako ng round table since isa ako sa mga executives ng Meeting na ito. My Dad was one of the major shareholder and investor sa company since isa din siya sa may-ari nito. Well, he said that I need to learn this business since sa'kin niya nga daw ito ipapamana pa siya ay mahina na.  Pagtingin ko sa likod ay nahuli kong nakatingin si Andy sa'kin. Yes, I remember her. Ewan ko? Siguro dahil iba lang yung pakiramdam ko sa kanya nung nagkabanggaan kami kanina. I feel uneasy when I saw her eyes. But at the same time, magaan yung pakiramdam ko sa kanya. Parang matagal na kaming magkakilala.  After that eye to eye contact ay bumalik na din ako sa ulirat. I should focus on this business not to her. After ng meeting, isa ako sa mga naiwan sa conference room.  Napatingin ako sa direksyon niya, "Hi." pagbati ko sa kanya sabay ngiti.  Napatingin naman siya pero hindi siya nagsalita. Nakatayo na siya at nagaayos na ng mga gamit nito. Nang papalakas na siya sa pinto ay agad akong humarang sa daraanan niya.  "Bakit hindi ka man lang magsalita? Parang ang rude mo naman para sa isang boss na kagaya ko na hindi mo din babatiin."  Malaki ang mga matang nakatitig siya sa'kin. Alam kong kinakabahan siya.  "S-sorry po Ms. Sofia." Sabi nito saka napababa ng tingin.  "Naiilang ka ba sa'kin?" Sabi ko.  "A-ahh hindi naman po. Nahihiya kasi ako, about doon sa pagbangga ko sa'yo." Sabi nito. "Don't be. Di naman ako galit at di naman ako mukhang mangangain diba?" Napangiti siya ng bahagya sa sinabi ko.  "Well, see you around then?" Pagpapaalam ko sa kanya. Saka umalis.  Habang naglalakad patungo sa parking lot ay bigla ko naman naalala yung kababata ko.  Ewan ko but there's something with that girl.  I will find out kung sino ka. Andrea Ramos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD