bc

My Childhood Best friend (GXG)

book_age18+
909
FOLLOW
3.8K
READ
others
love-triangle
family
second chance
friends to lovers
tomboy
confident
sweet
gxg
friendship
like
intro-logo
Blurb

Sina Andy (Andrea Ramos/Sandoval) at Sofie (Sofia Gonzales/ Villanueva) ay magkababata. Sila ay sabay ng lumaki sa isang bahay ampunan at nagkahiwalay ng landas dahil inampon si Sofie ng isang mayamang magasawa at naiwan namang luhaan si Andy. Makalipas ang maraming taon, nagkita ulit sila. Paano kaya haharapin ni Andy si Sofie? Bagama't minahal niya ito mula pa ng mga bata pa sila at nagsumpaan na magkikita silang muli.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Andy's POV "Hay nako! Nalate nanaman ako ng gising! Yung totoo? Malelate nanaman ako sa trabaho ko, ngayon pa naman dadating ang client ko." Hays. Bumangon na ako at naligo, paglabas ko ng CR nakita ko ang picture ni Sofie at ako nung mga bata pa kami, 10 years na din ang nakalipas simula nung huli kong masilayan ang mukha ni Sofie, hanggang ngayon hindi ko pa din siya makalimutan. Siya na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko kahit wala akong magulang noon. Pagkatapos kasi ampunin ng mayamang magasawa si sofie, heto naman ako nagiisa pero hindi din nagtagal e may umampon din sa akin, hindi siya mayaman. Oo siya dahil single siya, siya ang naging magulang ko, ang nagpaaral saakin at inalagaan ako na parang tunay na anak. Kahit hindi siya ganun kayaman minahal niya ako ng buo. Alam din ni Tatay Robin (Ang nagiisa kong tatay sa mundo) na Lesbian ako pero hindi ako bihis lalaki. Lesbian na ako bago niya ako ampunin dahil mahal ko na ang kababata kong si Sofie noon at magpahanggang ngayon, siya pa din ang mahal ko. Hindi ko nga alam kung kailan ba ako mapapagod sa kahihintay sa kanya pero ang alam ko lang ngayon e Mahal ko siya at alam kong magkikita pa kami. Teka! Late na ako! s**t. Hays talaga naman Andy tulala ka nanaman kakaisip dyan sa kababata mo! Sabi ko sa sarili ko na kasalukuyang hindi pa nakaayos. Haha nako nakakainis lang talaga. Papunta na ako sa work ng may dumaan sa harapan ko na isang kotse. Teka? Parang may nakikita akong pamilyar na mukha, isang mukha na parang matagal ko ng kilala? Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad para makahanap ng masasakyan na Jeep. Ilang minuto na lang male-late na ako! Nakakainis talaga. Hahanap nalang ako ng Taxi. --- Sofia's POV Habang nagmamaneho ako, may napansin ako sa bandang kaliwa ko na parang nakakita ng multo nung makita ang mukha ko sa loob ng kotse. Medyo masikip kasi ang dinaanan kong kalsada dahil ang layo pa ng pinanggalingan ko. Yoon lang kasi ang alam kong shortcut papunta sa company na pag-iinvestan ni Dad ng pera. Oo, mayaman ang mga magulang ko, nung makagraduate ako ng college, sinigurado nila na ihanda ako sa industriya ng pagnenegosyo dahil dito na umiikot ang mundo ng mga magulang ko. Hindi ako katulad ng ibang anak mayaman na kung umasta e akala mo kung sino, pag nasa bahay ako, ako ang gumagawa ng gawaing bahay kahit sandamakmak na katulong na ang hinire ni Dad at Mom. Nasanay na kasi ako sa ganung paguugali, hinahayaan lang naman ako nila Dad dahil alam nila na mas makakabuti sa akin na matuto ng gawaing bahay. May sarili naman akong Condo unit sa East wood kaya walang problema kahit magisa lang ako sa bahay ko. Minsan nakakaramdam ako ng lungkot lalo na kapag naaalala ko si Andy. Ang kababata ko. *Flashback* (Naghahabulan kami ni Andy sa damuhan pero ako itong si lampa, nadapa at umiyak dahil may malaki akong sugat sa tuhod.) Nilapitan ako ni Andy at pinatahan, inihipan niya ang tuhod ko na may sugat. Tawag ko sa kanya ay Ate at tawag naman niya sakin ay Baby. "Baby, wag ka ng umiyak ha? Andito lang si Ate di ka iiwan, sa susunod kasi magiingat ka ha? Wag ka lang takbo ng takbo kung saan saan ayan tuloy may sugat ka." Malambing na pagkakasabi ni Andy sakin. "E-e kasi naman ang bilis mo tumakbo e." Habang hagulhol ako sa iyak. Nagulat ako nung hinalikan ni Andy ang noo ko. "Wag ka nang umiyak, ayan kiniss na kita." *End of Flashback* Napapangiti ako kapag naaalala ko siya. Minsan nga napapanginipan ko pa siya e. Ang saya lang. "Ayy! Andito na pala ako sa Company, teka i-park ko muna ang kotse sa basement." Nang biglang tumawag si Jerry. Ang boyfriend ko. Kring... Kring... Kring... "Hello?" sabi ko habang kinakabig ang manibela. "Hello baby! Saan ka ngayon? Sabay tayo maglunch?" halatang kagagaling lang nito sa trabaho. "Hi baby! Nasa company na ako now e, kadadating ko lang baka di na ako makasabay sayo sa lunch." sabi ko sa kanya dahil ayaw ko naman siyang umasa sa'kin. "Hmm. Okay lang baby I understand, how about dinner? At your place or sa bahay ko?" mukhang nagpapahiwatig naman 'to. "Hmm. Okay sa bahay ko nalang." walang gana kong sagot. Ewan ko ba, wala ako sa mood pero makulit lang talaga 'tong si Jerry. "I'll cook for you pag ako ang nauna." Malumanay na sabi nito. "Okay baby! Thank you I love you." sabi ko nalang. "I love you too." Sabay binaba ko na din ang phone. Lumabas na ako ng kotse, kinuha ko na din ang mga folder and files na kailangan ko for the meeting . Habang papalakad ako sa elevator. May nakabanga akong babae na halos hindi magkandamayaw sa kakatakbo. "BLAG!" "Ouch!" Sabay pa kaming nagsabi nun. "A-ay miss? O-okay ka lang ba?" Sabi nung babae na nakasalamin, shet. Ang ganda niya! Ang puti, nakapusod ang buhok niya at ang pupula ng mga labi. Natulala ako kasi ang ganda niya.  "A-amm miss?" Habang iniaabot niya yung mga folder na nalaglag sa sahig. "Ay! Amm. O-okay lang ako. Salamat, so anong pangalan mo?" Gusto ko siyang makilala and dahil sa late na ako magpakilala, Yes Bisexual ako. I like both genders. "A-ahm. I'm An..." Akmang iaabot na niya sakin ang kamay niya at sasabhin ang pangalan niya ngunit may tumawag na sa kanya kaya naputol ang sasabihin sana niya. Hay nako! Sayang... Tumakbo agad yung babae pero napatigil siya at nilapitan ulit ako. "Amm. Ms. Sorry kanina." At umalis na ulit siya papalayo sakin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
417.3K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

BAYAW

read
82.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook