Chapter 4: Another Work

2035 Words
Katanghaliang tapat ngunit walang paglagyan ang inis na nararamdaman ni Silver, hindi niya lubos maisip na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapili na bagong sekretarya niya. Akmang tatayo na sana siya, nang makita niya ang taong lubos niyang kinasusuklaman na papasok sa loob ng opisina niya. Sa hindi malamang dahilan, kaagad na nakaramdam ng pagkamuhi si Silver dahil sa babaeng nasa harapan niya. Para bang pakiramdam ni Silver ay gusto na lamang niyang magwala nang muli niyang maalala ang mapait na nakaraan na nais na niyang kalimutan. Ngunit, para bang isang plaka ang mga senaryo sa utak niya na paulit-ulit na para bang wala nang balak pang tumigil.  "What are you doing here, b*tch?" malamig na tanong ni Silver sa taong kapapasok lang.  Bagamat napansin niyang nasaktan ito sa kaniyang sinabi ay wala na siyang pakialam sapagkat wala siyang oras para sa mga taong mukhang pera. Bukod dito, hindi pa rin matanggap ni Silver ang nangyari sa nakaraan sapagkat pakiramdam niya ay isa itong bangungot na nag-papaalala sa kaniya kung gaano siya katanga noong nakaraan. Kung kaya't hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ni Silver na nasasaktan siya kapag naalala niya ang mapait na sinapit niya noong nakaraan.    "N-Nandito ako para mag-apply bilang sekretarya mo," malumanay na saad ng babaeng kararating lang habang mapapansin na tila natatakot pa ito sa presensiya ng binatang si Silver.  "Hindi ko alam na ganiyan na pala kakapal ang mukha mo! Kulang pa ba ang perang nakuha mo sa akin?"  Hindi naman kaagad na nakasagot ang babae sa naging tanong ni Silver sapagkat kaagad itong nakaramdam ng panliliit sa sarili. Bukod dito, pakiramdam ng babae na gusto na lamang nitong lamunin ng lupa dahil sa hiyang nararamdaman kay Silver. Isama mo pa rito na alam ng babae na labis-labis ang galit na nararamdaman ni Silver dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraan.  "H-Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa nakaraan, nandito ako ngayon para mag-apply na sekretarya mo, kaya sana'y mapatawad mo ako sa nagawang kasalanan ko sa 'yo," tila nanliliit na pahayag ng babaeng kaharap ni Silver.  "You're fvcking hired, Ms. Bisky Freecs! Asahan mong hindi magiging madali ang buhay mo bilang isang sekretarya ko! Nakakaawa ka naman kasi, mukhang kailangan mo talaga ng pera!" nang-uuyam na pahayag ni Silver sa dalaga.  "Salamat."  "Umalis ka na sa harapan ko! Bukas ka na magsisimula ng trabaho mo sa akin! At ang ayoko sa lahat ang iyong tatanga-tanga sa trabaho nila!"  Kaagad namang yumuko si Bisky sa harapan ni Silver at mabilis na lumabas ng opisina ng binata na kulang na lang ay sumabog sa sobrang galit. Nang makaalis si Bisky kaagad na pinagtatatapon ni Silver ang bagay na nasa lamesa niya dulot ng matinding galit niya rito. Bukod dito, hindi niya lubos maisip na muli na naman niyang makikita ang babaeng sumira sa buhay niya. Hanggang sa namalayan na lamang ni Silver na may tumutulo na palang luha sa kaniyang mga mata.   "Pagsisisihan mong nagpakita ka pang muli, Bisky! Mararanasan mo ngayon ang galit ko!" Nagngangalit na pahayag ni Silver sa kaniyang sarili habang nakatitig sa pinto na pinaglabasan ng dalaga.  ***  Sa kabilang dako naman, kaagad na sumakay si Bisky sa pampasaherong jeep habang may malungkot na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. Habang lulan si Bisky sa pampasaherong jeep muli na naman nitong naalala ang mapait na nakaraan na sinapit ng dalaga. Kung kaya't hindi nakaligtas ang mabilis na pagpatak ng luha sa mga mata ni Bisky. Marahan ding  hinilot ni Bisky ang dibdib sapagkat bigla na lamang itong kumirot dahil sa lungkot na nadarama nito. Ilang oras pa ang nakalipas ng makarating si Bisky sa munti nitong tahanan. Kung kanina ay nalulungkot ito dahil sa naging usapan nila ni Silver. Sa isang iglap lang ay tila nawala lahat ang lungkot na kani-kanina lang ay nararamdaman ni Bisky ng makita nito ang masayang mukha ni Berry. L   "Mommy, you're here. Tingnan mo po may panibago ulit akong stars." Masayang salubong ng anak nitong si Berryllium.  "Wow naman! Ang galing talaga ng baby ko!" Nakangiting pahayag ni Bisky sa anak nitong babae.  "Mommy, may work ka na po ba?"   Kaagad na napansin ni Bisky ang pagtamlay ng anak nito kaya kaagad na kinabahan si Bisky kung bakit bigla na lamang tumamlay si Berry. Ang buo kasing akala ni Berry ay wala ng trabaho si Bisky dahil nakita ng bata na pinapagalitan ng isang lalaki si Bisky. Bagamat alam ni Bisky na mahihirapan ito sa panibagong trabaho, mas pinili na lamang nito na magtiis kaysa sa wala silang makaing mag-ina.  "Yes baby, may work na si mommy. Bakit mukhang malungkot yata ang baby ko?"  "Kasi po mommy mayroon daw po kaming fieldtrip pero sabi ko po kay teacher na hindi na lang ako sasama kasi wala pa po tayong pera."  Sa hindi malamang dahilan kaagad na nakaramdam ng sakit si Bisky dahil sa sinabi ni Berry. Tila ba kahit bata pa ito ay alam na nito ang estado nilang mag-ina sa buhay. Laking pasasalamat na lang ni Bisky na naging malusog si Berry at nagmana pa sa ama nito. Kung kaya't hindi na gaanong nag-aalala si Bisky para sa kalusugan ni Berry dahil alam nitong may malusog na pangangatawan ang anak nito.  "May work na naman ako baby kaya pwede kang sumama sa fieldtrip ninyo. Kaya huwag ng malungkot ang baby ko kasi malulungkot din si mommy."   "Thank you, mommy. You're the best mommy in the world."  Kaagad namang napatawa si Bisky dahil sa sinabi ni Berry tila ba pansamantalang nakalimutan ni Bisky ang problemang kinakaharap. Sa matamis pa lang na ngiti ni Berry, kaagad na gumagaan ang pakiramdam ni Bisky kapag nakikita nitong tumatawa ang anak nitong saksakan ng pagkabibo. Kung kaya't lahat ng problema ni Bisky ay nalilimutan nito kapag nakikitang masaya ang anak na si Berry.  "Mukhang naglalambing yata ang baby ko. Halika ka baby sa loob ng bahay papalitan kita ng damit tapos kakain tayo sa Jollibee kasi marami kang stars na nakuha." Nakangiting pahayag ni Bisky sa anak na si Berry.  Napansin naman kaagad nito ang panlalaki ng mata ni Berry kaya hindi maiwasan ni Bisky na hindi mapangiti, dahil sa naging reaksyon ng anak nito. Dahil sa sarap ng usapan nilang mag-ina hindi nila namalayan na nasa labas pa pala sila ng bahay. Kaya naman mabilis na binuhat ni Bisky ang anak papasok sa loob ng bahay nila. Ilang minuto pa ang nakalipas matapos nitong bihisan si Berry ay kaagad na silang lumabas ng kanilang bahay. Sinigurado naman ni Bisky na nakakandado ang bahay nila upang iwas na rin sa akyat-bahay na umaaligid sa lugar nila. Saktong paglabas nila ng gate ay may dumaan na traysikel kaya kaagad itong pinara ni Bisky upang magpahatid sila ni Berry sa may sakayan ng jeep. Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating na nila ang sakayan ng jeep na may ngiti sa labi nilang mag-ina. Mabilis namang bumaba si Bisky, sumunod ay ang anak nitong si Berryllium ang bumaba. Sa takot na baka masabitan ng sasakyan si Berry maingat na binuhat ni Bisky ang anak at kaagad na nagbayad ng bente pesos sa drayber ng traysikel nilang sinakyan. Nang makasakay sila ng jeep kaagad na napukaw ang atensyon ni Bisky sa naging reaksyon ni Berry nang makita nito ang anak na si Berry na malungkot na nakatitig sa mag-ama na pasahero rin ng jeep.  "Mommy, bakit po wala akong daddy? Totoo po ba na napulot niyo lang ako sa basurahan?"  "Baby, alam mo naman na malayo sa atin si daddy mo 'di ba, kaya kaunting tiis pa baby makikita mo na si daddy mo. At saka, baby kita kaya huwag kang maniwala na napulot lang kita sa basurahan."  "Talaga, mommy? Makikita ko na po si daddy?"  Isang tipid na ngiti na lamang ang isinukli ni Bisky sa anak at mabilis na pumara ng makita nitong nasa tapat na pala sila ng Mall. Kaagad namang silang nagtungo sa Jollibee para makakain, nang marating sila sa Jollibee ay kaagad na naghanap ng mauupuan si Bisky para sa kanilang dalawa ni Berry.  "Baby, dito ka muna, o-order lang si mommy. Ano bang gusto ng baby ko?'  "Gusto ko po ng chicken, spaghetti, burger at saka po fries," magiliw na saad ni Berryllium sa ina nitong si Bisky.  Mahinang namang napatawa si Bisky dahil sa daming gustong kainin ng anak nitong si Berry. "Sige, baby diyan ka lang o-order na si mommy."  Kasalukuyang naghihintay si Berryllium sa ina nitong si Bisky ng makita nito ang kaklaseng si Gavin na nasa labas ng Jollibee habang may kasamang isang lalaki. Sa labis na kasiyahan ni Berryllium mabilis itong lumabas upang puntahan ang kaklase nitong si Gavin.  "Gavin, you're here! Kakain ka rin ba rito sa Jollibee?" Masayang tanong ni Berryllium sa batang si Gavin.  "No, tapos na kaming kumain. Ikaw ba sinong kasama mo?"   "Kasama ko si mommy ko. Alam mo ba malapit ko nang makita si daddy ko?" Tatawa-tawang sagot naman ni Berry kay Gavin.  Dahil sa sinabi ni Berryllium kaagad na napalingon si Silver, ang kasama ni Gavin sa pagkain sa Jollibee. Sa hindi malamang dahilan kaagad na napatitig si Silver sa batang babae, dahilan upang magtaka ito sa kinikilos ni Silver. Alam din ni Silver na hindi siya natatandaan ni Berry, dahil sa nakasuot siya ng cap at shades noong nagkita sila sa may Airport. At Hindi nga siya nagkamali dahil bibo talaga ang batang si Berry.  "Talaga? Baka naman binibiro mo na naman ako. Ilan beses mo na kayang sinabi 'yan sa akin," naniningkit na matang pahayag ni Gavin sa kaibigang si Berryllium.  "Totoo na talaga 'to, Gavin. Si mommy mismo nagsabi sa akin na makikita ko na raw si daddy ko."  Walang nagawa si Gavin kundi sumang-ayon na lamang sa kaibigang si Berryllium. Nagulat na lang si Silver ng biglang may humawak sa kamay niya. Nang makita niyang si Berryllium ang humawak sa kaniya, hindi malaman ni Silver kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng tuwa dahil sa ginawa ng batang babae sa harapan.  "Hi po, ako po si Berryllium. Ikaw po ba ang papa ni Gavin?"  "No. I'm his tito."  Muli na namang nagulat si Silver ng dambahin siya ng yakap ni Berryllium, kaya wala siyang nagawa kundi ang yakapin na rin ang bata. Sa isang iglap lamang isang malapad na ngiti ang pumaskil sa labi ni Silver habang yakap-yakap siya ng batang babae na nasa harapan niya. Hindi rin malaman ni Silver kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdam ng tuwa nang niyakap siya ng batang si Berryllium.  "Pwede po bang ikaw muna ang daddy ko habang wala pa ang tunay kong daddy?"  Kaagad namang nanigas si Silver dahil sa sinabi ng bata sa kaniya, tila ba nararamdaman niya ang labis nitong pangungulila sa isang ama. Dahil dito, hindi maiwasan ni Silver na malungkot sapagkat pakiramdam niya ay sabik na sabik si Berryllium sa kalinga ng isang ama. Dahil sa awa, pumayag si Silver sa kagustuhan ni Berryllium sapagkat gusto niyang iparamdam sa bata ang magkaroon ng isang ama.  "Sige, basta magbabait ka lang palagi."  Dahil sa sinabi ni Silver mas lalo siyang niyakap ng bata at kapagkuwan ay nagpaalam na ito sa kanila dahil baka raw hanapin na ito ng mommy nito. Saktong pag-upo naman ni Berryllium ay siya namang pagdating ni Bisky na may magandang ngiting nakapaskil sa labi. Kaagad namang hinaplos ni Bisky ang pisngi ng anak at nagsimula na silang kumain na mag-ina. Bagamat nagtataka si Bisky kung bakit tila sobrang saya ni Berry, ay hindi na ito gaanong pinansin pa ni Bisky. Malalim din itong napabuntong-hininga dahil sa problemang dinadanas nilang mag-ina. Buong akala rin ni Bisky ay hindi na muli silang magkikita ni Silver ngunit tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para muli silang magkalapit.  "Kung hindi ko lang kailangan ng pera hinding-hindi ako lalapit sa iyo!" nakatiim ang bagang na pahayag ni Bisky sa sarili.  Bagamat may trabaho na naman si Bisky sa isang Coffee Shop. Alam ni Bisky na hindi sapat ang sinasahod nito kaya napilitan itong mag-apply bilang sekretarya ni Silver. Bukod dito, marami rin silang gastusin para sa pang-araw-araw nilang mag-ina. Kung kaya't todo kayod nang mabuti si Bisky upang mabigyan nito ng magandang buhay ang anak na si Berryllium. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD