Isang buwan na ang nakalilipas mula nang magtrabaho si Bisky sa kompanya ni Silver. At masasabi niya na labis-labis ang galit na nararamdaman ng binata para sa kaniya. Tila ba pakiramdam ng dalaga na sadya talaga siyang pinahihirapan ni Silver. Kung kaya't wala siyang magagawa kundi ang magtiis na lamang sa pagpapahirap sa kaniya ni Silver. Bukod dito, alam ni Bisky na wala na siyang iba pang mahahanapan ng magandang trabaho na malaki ang sahod. Kung kaya't kahit nahihirapan na siya ay pinili na lamang ni Bisky na magtiis sa lahat ng pagpapahirap sa kaniya ni Silver.
"Hindi kita binabayaran para tumunganga lang!" masungit na pahayag ni Silver kay Bisky.
"S-Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit."
"Dapat lang! Dahil hindi ako magdadalawang-isip na patalsikin ka sa kompanya ko!"
Walang nagawa si Bisky kundi ang sumang-ayon na lamang sa sinabi ni Silver. Nang makaalis si Silver sa harapan niya kaagad siyang huminga nang malalim na para bang pinapakalma niya ang kaniyang sarili. Habang pinagmamasdan niya ang nakatambak na papeles na inutos sa kaniya ni Silver na i-encode, hindi maiwasan ni Bisky na makaramdam kaagad ng pagod sapagkat sangkatutak pa ang hindi niya natatapos na gawain.
"Kaya mo 'yan, Bisky! Para kay Berry naman ang ginagawa mo," puno ng kumpyansa na saad ni Bisky sa kaniyang sarili.
Isa, dalawa at tatlong oras pa ang lumipas ng matapos niya ang pinagagawa sa kaniya ni Silver. At ganoon na lamang ang gulat niya, nang mapansin niyang halos mag-aalas tres na pala ng hapon siya natapos. Bukod sa nakalimutan na niyang kumain, nag-aalala na rin siya dahil hindi niya nasundo ang anak niyang si Berry. Nakakaramdam man ng takot si Bisky ay nilakasan pa rin niya ang loob na magpaalam sa amo niyang si Silver upang masundo sana ang anak sa eskwelahan nito. Kung kaya't dahan-dahan niyang tinungo ang pinto ng opisina na Silver upang kumatok sana. Ngunit nakailan na siyang katok ay wala pa ring nagbubukas. Kaya naman dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng opisina ni Silver na may bakas pa rin sa mukha ang matinding pangamba. Pagkabukas na pagkabukas palang niya ng pinto ay kaagad na bumungad sa kaniya ang hubo't hubad na sina Silver at babaeng hindi niya kilala. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni Bisky, nang sabay ang mga itong lumingon sa harapan niya habang nababakas sa mukha ng mga ito ang matinding pagkainis sa kaniya. Dahil dito, mabilis ang naging kilos ni Silver at kaagad na niyakap ang babaeng katalik nito kani-kanina lang.
"What the fvck, b***h! Sino ka ba? Bakit basta-basta ka na lang pumapasok sa opisina ng boyfriend ko!" Masungit na pahayag ng babaeng yakap-yakap ni Silver.
"S-Sorry po, Ma'am. Magpapaalam lang po sana ako kay Sir."
"Magpapaalam! At bakit? Saan ka naman pupunta? Ang kapal naman yata ng mukha mong umalis ng maaga sa trabaho mo!" Muling pahayag ng babae kay Bisky na ngayon ay may suot ng bra at panty.
Dahil sa sinabi ng babae hindi kaagad nakaimik si Bisky dahil sa kahihiyan na nararamdaman niya. Bukod dito, labis-labis din ang sakit na nararamdaman niya. Sa isang iglap lamang nakaramdam ng panlilit sa sarili niya si Bisky sapagkat hindi niya malaman kung paano siya hihingi ng tawad sa mga ito dahil sa abalang ginawa niya.
"Where are you going? At talagang inistorbo mo pa kami ni Elaine!" malamig na pahayag ni Silver kay Bisky.
"M-May pupuntahan lang po sana ako saglit, Sir. Natapos ko na rin po ang pinagagawa ninyo." Nahihiyang sambitla ni Bisky kay Silver habang dahan-dahan siyang lumalapit sa gawi nito upang iabot ang flash drive.
"Umalis ka na! Sa susunod huwag kang basta-basta papasok sa opisina ko!"
Akmang magsasalita na sana si Bisky, nang bigla na lamang tumunog ang tiyan niya. Senyales na nagugutom na siya dahil sa hindi siya nakakain ng tanghalian. Kung kaya't mabilis namang tumalikod si Bisky upang umalis na sana pero bigla siyang tinawag ni Elaine. Nagtataka man, walang nagawa si Bisky kundi ibaling ang atensyon niya kay Elaine habang may pagtataka na nababakas sa maganda niyang mukha.
"Wait, b***h! May nakalimutan pala akong ibigay sa iyo!"
Saktong paglingon ni Bisky ay siyang pagsalubong sa kaniya nang malakas na sampal ni Elaine. Dahilan upang mawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig ng opisina ni Silver. Kaagad na naramdaman ni Bisky na tila may dumaloy na mainit na likido papalabas sa ilong niya na siyang dahilan ng panlalamig niya. Dahil dito, mabilis namang tumayo si Bisky upang lumabas sa opisina ni Silver habang hawak-hawak ang nagdurugong ilong. Pagkalabas na pagkalabas pa lang ni Bisky ng opisina ni Silver ng mabangga siya sa matipunong katawan, dahilan upang muli na naman siyang matumba habang hawak-hawak pa rin ang dumudugo niyang ilong.
"Sh*t! Saan ka ba tumitingin, Miss?"
"Sorry po, Sir Wayne."
"Fvck! Are you okay? You're bleeding!" Gulat na gulat na sambitla ni Wayne.
Sa halip na sagutin ni Bisky ang katanungan ni Wayne mabilis siyang tumayo at nilisan ang lugar dulot ng pagmamadali niya masundo lamang ang anak sa eskwelahan nito. Kung kaya't kahit lumingon ay hindi na niya ginawa pa kahit alam niyang tinatawag siya ni Wayne, ang pinsan ng amo niyang si Silver. Samantalang, kaagad na napakunot ang noo ni Wayne pagkapasok pa lang nito ng opisina ni Silver habang nakatingin sa babaeng putok na putok ang kolorete sa muhka. Bukod dito, napansin rin ni Wayne ang malanding si Elaine na nakalingkis na sa braso ni Silver.
"What the fvck, Silver? Don't tell me dito ka na naman sa opisina mo gumawa ng kababalaghan!" hindi makapaniwalang tanong ni Wayne kay Silver.
"Ilang araw na rin akong tigang. Kaya naman nagparaos na ako rito," balewalang pahayag ni Silver kay Wayne.
Sa halip na sumagot pa si Wayne sa sinabi ni Silver tanging pag-iling na lamang ang nagawa nito. Habang ang malanding si Elaine naman ay hinahaplos na ang iba't ibang parte ng katawan ni Silver. Mabuti na lamang ay nakabihis na rin ng damit ang binatang si Silver sapagkat hindi malaman ni Wayne kung anong gagawin nito kapag nakitang nakikipaglandian pa rin ang pinsan nito.
"B*tch! Tigil-tigilan mo 'yang ginagawa mo sa pinsan ko kung ayaw mong putulin ko 'yang kamay mo! Mahiya ka naman sa sarili mo!" may panlalait na pahayag ni Wayne kay Elaine na ngayon ay nanggigigil na sa galit.
"Huwag mo nga akong pakialaman! Buhay ko 'to!" Mataray na pahayag ni Elaine na patuloy pa rin sa paglandi kay Silver.
Malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Wayne, habang nagpipigil ng galit para sa babaeng si Elaine. Sa halip na makipagtalo pa, pinili na lamang ni Wayne na ibahin ang usapan sapagkat ayaw nito na mas lalong mainis kay Elaine na nakalingkis pa rin kay Silver.
"Maiba nga pala ako, anong nangyari sa sekretarya mo?"
"What do you mean, Wayne?" naguguluhang tanong ni Silver.
"Nakabangga ko siya dahil sa pagmamadali niya. Hindi ko nga kaagad namukhaan pero nagulat na lang ako sa nakita ko. She's bleeding, dude."
Sa binitawang pahayag ni Wayne mabilis na bumakas ang gulat sa mukha ni Silver. Dahil doon, hindi rin nakaligtas sa paningin ni Wayne ang nakita nitong reaksyon sa mukha ni Silver. Bamagat nakatiim ang bagang ni Silver hindi nakaligtas sa paningin ni Wayne ang pag-aalalang bumakas sa mata ng pinsan nito.
"Nasaan na siya ngayon?"
"I don't know, dude. All I know is she's crying while her nose is fvcking bleeding. Isama mo pa rito na medyo namamaga ang pisngi niya."
Dahil sa sinabi ni Wayne mabilis na nanlisik ang mata ni Silver at kaagad na tumingin kay Elaine. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Wayne dahil sa ginawang pagsakal ni Silver kay Elaine. Dahil dito, kaagad na nanigas sa kinatatayuan nito si Wayne dahil sa nakitang reaksyon ng pinsan nito. Kung kaya't mas pinili na lamang ni Wayne na manahimik sa tabi.
"O-Ouch, Silver. P-Please, stop. I-I can't breath." Nahihirapang saad ni Elaine sa binata.
"Shut up, b*tch! Kanina pa akong nagtitimpi sa mga ginawa mo! You fvcking hurt my secretary!"
Akmang pipigilan ni Wayne ang ginagawang pagsakal ni Silver kay Elaine. Nang mabilis lamang itong pinigilan ni Silver. Dahil dito, muli na lamang nanahimik sa isang tabi si Wayne habang nakatingin sa direksyon ng pinsan nitong si Silver na ngayon ay galit na galit na kay Elaine dahil sa nangyari kay Bisky.
"Huwag kang makialam dito, Wayne! She's fvcking bleeding at wala man lang akong nagawa! Kaya hayaan mo akong turuan ng leksyon ang babaeng ito!"
"What the fvck, Silver? Anong gagawin mo sa babaeng 'yan?" naiinis na pahayag ni Wayne kay Silver.
Sa halip na sagutin mas lalo pang hinigpitan ni Silver ang pagkakasakal nito kay Elaine na nahihirapan nang huminga. Mababakas naman sa mukha ni Elaine ang matinding takot para sa binatang si Silver na sakal-sakal pa rin and dalaga.
"P-Pakiusap tama na, Silver. H-Hindi na ako makahinga." Nahihirapang saad ni Elaine sa binatang si Silver.
"Get out, b*tch! Huwag na huwag kang magpapakitang muli sa akin! Dahil sa oras na makita ulit kita hindi na ako magdadalawang-isip na patayin ka!" Galit na galit na sambitla ni Silver kay Elaine.
Sa takot na nararamdaman ni Elaine mabilis na umalis ang dalaga sa opisina ni Silver na galit na galit pa rin dahil sa nangyari. Isama mo pa rito na napupuno ng mga luha ang magandang mukha ni Elaine dala ng takot ng dalaga dahil sa ginawang pananakit ni Silver kani-kanina lang.
"Silver, hindi mo dapat ginawa 'yon sa kaniya. Babae pa rin siya kaya dapat nagpasensiya ka na," malumanay namang paliwanag ni Wayne.
"Dapat lang 'yon sa kaniya! She hurt my secretary."
"Hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay mo. Pero, bakit ba ganiyan na lamang ang galit mo kay Elaine dahil sa sinaktan niya ang sekretarya mo?"
Sampung segundo na ang nakalipas ngunit walang natanggap na sagot si Wayne mula kay Silver. Akmang magsasalita na muli si Wayne ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina ni Silver. Kasabay nito ay ang pagpasok ng isang babae at lalaki na makikita ang karangyaan sa mga ito.
"Silver, ano iyong naririnig kong bulong-bulungan sa ibaba ng kompanya mo?" seryosong tanong ng kararating lamang na lalaki.
"What do you mean, Dad?"
"Usap-usapan lang naman na may dinala ka na namang babae sa opisina mo! Alam mo ba kung ano pa 'yong narinig ko? Narinig ko lang naman na umiyak daw ang sekretarya mo dahil sinaktan siya ng babae mo! Anak naman kailan ka ba titino?" mataray namang pahayag ng mommy ni Silver.
Dahil sa may taglay na katarayan ang mommy ni Silver, walang nagawa ang binata kundi manahimik na lamang. Dahil alam na alam na ni Silver ang kahihinatnan kapag sumagot-sagot pa ito sa ina. Mabilis namang nagliwanag ang mukha ng mommy ni Silver dahil sa nakita nito si Wayne.
"Wayne, you're here pala." Gulat na gulat na pahayag ng mommy ni Silver.
"Yes, tita Haibara. Nagpunta ako rito para sa business na iaalok ko sana sa anak niyo kaya lang iba naman ang nabungaran ko."
"Hindi ka na nasanay sa anak kong 'yan. Hindi ko nga alam kung titino pa ba 'yan." Iiling-iling naman na sabat ng daddy ni Silver.
Ilang minuto rin ang tinagal ng pag-uusap nila nang magyaya ng kumain sa labas ang ina ni Silver. Wala namang sinayang na oras si Silver at kaagad na sumang-ayon ang binata dahil sa gutom na rin naman ito. Bukod dito, gusto rin ni Silver na magpalamig ng ulo kahit saglit lang upang makalimutan ang pagkaiyamot na nadarama ng binata.
***
Sa kabilang dako naman ay walang paglagyan ang kabang nararamdaman ni Bisky, habang naghihintay sa resulta ng lagay ng kaniyang anak na si Berry. Nalaman na lamang ni Bisky na isinugod sa ospital ang anak ng tumawag sa kaniya ang adviser nito. Halos mawasak ang puso niya ng malamang na hit and run ang anak niyang si Berry. Kaya nga kahit pagdugo ng ilong niya kanina ay hindi na niya nagawa pang pansinin. Napukaw na lamang ang malalim na iniisip ni Bisky ng tapikin siya ni Diamond.
"Bisky, heto ang tubig uminom ka muna."
"Salamat, Diamond. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag may masamang nangyari sa anak ko."
"Magiging maayos din siya," pagpapalakas loob na sambitla ni Diamond.
Lingid sa kaalaman ng iba si Diamond ay ang kaibigang sniper ni Bisky. Kahit magkaibigan si Diamond at Bisky ay walang alam si Bisky sa uri ng trabaho ni Diamond. Bukod dito, mapapalingon ka talaga dahil sa angking kagandahan ni Diamond na bumagay sa maputi nitong balat.
"Excuse me, sino po ang ina ng bata?"
"Ako po!" mabilis namang sagot ni Bisky kay Dr. Santiago.
"Wala na po kayong dapat ipag-alala dahil ligtas na sa kapahamakan ang bata. Ngayon ay ililipat na namin siya sa pribadong kwarto."
Dahil sa narinig kaagad na nakahinga nang maluwag si Bisky dahil ligtas na ang anak niya. Tila ba ang kaninang bigat na nararamdaman niya ay nawala na lamang sa isang iglap. Kung kaya't abo't abot ang pasasalamat ni Bisky sa Panginoon sapagkat ligtas na sa kapahamakan ang anak niyang si Berry.
"Thank you, Lord." Nakangiting sambitla ni Bisky sa kaniyang sarili.