Tatlong araw na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalalabas ng Ospital ang batang si Berry. Gustuhin mang lumiban ni Bisky sa trabaho niya pero hindi maaari. Lalo na't alam ni Bisky na lalo lamang siyang pag-iinitan ni Silver kapag lumiban siya sa kaniyang trabaho. Kung kaya't wala siyang magawa kundi ang pumasok sa trabaho at harapin ang lahat ng pagpapahirap ni Silver sa kaniya. Bagamat may lungkot na nararamdaman, nakangiting tumingin si Bisky sa anak niyang si Berry na bahagya pa rin na namumutla dahil sa aksidenteng natamo nito.
"Anak, magwo-work lang si mommy. Don't worry baby pupunta naman dito ang ninang Diamond mo."
"Really, mommy? Bibisitahin niya po ako? Kasama po ba niya pati si ninang Ruby?"
Kaagad namang napatawa si Bisky dahil sa sinabi ng kaniyang anak. Laking pasasalamat niya rin na maayos na ang kalagayan nito. Kung kaya't malambing na niyakap ni Bisky ang anak bago magpaalam dito. Saktong paglabas ni Bisky ay nakita niya ang kaibigan niyang si Diamond. Bakas man ang pagkahiya sa kaniya, kinapalan na lamang ni Bisky ang mukha niya sapagkat wala na siyang ibang kakilala na maaaring magbantay sa anak niya.
"Diamond, nakakahiya man pero pwede bang ikaw muna ang bahala sa anak ko?" may pag-aalinlangang tanong ni Bisky kay Diamond.
"Baliw ka talagang babae ka! Kahit hindi mo sabihin ako na ang bahala sa inaanak ko." Magiliw na pahayag ni Diamond.
Kaagad namang sumilay ang magandang ngiti sa mukha ni Bisky, dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Dahil dito, hindi maiwasan ni Bisky na hindi magpasalamat sa Panginoon sapagkat nagkaroon siya ng mga kaibigan na makakasangga niya hanggang sa bandang huli. Iba man ang linya ng trabaho nila, hindi pa rin maipagkakaila ni Bisky na labis na mahalaga sa kaniya ang mga kaibigan niya na palaging nakaalalay sa kaniya.
"Oo nga pala! Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa inaanak mo kung bakit hindi mo kasama si Ruby."
Mabilis namang tumango si Diamond sa kaibigan nitong si Bisky, habang may malapad na ngiti ang nakapaskil sa labi nito. Matapos magbilin ni Bisky kay Diamond kaagad na siyang nagpaalam upang pumunta na sa kaniyang trabaho. Kung kaya't walang sinayang na oras si Bisky at mabilis na nilisan ang lugar upang magtungo na sa kaniyang trabaho.
***
Samantalang, sa kabilang dako naman ay masayang naglalakad ang batang si Gavin habang papasok ito ng Ospital. Tila ba nasasabik ito sa tao nitong bibisitahin. Dahil sa may importanteng gagawin ang mommy at daddy nito, nagpasiya si Silver na samahan na lang muna ang inaanak nitong si Gavin.
"Come on, ninong pogi! Faster please! Baka naiinip na siya," may pagmamadaling pahayag ni Gavin kay Silver.
Kaagad namang sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Silver dahil sa sinabi ni Gavin. Bagamat hindi alam ni Silver kung sino ang pupuntahan nila ay matiyaga nitong sinamahan si Gavin. Kahit alam nitong maraming papeles na nakatambak at naghihintay na mapermahan ang naghihintay sa binata.
"Bakit ba kasi nagmamadali ka? Sino ba ang pupuntahan natin?" Natatawang tanong ni Silver sa inaanak nitong si Gavin.
"Sino pa ba ninong pogi e 'di 'yong daughter niyo po."
Dahil sa sinabi ni Gavin kaagad na kumalabog ang puso ni Silver dahil sa narinig nito. Tila ba napako ng wala sa oras si Silver dahil sa pagkalito nito. Sa hindi malamang dahilan hindi maipaliwanag ni Silver ang nararamdaman nito dahil sa narinig kay Gavin. Dahil dito, hindi maitatanggi ni Silver na nakaramdam ito ng tuwa sa isiping mayroon na itong anak.
"M-May anak ako? Bakit hindi ko yata alam?"
"Ninong pogi naman e! 'Di ba pumayag ka na po maging daddy ni Berry?"
Ang kabang nararamdaman ni Silver kanina ay tila ba isang bulang nawala na lamang bigla. Hanggang sa tumigil sila sa tapat ng isang pribadong kwarto dahilan upang mapakunot ang noo ni Silver. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang nila ng pinto ay kaagad na mabilis na tumakbo si Gavin sa gawi ni Berry. Samantalang nanatili namang nakatingin si Silver kay Berry sapagkat hindi maiwasan ng binata na maawa sa batang babae na nasa harapan nito.
"Gavin, you're here!" Nagagalak na pahayag ni Berry sa kaibigang si Gavin.
Habang nag-uusap ang dalawang bata napansin ni Silver ang isang babae na tahimik lamang na nagbabasa ng magazine. Kaagad naman itong nilapitan ni Silver upang kausapin tungkol sa lagay ni Berry, sapagkat hindi maipagkakaila ng binata na labis itong nag-aalala para sa kalagayan ng bata.
"Excuse me, you must be her mother, am i right?" naniniguradong tanong ni Silver sa babae.
"Nope. I'm not her mother. I'm just her ninang. Nasa trabaho kasi ang mommy niya kaya ako na muna ang nagbantay sa bata."
Kaagad namang napatango si Silver sa naging pahayag ni Diamond. Akmang magtatanong na sana ulit si Silver nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ay ang dalawang pulis na may malungkot na ekspresyon ang mukha. Dahil dito, hindi maiwasan ni Silver na mapakunot ng noo dahil sa dalawang pulis na bigla na lamang sumulpot sa kwarto ng batang si Berry.
"Magandang umaga po, Miss Diamond. Kinalulungkot po naming sabihin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang nakabangga sa inaanak ninyo," humihinging pasensiya na saad ng pulis na si Cardo.
"Puwes ano pang ginagawa niyo rito? Hanapin ninyo siya! Huwag na huwag kayong babalik dito hanggat hindi ninyo nakikita ang kriminal na iyon!" nauubusang pasensiya na pahayag ni Diamond sa pulis na si Cardo.
Kung kaya't walang nagawa ang pulis na si Cardo kundi natatakot na tumango kay Diamond. Habang ang binatang si Silver naman ay tahimik na lumabas ng kwarto at saglit na iniwan muna si Gavin na abala sa pakikipag-usap sa kaibigan nitong si Berry. Kasabay nito ang paglabas din ng pulis na si Cardo pati na rin ang kasama nito.
Samantalang, tahimik namang naglalakad sa may pasilyo ng Ospital ang binatang si Silver, habang may malalim na iniisip na tila ba may kakaiba na naman itong nais gawin. Nang makarating sila sa may parking lot, kaagad na pinigilan ni Silver ang dalawang pulis na pasakay na sana sa sasakyan ng mga ito.
"Wait up! Alam niyo ba ang plate number ng sasakyan na nakabangga sa bata?" mabilis na tanong ni Silver sa pulis na si Cardo.
"H-Hindi po, Sir."
Mabilis na nakaramdam ng galit si Silver dahil sa naging sagot ni Cardo. Tila ba tama nga ang iniisip nito na walang silbi ang nakuhang pulis ni Diamond. Dahil dito, pakiramdam ni Silver ay gusto na lamang nitong manakit dahil sa sinapit ng kaawa-awang bata.
"Talagang hindi ninyo nga makikita ang nakabangga sa bata! Plate number nga hindi ninyo alam! Iyon tao pa kaya ang makita ninyo!"
Dahil sa inis ni Silver hindi na nito hinintay pang makasagot ang pulis na si Cardo na hiyang-hiya sa harapan ng binata. Mabilis namang sumakay si Silver sa sasakyan nito upang magtungo sa lugar na tanging mga piling tao lamang ang maaaring makapunta. Habang nagmamaneho hindi pa rin mapigilan ni Silver ang hindi mainis sapagkat pakiramdam ng binata na wala itong maaasahan sa taong inutusan ni Diamond. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na si Silver sa lugar na sadya nito.
"Boss, napadalaw ka yata. May ipagagawa ka ba?" magalang na tanong ng lalaking may malaking marka na ekis sa may pisngi nito.
"Yes. Gusto kong hanapin mo ang tao na may ari ng sasakyan na nakabangga sa isang batang babae," seryosong pahayag ni Silver sa taong kaharap nito.
Mabilis namang napatayo ng tuwid ang taong kausap ni Silver dahil sa narinig sa binata. Kung kaya't hindi nakaligtas sa mata ni Silver ang pagiging tensyonado ni Kuro na siyang dahilan upang mas lalong bumakas ang kaseryosohan sa mukhang binata.
"Boss, 'yan dapat ang sasabihin ko sa inyo. Paano ninyo nalaman ang aksidenteng 'yan?"
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Explain everything, Kuro."
Kasabay nito ay ang paglalakad nina Silver at Kuro patungo sa isang private room upang doon nilang ipagpatuloy ang kanilang usapan. Kaagad namang umupo si Silver habang si Kuro naman ay mabilis na inihanda ang powerpoint na naglalaman tungkol sa taong may kagagawan ng aksidente ng batang si Berry. Sa powerpoint na inihanda ni Kuro naglalaman ito ng mga pangalan ng taong kabilang sa isang sindikato. Bukod dito, kaagad na ipinakita ni Kuro ang isang mukha na pamilyar na pamilyar kay Silver.
"He's Tiger, 35 years of age. Siya rin ang taong bumangga sa batang babae na tinutukoy niyo, Boss. Ayon sa aking nakalap may isang tao raw na nag-utos sa kaniya na patayin ang batang babae."
Kaagad namang nanlisik ang mata ni Silver dahil sa narinig nito kay Kuro. Tila ba walang paglagyan ang galit na nararamdaman nito kung kaya't hindi nito napigilan pagsuntok sa lamesa. Dahil sa ginawa ni Silver kaagad na napapitlag si Kuro dahil sa gulat habang nakatitig sa amo na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata.
"Locate his f*****g location!" galit na pahayag ni Silver kay Kuro.
"Y-Yes, Boss."
Dahil sa galit na namumutawi sa puso ni Silver kaagad itong naglabas ng sigarilyo. At pagkatapos ay mabilis nitong sinindihan at panay ang hithit at buga nito. Upang sana ay maibsan ang galit na nararamdaman nito kahit papaano. Bukod dito, hindi rin maintindihan ni Silver kung bakit ganoon na lamang ang galit nito nang malaman kung sino ang taong may kagagawan ng aksidente ni Berry.
Sa kabilang dako naman ay abala si Bisky sa pagsagot sa tawag sa opisina ni Silver sapagkat sunod-sunod ang mga tawag na siyang dahilan upang malito siya kung ano nga ba ang dapat niyang unang gawin. Bukod dito, hindi maunawaan ni Bisky kung bakit bigla na lamang umalis si Silver na tila ba nagmamadali ito na mas lalo niyang ikinataka. Hanggang sa sumapit ang oras ng tapos ng trabaho ni Bisky ay hindi na muling bumalik pa si Silver. Kung kaya't mabilis na inayos ni Bisky ang kaniyang mga gamit upang sa ganoon ay makaalis na siya at muling magtungo sa ospital kung saan naroroon ang anak niyang si Berry. Saktong paglabas ni Bisky ng opisina ni Silver ay siya namang pagdating ng matandang si Haibara.
"Bisky, bakit nandito ka pa? Nasaan si Silver?"
"Hindi ko nga rin po alam. Basta na lang siya umalis at tila ba nagmamadali."
"Ayos ka lang ba? Hindi ka naman pinahihirapan ni Silver?" may pag-aalalang tanong ni Haibara.
"Ayos lang po ako. Huwag kayong mag-alala kakayanin ko 'to."
"Kumusta si Berry? Ayos na ba siya? Nabalitaan kong hindi pa nakikita ang nakabangga sa kaniya."
"Mabuti na po ang kalagayan niya. Sana nga lang ay makita na ang bumangga sa anak ko."
Matapos ang pag-uusap nina Haibara at Bisky, napagpasiyahan ng matanda na sumama kay Bisky patungo sa ospital upang alamin ang kalagayan ng batang si Berry. Habang lulan sila ng sasakyan naging tahimik lamang si Bisky habang iniisip ang kalagayan ng anak niya. Bagamat ligtas na sa kapahamakan ang anak niya hindi pa rin maiwasan ni Bisky na hindi mag-alala lalo na't hindi pa rin nakikita ang taong may kagagawan ng aksidente ni Berry.
"Huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko sa iyo, Bisky? Pero, bakit bigla mong naisipan na magtrabaho sa kaniya?" pambasag na tanong ni Haibara sa katahimikang namamayani sa kanila ni Bisky.
"Nakatatawa mang isipin pero kinapalan ko na talaga ang mukha ko. Dahil naisip ko, paano si Berry kapag nawala ako?"
Kaagad namang napakunot ang noo ni Haibara dahil sa sinabi ni Bisky. Tila ba bigla na lamang naguluhan si Haibara dahil sa narinig nito. Dahil dito, kaagad na nakaramdam si Haibara ng hindi maganda sapagkat pakiramdam ng matanda ay may mangyayari na hindi maganda sa dako pa roon.
"What do you mean? Sabihin mo lang sa akin kung kaya mo pa. Handa naman akong tumulong." may pag-aalalang sambitla ni Haibara.
"Huwag po kayong mag-alala. Kayo pa! Kakayanin ko pa para kay Berry."
Hanggang sa nakarating sila sa ospital ay tanging malungkot na ngiti na lamang ang namutawi sa labi ni Bisky. Habang ang matandang si Haibara naman ay nababakas ang awa sa maganda nitong mukha. Sa halip na maging negatibo sa buhay pinili na lamang ni Bisky na kalimutan ang mga problema niya sa buhay, sapagkat alam niyang walang magandang maidudulot kung patuloy lamang niya itong iisipin.