Chapter 7: Torture

1975 Words
Papalubog na ang araw ngunit wala pa ring tigil sa pagsunod si Kuro sa lalaking target nito habang may malaking dalang maleta si Kuro na tila ba isang turista na namamasyal lamang. Bagamat may pagod na nadarama si Kuro, pinili na lamang ng binata na tiisin ito at patuloy na sundan ang taong target niya. Hanggang sa nakita ni Kuro na papasok ang taong target nito sa kilalang Casino sa lugar nila. Kung kaya't mabilis na sumilay ang nakatatakot na ngiti ni Kuro ng makaisip ito ng plano. Sa isang iglap lang, pakiramdam ni Kuro ay bigla na lamang nawala na parang isang bula ang lahat ng pagod nito dahil sa planong tumatakbo sa isip ng binata. "Mukhang mapapahaba na naman yata ang gabi ko. Sigurado akong matutuwa nito si Boss." Ngingiti-ngiting saad ni Kuro sa sarili habang matiyaga nitong sinusundan si Tiger. Ilang minuto pa ang lumipas ng makita ni Kuro na tila papasok si Tiger sa isang pribadong kwarto. Dahil dito, walang sinayang na oras si Kuro at kaagad nitong sinundan si Tiger patungo sa isang pribadong kwarto. Nang makapasok si Kuro sa pribadong kwarto, kaagad nitong napansin si Tiger na mag-isang umiinom ng alak. Kung kaya't mabilis pa sa kidlat ang ginawang paglapit ni Kuro kay Tiger at pagkatapos kaagad na itinutok ng binata ang katana na hawak nito sa may leeg ng taong target nito. Kaagad namang pinanlamigan sa takot si Tiger dahil sa naging presensya ni Kuro. "S-Sino ka? A-Anong kailangan mo sa akin? Nauutal na tanong ni Tiger kay Kuro. "Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako. Ang kailangan mo lang ay sumama sa akin nang matiwasay!" Seryosong saad ni Kuro habang mas lalo pa nitong dinidiinan ang katana sa leeg ni Tiger. "Paano kung ayaw kong sumama sa iyo? Anong gagawin mo sa akin?" Dahil sa inis ni Kuro kaagad nitong inaalis ang katana na nakatutok sa leeg ni Tiger na nangangatal pa rin sa takot. Pagkatapos ay mabilis ang ginawang pagkilos ni Kuro at malakas na iniuntog ang ulo ni Tiger sa lamesang nasa harapan nila na siyang dahilan upang tumunog nang malakas ang lamesang nasa harapan nila. Kasabay din nito ay ang pagkawala ng malay ni Tiger dahil sa lakas ng pagkakatama ng ulo ng target ni Kuro sa may lamesa. "Pinahirapan mo pa akong gago ka!" mayabang na saad ni Kuro sa walang malay na si Tiger. Walang pag-aalinlangan na kinuha naman ni Kuro ang maleta na kanina lang ay dala-dala nito at kaagad na binuksan ng binata ang zipper ng maleta at mabilis na isinilid ang walang malay na katawan ni Tiger. Nang masiguro ni Kuro na walang makakapansin na tao ang laman ng malaking maleta na dala nito para bang walang nangyaring gulo na lumabas si Kuro habang hila-hila ang malaking maleta. Habang ang katana naman ni Kuro ay natago na sa itim na lalagyan na nakasukbit na sa likod ng binata. Kung titingnan mo ang lalagyan ng katana nito iisipin mo na isang billiard stick lamang ang laman nito kaya walang hirap na nakalabas ng gusali ang binatang si Kuro. Ilang minuto pa ang nakalipas ng makarating si Kuro sa may parking lot habang may nakatatakot na ngiti ang nakapaskil sa labi ng binata. Malayo pa lang ay natanaw na kaagad ni Kuro si Ao na naghihintay sa labas ng kotse ng para bang naiinip na sa kahihintay sa binata. "Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa akong naghihintay dito." Nababagot na pahayag ni Ao habang nakatingin sa malaking maleta na hila-hila ni Kuro. "Iyong nasa abroad nga nahihintay ako pa kayang may niligpit lang na tao!" Iiling-iling namang sagot ni Kuro kay Ao. Sa halip na sagutin pa ni Ao ang pahayag ni Kuro mabilis nitong binuksan ang compartment ng sasakyan at kaagad na isinilid ang maleta na wala man lang pag-iingat. Halos kalahating oras din ang naging biyahe nina Kuro at Ao bago sila nakarating sa lugar na sadya nila. Kaagad namang sumalubong sa kanila ang ilang tauhan na pinamumunuan nilang dalawa na mababakas sa mukha nila ang matinding kaseryosohan habang nakatingin sa kanilang mga tauhan. Kung pagmamasdang mabuti ang lugar na pinagdalhan nina Kuro at Ao kay Tiger, hindi mo aakalain na may kakaiba na pa lang nagaganap sa lugar. Ang kulay pula at malaking gate na tila ba papasok ka sa isang mansyon na pagmamay-ari ng isang ubod na yaman na tao. Habang napapalibutan naman ang paligid ng mga naggagandahang bulaklak na tila ba alagang-alaga ang mga ito. Bukod dito, kahit malayo pa lang sila ay matatanaw na kaagad nila ang isang napakalaking mansyon na tila isang prinsesa ang nakatira rito. "Ano bang balak mo sa kaniya, Kuro?" naguguluhang tanong ni Ao kay Kuro na nababakas sa gwapo nitong mukha ang kaseryosohan. "Huwag ako ang tanungin mo. Dahil kahit ako wala rin akong alam sa mangyayari ngayon," nababagot namang sagot ni Kuro kay Ao. Kung kaya't wala na silang sinayang na panahon at kaagad na pumasok sa malaking mansyon. Mabilis namang yumuko bilang paggalang ang ilang tauhan na pinamumunuan nina Kuro at Ao. Samantalang isang pagtango lamang ang tanging ginawa nina Kuro at Ao sa mga tauhan nila bago salubungin ang isa sa mga tauhan nila na nakatangin sa gawi nila. "Where is he?" malamig na tanong ni Kuro sa isa sa mga butler ni Silver. "He's waiting in the Punishment Room, Sir. Kuro," magalang namang pahayag ng butler ni Silver. Kaagad namang dumeretso si Kuro sa sinabing kwarto habang hila-hila ang malaking maleta. Habang si Ao naman ay kaagad na pumunta sa kusina upang magluto ng kanilang late dinner. Pagkapasok pa lang ni Kuro kaagad nitong natanaw si Silver na nakaupo sa upuan na para bang isang hari. "You may go now, Kuro," malamig na saad ni Silver sa tauhan niyang si Kuro. Bago tuluyang umalis sa kwarto si Kuro inutusan muna ito ni Silver na ilabas sa maleta si Tiger. Mabilis naman ang naging kilos ni Kuro at kaagad na binuhat ang walang malay na si Tiger. Sa iisang iglap lang ang palikerong si Silver ay nawala na lamang na parang isang bula. Tila ba lumabas na ang totoo nitong ugali na matagal nang itinatago ng binata. Nang maayos na ni Kuro ang tayo ni Tiger sa bakal na silya mabilis na nitong nilisan ang kwarto habang si Silver naman ay abala sa pamimili kung aling kutsilyo ang gagamitin niya. Kaagad namang sumilay ang nakatatakot na ngisi sa kaniyang mukha ng makapili na siya ng kaniyang gagamitin. Mabilis namang kinuha ni Silver ang isang timba na naglalaman ng malamig na tubig at kaagad na binuhos kay Tiger. Dahil sa tindi ng lamig ng tubig kaagad na napamulat ng mata ang kaninang walang malay na si Tiger. Mabilis naman nitong pinagmasdan ang lugar at kaagad na kumunot ang noo ni Tiger dahil sa taong nasa harapan nito. "What the fvck! Where am I?" naguguluhang tanong ni Tiger sa sarili. "I won't f*****g tell you!" malamig at nababakas sa tono ni Silver ang matinding galit. "A-Anong kailangan mo sa akin? B-Bakit ako nandito?" may kabang pagtatanong ni Tiger sa kaharap nitong si Silver. "Sinong nag-utos sa iyo na saktan ang bata?" "Kahit patayin mo pa ako hinding-hindi ko sasabihin kung sino ang nag-utos sa akin!" Dahil sa inis ni Silver kaagad niyang itinusok ang hawak niyang kutsilyo sa hita ni Tiger na siyang dahilan upang mapahiyaw ito sa sakit. Hindi pa nakuntento si Silver at mas lalo pa niyang ibinaon ang kutsilyo sa hita ni Tiger dahilan upang mas lalo pa itong mapasigaw sa tindi ng sakit na nararamdaman. "Ngayon sasabihin mo na ba sa akin kung sino ang nag-utos sa iyo?" Malamig at may nanlilisik na matang saad ni Silver kay Tiger. "K-Kahit pahirapan mo pa ako hindi ko sasabihin sa iyo kung sino ang nag-utos sa akin!" Mas lalong nag-init ang ulo ni Silver dahil sa naging sagot sa kaniya ni Tiger na ngayon ay nababakas na ang takot sa mga mata nito. Dahil dito, mabilis niyang kinuha ang asidong nakapatong sa lamesang ginto at pagkatapos ay dahan-dahan niya itong ibinuhos sa mukha ng bihag niyang si Tiger. "Now, fvcking tell me! Sinong hudas ang nag-utos sa iyo na saktan ang bata?" nagngangalit na pahayag ni Silver habang nagliliyab sa galit ang mata niya. "P-Patayin m-mo na lang ako! H-Hinding-hindi ko sasabihin sa iyo!" Dahil sa sinabi ni Tiger kaagad na sumilay ang nakatatakot na ngiti sa labi niya. Kasabay ang pagbukas ng pinto at mabilis na pumasok sina Kuro at Ao habang may bitbit ang mga itong babae. Sa isang iglap lamang, muli na namang nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Silver dahil sa babaeng bitbit nina Kuro at Ao na ngayon ay nagpupumiglas na sa mga ito. "B-Bitiwan niyo ako! S-Sino ba kayo? Wala akong kasalanan sa inyo!" Naglulumikot na pahayag ng dalagang si Meilin. "What the fvck! Huwag ninyong sasaktan si Meilin! Ako ang kailangan ninyo 'di ba?" Ngunit tila ba walang narinig si Silver at mabilis niyang inutusan si Kuro at Ao na itali si Meilin. Ganoon na lamang ang takot ni Tiger dahil sa nakita nitong paraan kung paano itali si Meilin. Kung si Tiger ay nakaupo sa bakal na silya si Meilin naman ay nakatali ang dalawang paa habang nakatiwarik ito sa harapan nila. "Wala kang pakialam sa gagawin ko! Now! Fvcking tell me! Sino ang nag-utos sa inyo?" galit na asik ni Silver kay Tiger na bakas na ang takot sa mukha nito. Ngunit sa halip na hintayin pa ni Silver ang magiging sagot ni Tiger. Mabilis niyang hinaplit ng latigo ang nakatiwarik na si Meilin na siyang dahilan upang mapaluha ang dalaga dahil sa ginawa ni Silver. Hindi pa siya nakuntento at kaagad na kinuha ang hawak ni Kuro na isa pang latigo na napupuno ng tinik. "T-Tama na! H-Hindi ko na kaya! W-Wala akong kasalanan!" Lumuluhang pahayag ng dalagang si Meilin. "I'm not a fvcking fool, b*tch! I fvcking know you! You're that fvcking nurse who tried to poison my daughter!" Dahil sa narinig nina Meilin at Tiger kaagad na pinamutlaan ang dalawa sa tindi ng takot na nadarama nila. Pati sina Kuro at Ao ay naistatwa dahil sa narinig nila kay Silver, sapagkat hindi nila alam na may anak na pala ang amo nila. "S-Sorry. H-Hindi namin sinasadya napag-utusan lang kaming dalawa na patayin ang bata. H-Hindi namin alam na anak mo pala 'yon." Nahihirapang saad ni Tiger na kanina lang ay akala mo kung sinong umasta. "B-Babae ang nag-utos sa amin. P-Pero hindi namin nakita ang mukha niya. P-Parang awa mo na pakawalan mo na kami." Natatakot namang sambitla ni Meilin sa harapan ni Silver. Ang kaninang seryosong mukha ni Silver ay napalitan ng nakakatakot na ekspresyon, habang nababakas sa labi niya ang kakaibang ngiti na hindi mo ninanais na makita. Dahil sa naging reaksyon ni Silver mas lalong nakaramdam ng takot sinaTiger at Meilin sapagkat alam nilang dalawa na sasapitin na nila ang kanilang katapusan. "Kuro alam mo na ang gagawin mo kay Tiger. Kagaya ng iba, putulan mo siya ng kamay at paa. Pagkatapos ay ipakain mo sa alaga nating pating." "Masusunod po." "Ikaw naman Ao siguraduhin mong may makukuha ka sa kaniya. Kapag nagmatigas ilagay mo sa kulungan ng alaga nating ahas hanggang sa may makuha tayong lead sa kaniya." "Yes, Sir." Matapos magbilin ni Silver kina Kuro at Ao mabilis niyang nilisan ang lugar na para bang walang nangyari. Kasabay naman nito ay ang malakas na sigawan nina Tiger at Meilin, senyales na magsisimula na ang panibagong pagpapahirap sa kanila sa kamay nina Kuro at Ao. Malaki rin ang pasasalamat ni Silver dahil kung hindi dahil kay Wayne, hindi niya malalaman na may kasabwat pa pala si Tiger. Kung kaya't mabilis siyang nag-text kina Ao at Kuro na dakpin ang babae upang pahirapan din ito, habang pinahihirapan niya si Tiger na nanakit kay Berry na itinuturing niyang parang isang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD