Chapter 8: Shattered Dreams

1845 Words
Nagsisimula pa lamang na sumikat ang araw pero ang batang si Berry ay handang-handa para sa pag-alis nila nina Gavin kasama si Silver patungo sa isang Beach Resort. Mula sa bag na dadalahin nito pati na rin ang mga pagkain ni Berry ay nakaayos na rin. Bagamat dalawang linggo rin ang itinagal ng bata sa Ospital bago ito makalabas, nagpapasalamat pa rin si Bisky at ligtas na sa kapahamakan ang anak na si Berry. "Come on, mommy. Faster please! Baka dumating na si Gavin," may pagmamadaling pahayag ni Berry sa ina nitong si Bisky. "Heto na! Bakit ba excited ang baby ko? Saan ba kayo pupunta ni Gavin?" "Kasi mommy sabi ni Gavin isasama raw kami ng ninong pogi niya sa beach. Kaya nga po mommy naghanda na ako ng mga dadalahin ko," bibong pahayag ng batang si Berry habang masayang nakatanaw sa labas ng bahay nila. Sa halip na magtanong pa si Bisky sa kaniyang anak masaya na lamang niya itong pinagmasdan habang may ngiti sa kaniyang labi. Laking pasasalamat niya rin at wala siyang trabaho dahil may aasikasuhin ang amo niyang si Silver. Ilang minuto pa ang lumipas nang makarinig sila ng busina ng sasakyan. Kasabay nito ay ang mabilis na nagpaalam sa kaniya ang anak niyang si Berry na may malapad na ngiti sa labi nito. Nang masigurado ni Bisky na nakaalis na ang kaniyang anak kaagad naman siyang nagbihis at umalis na rin ng bahay nila. *** Halos katanghaliang tapat naman nang makarating si Silver sa isa pa nitong pagmamay-ari na hotel. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ng iba nitong empleyado, nang makita nila na may kasa-kasamang bata ang amo nila. Bagamat kilala na rito si Gavin bilang inaanak ni Silver kaya hindi na ganoong naguluhan ang nakakakita sa kanila. Ngunit, ang labis na pinagtataka ng ibang empleyado ni Silver ay kung sino ang kasamang batang babae ng amo nila. Sa halip na pansinin ito ni Silver tila ba isang hari itong naglakad sa harap ng mga empleyado nito habang nababakas ang kaseryosohan sa mukhang binata. "Wow! Daddy ang ganda naman po rito!" namamanghang saad ni Berry sa binatang si Silver. Kaagad namang sumilay ang matamis na ngiti ni Silver dahil sa sinabi ni Berry. Habang si Gavin naman ay tahimik na naglalakad habang nakahawak sa kamay ni Silver. Sa hindi malamang dahilan, hindi maiwasan ni Silver na makaramdam ng tuwa sapagkat pakiramdam ng binata ay anak talaga nito si Berry. "Ninong pogi malapit na ba tayo sa room natin?" "Yes." Hanggang sa makarating sila sa mismong kwarto nila, hindi nawawala ang matamis na ngiti sa labi ni Silver habang kaagad namang nagtatakbo sina Gavin at Berry sa malaking kama na kasya na ang limang katao. Kagaya ng tipikal na mga bata nagtatalon ang mga ito dahil sa labis na kasiyahan. Ilang minuto pa ang itinagal nila sa kwarto bago sila muling bumaba upang kumain ng pananghalian. Dahil sa pansin ni Silver na tila napagod ang batang si Berry sa kakatalon nito sa kama nagpasiya ang binata na buhatin na lamang ang bata. Akma na rin sanang bubuhatin ni Silver si Gavin ng mabilis na umayaw ang bata. "Stop, ninong pogi. Huwag mo na po akong buhatin kasi big boy na ako. Si Berry na lang po ang buhatin mo." Mabilis na pahayag ni Gavin kay Silver na akmang bubuhat dito. Kaya naman hindi na nagpumilit pa si Silver at maingat na lamang nitong binuhat ang batang si Berry. Mabilis naman ang ginawang pagkilos ni Berry at malambing na yumakap sa leeg ni Silver. Dahil sa ginawa ni Berry, hindi mapigilan ni Silver na mapangiti dahil sa tuwa na kaniyang nararamdaman habang buhat-buhat ang batang babae. "Anong gustong kainin ng baby ko?" malambing na tanong ni Silver sa batang si Berry. "Gusto po ng chicken at spaghetti, tapos po ice cream," tila pagod na saad ng batang si Berry. Samantalang ang batang si Gavin naman ay abala lamang sa pagmamasid sa paligid nito. Hanggang sa makarating na sila sa Restaurant na kakainan nila. Mabilis namang natanaw ni Silver ang taong ka-meeting nito na nakatingin na rin sa gawi nila. "Baby and pogi kong inaanak, behave lang kayo ha. May ka-meeting lamang ako saglit." "Yes po, daddy./Yes po, ninong pogi," masiglang saad ng dalawang bata. Nang makalapit si Silver sa taong ka-meeting nito. Mabilis namang tumayo ang matandang si Falcon at kaagad na nakipagkamay sa binata na ngayon ay nababakas na sa mukha ang matinding kaseryosohan. "Good afternoon, Mr. Dimayuga. I didn't know na may anak ka na pala," magalang na pagbati ni Mr. Flacon. "Yeah. So let's go back to business. What can i do for you?" tila ba nababagot na tanong ni Silver kay Mr. Falcon. Nang mapansin ni Silver na hindi pa sinasagot ni Mr. Falcon ang tanong nito. Kaagad na tinawag ni Silver ang waiter at sinabi ang lahat na nais nilang kainin. Kasabay naman nito ay ang muling pagtingin ni Silver sa gawi ni Mr. Falcon na para bang nagsusumamo sa harapan ng binata. "Please, help my company. Kahit ano gagawin ko tulungan mo lang ako. Kahit ipakasal ko sa iyo ang nag-iisa kong anak ayos lang sa akin." Desperadong pahayag ni Mr. Falcon kay Silver na ngayon ay abala sa pagpupunas sa pawis ng batang si Berry. Dahil sa narinig ni Silver hindi nito maiwasan na mapatawa. Sapagkat tila ba hindi makapaniwala si Silver na kaya ni Mr. Falcon na basta na lamang ipamigay ang anak para lamang sa tulong na hinihingi mula sa binata. "Are you out of your mind, Mr. Falcon? Why would i marry your daughter?" "Just help me please. Tutal naman wala ka pang asawa kagaya na lamang ng bali-balita sa iyo. Pwedeng ang anak ko na lang ang maging ina ng anak mo." Akmang magsasalita na sana ulit si Silver ng maunahan ito ni Berry. Ganoon na lamang ang gulat ni Silver sa inasta ng batang si Berry sa harapan nila. Dahil dito, hindi nakaligtas sa paningin ni Silver ang takot na bumakas sa mata ni Berry na para bang malapit nang maiyak ang batang babae sa harapan nila. "You! You're a bad man! He's my daddy. Bakit niyo po siya gustong ipakasal sa daughter ninyo? Naiinis na pahayag ni Berry habang nagpapapadyak sa ibabaw ng hita ni Silver. Nang mga oras na 'yon tila ba tumigil ang mundo ni Silver sapagkat nakikita nito ang sarili sa batang si Berry. Hanggang sa bigla na lamang nag-iiyak ang batang si Berry sa harapan nila. Dahil dito, kaagad na nag-init ang ulo ni Silver kay Mr. Falcon habang si Gavin naman ay mabilis na umalis sa kinauupuan at pinagsusuntok ang tuhod ni Mr. Falcon. Mas lalong nag-init ang ulo ni Silver, nang makita nitong sinipa ni Mr. Falcon ang batang si Gavin. "Bad ka! Bad ka! Susumbong kita sa daddy ko! Dahil sa iyo umiiyak ngayon si Berry!" Umiiyak na pahayag naman ni Gavin kay Mr. Falcon. Mabilis pa sa kidlat na tumayo si Silver habang buhat ang batang si Berry at pagkatapos ay malakas nitong sinipa sa tagiliran si Mr. Falcon, dahilan upang tumalsik ito sa kabilang lamesa. "You will fvcking pay for this! Anong karapatan mong saktan ang inaanak ko!" galit na pahayag ni Silver kay Mr. Falcon na ngayon ay hindi makagalaw ng ayos. "Ang gusto ko lang naman ay tulungan mo ang kompanya ko! Ano bang mahirap doon?" "Walang mahirap doon, Mr. Falcon! Ang ayoko lang ay iyong tutulungan na nga kita gusto mo pa akong ipakasal sa malandi mong anak! Ganyan ka na ba kadesperado sa pera ko!" Bagamat may bulong-bulungang naririnig si Silver ay hindi na ito pinansin pa ng binata. Sa halip ay malambing nitong niyakap si Berry na ngayon ay nakatulog na sa matinding pag-iyak. Habang ang batang si Gavin naman ay tinulungang makatayo ng isang waitress sa Restaurant nilang kinakainan. "Hindi malandi ang anak ko! Kaya wala kang karapatan na sabihan siya ng malandi!" "Kaya pala kung kani-kanino siyang lalaki sumasama. Nakalimutan ko may s*x video rin nga pala siya kasama ang dalawang lalaki! Ganiyan ba ang hindi malandi!" Muli na sanang sisipain ni Silver si Mr. Falcon kaya lang may kamay na pumigil sa kaniya. Kung kaya't mabilis na lumingon si Silver at nakita nitong ang kaibigang si Xenon pala ang pumigil dito. "Hey, Silver. What's happening here? Bakit mukhang papatay ka na naman diyan?" may pagtatakang tanong ng kararating lang na si Xenon. "That fvcking assh*le! Humihingi na nga ng tulong ko! Gusto pang pakasalan ang anak niyang saksakan ng landi! And guess what? Sinipa pa niya ang inaanak kong pogi tapos pinaiyak pa niya ang baby ko!" Dahil sa narinig ni Xenon kaagad na nanlisik ang mata nito at mabilis na lumapit kay Mr. Falcon. Sa isang iglap lang muli na namang tumalsik sa ere ang kawawang si Mr. Falcon. Ang kaibahan lang ngayon ay si Xenon na ang may gawa nito. Sa pamamagitan ng pagbuhat ni Xenon kay Mr. Falcon at mabilis na inihagis sa ere. Bakas naman sa mukha ng mga tao roon ang takot dahil sa ginawa ni Xenon. Bukod dito, alam na alam ng mga tao roon kung paano magalit ang isang Xenon Caasi. Kung kaya't sa halip na sayangin pa nila ang oras kay Mr. Falcon umalis sila na tila ba walang gulong nangyari. Habang ang kawawang Mr. Falcon naman ay nawalan ng malay sa lakas ng ginawang paghagis ni Xenon rito. Bagamat rinig ng magkaibigan ang bulungan sa kanila tila isang hari silang lumakad palabas ng Restaurant habang buhat ni Xenon ang anak. Habang Silver naman ay buhat-buhat ang natutulog na si Berry. Sa kabilang dako naman ay tahimik na naghihintay si Bisky sa taong sadya niya. Bagamat may kabang nararamdaman mas pinili na lamang ni Bisky na maging positibo sa anumang malalaman niya. Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating na ang taong sadya ni Bisky. "Good afternoon, Ms. Dahlia." "Good afternoon din, Ms. Bisky. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hindi ka na muling makakapagpinta pa." "What do you mean? "Dahil sa tindi ng natamo ng kamay mo sa aksidenteng nangyari malaki ang posibilidad na hindi mo na maiituloy ang pagpipinta mo." Dahil sa narinig ni Bisky tila ba sirang plaka na paulit-ulit sa utak niya ang naranasan niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang tahimik na umiyak na lamang habang inaalo siya ni Dahlia na nababakas sa magandang mukha nito ang awa para kay Bisky. Nang mahimasmasan na si Bisky mabilis siyang nagpaalam kay Dahlia na may lungkot pa rin na nababakas sa maganda niyang mukha. Hanggang sa makarating na sa bahay niya si Bisky ay tila lutang na lutang pa rin ang isip niya. "Sa pagpipinta na nga lang ako magaling, ipinagkait pa nila sa akin. Ano bang kasalanan ko sa kanila?" Lumuluhang saad ni Bisky sa kaniyang sarili. Kasabay nito ay ang muli na namang pagluha ni Bisky. Habang nakaupo siya sa hindi kalambutan na silya sa salas ng bahay nilang mag-ina. Sa halip na isipin pa ang bagay na 'yon pinili na lamang ni Bisky na maging positibo sa buhay sapagkat kailangan niyang magpakatatag para sa kanilang mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD