Chapter 9: Thirty Minutes

2918 Words
Pasikat pa lamang ang araw ay wala nang paglagyan ang saya ni Bisky. Bagamat hindi na siya muling makakapagpinta pa, buong puso na lamang niya itong tinanggap. Bukod dito, masaya rin siya dahil isa si Berry sa sasabitan ng award sa paaralan nito. "Good morning, baby." "Good morning din po, mommy ko." Dahil dito, marahang binuhat ni Bisky si Berry upang makapag-umagahan silang mag-ina. Napapansin din ni Bisky na tila ba masayang-masaya ang anak niya nitong mga nagdaang araw dahilan upang upang mapaisip siya kung bakit iba ang saya ng anak niyang si Berry, para bang may nangyari na hindi niya alam kung ano. "Bakit mukhang masaya yata ang baby ko?" malambing na tanong ni Bisky kay Berry. "Mommy nakalimutan mo po ba? Ngayong araw po ako pupunta sa big company." Ngingiti-ngiting pahayag ng batang si Berry sa ina nitong si Bisky. Kaagad namang napakunot ang noo ni Bisky dahil sa sinabi ni Berry. Sapagkat matagal na siyang naguguluhan kung sino ba ang tinutukoy ng anak niyang ninong pogi raw ni Gavin. "Ngayon na ba? Pasensya na baby nakalimutan ni mommy. Gusto mo bang ihatid ka ni mommy?" "No need na po, mommy. Susunduin po ako ni tito Xenon." "Tito Xenon?" "Opo, mommy. Hindi mo po ba siya kilala? Siya po iyong poging daddy ni Gavin." Marahang napatango na lamang si Bisky sapagkat hindi niya akalain na kilala na pala ng anak niya ang ama ni Gavin. Ilang minuto pa ang nakalipas nang matapos silang kumaing mag-ina. Pagkatapos nito ay mabilis na niliguan ni Bisky ang anak niyang si Berry upang makapaghanda na sa pag-alis nito. Halos kalahating minuto rin ang nakalipas ng handang-handa na ang anak niyang si Berry sa pag-alis nito. Hanggang sa nakarinig sila nang sunod-sunod na busina ng sasakyang nagmumula sa labas ng tahanan nila. Masaya namang nagtatakbo palabas si Berry at pagkuwan ay malambing nitong niyakap si Xenon. Ganoon na lamang ang panlalamig ni Berry, nang makita kung sinong Xenon ang tinutukoy ng anak niya. Nang mga oras na iyon tila ba gusto na lamang maglaho ni Bisky sa tindi ng takot na nararamdaman niya. Mabilis namang pinapasok ni Xenon si Berry sa sasakyan nito at pagkatapos ay dahan-dahan itong lumapit sa gawi ni Bisky. "Ikaw pala ang ina ni Berry," seryosong saad ni Xenon. "A-Ako nga. H-Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy ng anak ko." "Ako nga. Bakit natatakot ka yata sa akin? May dahilan ba para matakot ka sa akin?" Hindi naman kaagad nakasagot si Bisky dahil sa kaba at panlalamig na nararamdaman niya. Kung kaya't kaagad itong napansin ni Xenon kaya mas pinili na lamang nitong manahimik. Habang si Bisky naman halos hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil sa taong nasa harapan niya. "W-Wala naman," may kabang saad ni Bisky kay Xenon. "Don't be scared. I won't hurt you. Huwag kang mag-alala napatawad na kita sa ginawa mo sa kaniya." "What do you mean?" naguguluhang tanong ni Bisky kay Xenon. "I knew everything, your secret, your lies and your pain. I discovered them all. And i salute you for being a strong woman," makahulugang saad ni Xenon at mabilis na tinalikuran ang naguguluhang si Bisky. Dahil sa pagkabigla ni Bisky sa sinabi ni Xenon hindi niya namamalayan na nakaalis na pala ang mga ito. Kaagad namang siyang napatingin sa relong suot niya at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya dahil malapit na siyang mahuli sa trabaho niya. Sa bilis ng kilos niya tila tinalo pa niya si 'The Flash' huwag lamang siyang mahuli sa trabaho niya. Kapagkuwan ay mabilis siyang umalis ng bahay nila para sa trabaho niya. Saktong pagsakay niya ng jeep ay nakatanggap siya ng text mula kay Silver na siyang dahilan upang mapakunot ang noo niya dahil sa nais nitong ipabili. Bagamat galit pa rin ito sa kaniya hindi niya maiwasan na mapangiti dahil sa pinapabili nito. Dahil hindi siya makapaniwala na magpapabili sa kaniya si Silver ng ice-cream at french fries. Kung kaya't mabilis na pumara si Bisky sa may tapat ng Mall para bilihin ang iniutos sa kaniya ni Silver. *** Samantalang sa kabilang dako naman, sari-saring bulungan ang maririnig mula sa empleyado ni Silver dahil sa kasamang bata ni Xenon. Sa halip na pansinin ito ni Xenon maingat na lamang nitong inakay ang batang si Berry habang mababakas naman sa mukha ng bata ang pagkamangha dahil sa nakikita nito. Kaagad namang sumilay ang matamis na ngiti ni Xenon habang nakatitig sa batang si Berry. Pasakay na sana sila ng elevator ng makaramdam si Xenon na tila ba may nagmamasid sa kanila. Sa halip na pansinin pa ito maingat nitong inalalayan ang batang si Berry papasok sa elevator. Mabilis naman ang naging kilos ni Xenon at tila may pinindot ito sa cellphone nito. Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating sila sa palapag ng opisina ni Silver. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng pinto ng elevator ay mabilis na lumabas si Berry na may ngiti sa labi nito. Kaagad na sumilay ang matamis nitong ngiti nang makita nito si Silver. Bagamat nakatalikod ito at may kinakausap na empleyado. Mabilis ang naging kilos ni Berry at nagtatakbo sa gawi ni Silver. "Daddy ko, I'm here na!" Maligayang pahayag ni Berry habang tumatakbo sa gawi ni Silver. Dahil sa narinig mabilis na nawala ang simangot sa labi ni Silver dulot ng empleyado nito, nang makita ng binata ang batang si Berry na masayang tumatakbo sa gawi nito. "Kumusta naman ang baby ko? Na-miss mo ba si daddy?" Nakangiting tanong ni Silver kay Berry. Dahil sa ginawang pagngiti ni Silver halos lumuwa ang mata ng empleyado nito, sapagkat ngayon lamang ng mga ito nakita na good mood ang amo nila. Sa halip na pansinin pa ni Silver ang mga empleyado nito maingat nitong binuhat si Berry patungo sa opisina nito. Mabilis namang sumunod kay Silver ang kaibigan nitong si Xenon. "Wow! Ang ganda naman dito, Daddy. Ikaw lang po ba rito? Nasaan po ang secretary mo? Hindi ka po nalulungkot dito?" sunod-sunod na tanong ng batang si Berry kay Silver. Wala namang nagawa si Silver kundi ang mapangiti na lamang dahil sa dami ng tanong ni Berry. Tila ba kahit bata pa lang ito ay ang dami na nitong nalalaman. "May inutos kasi ako sa secretary ko kaya wala pa siya rito. Come here, baby. Doon ka muna sa kwarto rito may pag-uusapan lang kami ng tito mo," malambing na saad ni Silver kay Berry. Kaagad namang tumango ang batang si Berry at mabilis na nagtungo sa sinabing kwarto ni Silver. Mabilis namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Silver ng sila na lang dalawa ni Xenon. "Ilan ang nakapasok na kalaban sa loob ng kompanya ko?" seryosong tanong ni Silver kay Xenon. "Labinlima ang nakapasok na kalaban sa kompanya mo. At lahat ng mga ito ay patungo na ngayon dito sa opisina mo," nababagot naman na pahayag ni Xenon. Sumilay naman ang nakatatakot na ngiti sa labi ni Silver, nang marinig nito ang sinabi ni Xenon. Sa halip na matakot tila ba handang-handa pa itong makipaglaban. Kasabay naman nito ay ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Silver at sabay na pumasok sina Ao at Kuro. "Both of you, protect my baby," ma-otoridad na pahayag ni Silver kina Kuro at Ao. Mabilis naman ang mga itong tumango sa amo nilang si Silver. Kapagkuwan ay nagtungo na ang mga ito sa loob ng kwarto sa may opisina ni Silver. Ilang minuto pa ang nakalipas ng malakas na nagbukas ang pinto ng opisina ni Silver. Bumungad sa kanila ang labing limang katao na may kaniya-kaniyang hawak na armas. Mayroong baril ang dala at mayroon din naman na katana ang armas na gamit. Mabilis namang sumugod ang mga ito sa gawi ni Silver at Xenon kung kaya't mabilis ang ginawang kilos ng dalawa at kaagad na umilag sa sumugod sa kanila. Mabilis namang inagaw ni Silver ang hawak na baril ng kalaban na akmang babaril sana kay Xenon. Pagkatapos, ay pinagbabaril ni Silver ang limang kalaban na patungo sana sa kwarto kung nasaan sina Berry. Habang si Xenon naman ay malakas na inuuntog sa pader ang ulo ng sumuntok dito. Dahil dito, malakas nitong sinipa ang isa dahilan para tumalsik ito at mawalan ng malay. Si Silver naman ay kaagad na nanlisik ang mata at mabilis na pinilipit ang kamay ng isang susugod sana sa gawi ni Xenon. Halos kalahating minuto rin ang tinagal ng pakikipaglaban nilang dalawa bago nila natalo ang mga ito. "A-Akala ninyo nagtagumpay na kayo! D-Diyan kayo nagkakamali! Lalo ka na Silver pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mo! Buhay sa buhay!" nahihirapang saad ng isang kalaban na ngayon ay napupuno ng dugo ang damit dulot ng sugat nito sa may tiyan. "What do you mean? Wala akong atraso sa iyo!" seryosong tanong ni Silver habang nanlilisik ang mga mata nito. "Sa akin wala! Pero sa amo ko mayroon! Tingnan na lang natin kung maiiligtas mo pa ang nagmamagaling mong sekretarya!" Dahil sa narinig ni Silver mas lalong nanlisik ang mata ng binata. Kung kaya't mabilis na nilapitan ng binata ang lalaking kalaban nito at kaagad na sinuntok ng ubod nang lakas. "Tell me! Anong gagawin ninyo sa kaniya? Nasaan siya! Sabihin mo na kung ayaw mong pati pamilya mo idamay ko sa galit na nararamdaman ko!" galit na galit na tanong ni Silver sa lalaking kausap nito. "H-Hindi ko alam! Huwag kang mag-alala walang siyang kaalam-alam na kasama siyang sasabog sa bombang itinanim namin sa Mall! Mamatay na siya! Wala kang magagawa roon!" Dahil sa nilukob ng galit ang puso ni Silver. Mabilis nitong kinuha ang katanang nasa kanang bahagi nito at pagkatapos ay sunod-sunod na pinagsasaksak ni Silver ang tiyan ng lalaking kanina lang ay kausap nito. Wala namang magawa si Xenon kundi ang panoorin na lamang si Silver sa pagwawala ng kaibigan. Kung nakatatakot si Xenon kapag nagagalit mas nakagigimbal pa rin magalit ang isang Silver Dimayuga. "Tama na, Silver. Patay na siya. Just go. Ako na ang bahala kay Berry. Alam kong gusto mo siyang iligtas," mahinahong pahayag ni Xenon kay Silver. "Thank you, Xenon. Protect my baby Berry." "You're welcome, Silver." Kung kaya't walang sinayang na oras si Silver at mabilis itong nagpaalam kay Xenon. Habang si Xenon naman ay nagtungo sa kwarto sa opisina ni Silver at kaagad na tinawag sina Ao at Kuro. Hindi naman mapagilang mapatawa ni Xenon nang makita ang hitsura nina Kuro at Ao. "Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit ganiyan ang hitsura ninyo?" "Umiiyak kasi kapag pinipigilan namin kaya hinayaan na lang namin siya sa gusto niya." Kakamot-kamot na saad ni Kuro kay Xenon. Kaagad namang tumango-tango si Xenon kahit natatawa pa rin ito kina Kuro at Ao. Sinong hindi matatawa kapag ang dalawang sisiga-siga ay makikita mong may iba't ibang kulay na hair clip sa buhok. Bukod dito, punong-puno ng pulbo ang mukha ni Kuro habang si Ao naman ay may lipstick na lampas-lampas sa labi nito. --- Samantalang, saktong paglabas ni Bisky ng Comfort Room ay sunod-sunod na pagsabog ang kaniyang narinig. Ganoon na lamang ang takot sa puso niya nang makita niya na nagkakagulo na lahat ng tao. Kasabay pa nito ang mga taong nagtatakbuhan dahilan upang masagi siya ng mga ito. Naging sanhi naman ito upang mawalan siya ng balanse na siyang dahilan ng pagkatumba niya. Hanggang sa muli na namang makarinig ng pagsabog si Bisky dahilan upang mapaiyak siya sa takot. Halos hindi na makagalaw si Bisky sa takot na nararamdaman kundi lamang may humawak sa kaniya na isang babae. Mababakas sa mukha ng babae na takot na takot din ito. Akmang papalabas na sana sila ng Dress Shop ng bigla na lamang nagsara ang shop. "Bakit ninyo sinara? Paano tayo makakaalis?" natatakot na tanong ni Bisky sa babaeng tila Manager ng Shop. "Wala tayong ibang choice, Ma'am. Sa kapal ng usok sa labas maaari tayong ma-suffocate kapag hindi natin isinara ang Shop. Huwag kayong mag-alala sa may fire exit tayo dadaan." Kaagad namang napahinga nang malalim si Bisky dahil sa kaniyang narinig. Kagaya kanina muli na naman silang nakarinig ng pagsabog. Ngunit, tila kakaiba na ang paraan ng pagsabog. Tila ba mas malakas na bomba na ang sumabog kumpara sa ilang narinig nila kanina. Akmang papalabas na sana sila sa fire exit ng Shop nang muli na namang silang nakarinig ng pagsabog. Halos mamutla silang lahat nang makita nilang nayupi ng bahagya ang pinto ng fire exit. Kaagad silang nagkatinginan at sabay-sabay na napaluha nang mapagtanto nilang hindi na sila maaaring dumaan sa fire exit. Batay pa lang sa hitsura nito tila ba may malaking bagay na bumagsak sa kabilang bahagi nito. Nang mga oras na 'yon mas lalong napaluha si Bisky dahil naisip niya na mamamatay na siya. Bukod sa kaniya, umiiyak na rin ang ilang customer na kasama niya sa loob ng Shop. Bahagya namang napaigtad si Bisky, nang maramdaman niyang tila may nag-vibrate sa bulsa niya. Kaagad na nabuhayan ng loob si Bisky, nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kaniya. "S-Silver, help me please!" Lumuluhang sambitla ni Bisky kay Silver na nasa kabilang linya. "Sh*t! Stop crying! Where are you?" "N-Nasa second floor. S-Silver mamamatay na yata ako." "Fvck! Hindi ako makaayat diyan dahil sa naglalakihang harang. Nasaang parte ka?" "Nandito ako sa isang Dress Shop sa malapit sa may banyo. D-Dapat sa fire exit kami dadaan kaya lang mukhang may nakaharang na rin." "Okay. Wait me there. Huwag mong papatayin ang tawag ko." Bagamat kinakabahan na si Bisky dahil baka may bomba na namang sumabog mas lalo niyang tinatagan ang kaniyang loob dahil alam niyang pupuntahan at ililigtas siya ni Silver. Samantalang, si Silver naman ay tinalo pa si Flash sa sobrang bilis ng takbo nito patungo sa may fire exit ng Shop na kinaroroonan ni Bisky. "We have another problem, Silver," saad ni Xenon sa earpiece na suot ni Silver. "Sh*t! What is it?" "Nalaman kong may isa pang bomba. At ang bomba na iyon ay nasa banyo malapit sa lugar kung nasaan ang sekretarya mo." Nang mga oras na 'yon kulang na lang ay sumabog sa sobrang galit si Silver dahil sa narinig ng binata. Bukod dito, hindi nito akalain na maraming bomba ang nagkalat sa Mall na mismong pagmamay-ari nito. "Ilang minuto na lang bago sumabog ang bomba?" seryosong tanong ni Silver sa kaibigan nitong si Xenon. "You have thirty minutes, dude. Kailangan mo siyang mailigtas agad. Dahil kung hindi mamamatay ang sekretarya mo kasama ang ibang pang tao na naroroon." Kaagad na huminga nang malalim si Silver ng makarating ito sa fire exit ng shop. Ganoon na lang ang inis ni Silver dahil sa mga nagharang na bato sa pinto ng fire exit ng Shop. Walang namang pag-aatubili na pinagtatanggal ni Silver ang ilang nakaharang sa pinto ng fire exit ng Shop. Nang maalis nito ang nakaharang sinubukan ni Silver na buksan ang pinto, ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ng binata nang hindi nito mabuksan ang pinto. Sa kabilang bahagi naman nakarinig ng sunod-sunod na kalabog si Bisky mula sa labas ng fire exit. Nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay disconnected na ang tawag ni Silver sa kaniya. "Fvck! Bisky, nandiyan ka ba? Answer me!" Sigaw na tanong ni Silver kay Bisky. Kaagad namang lumapit si Bisky sa pinto ng fire exit upang alamin kung nandoon si Silver. Hindi nga siya nagkamali dahil si Silver ang gumagawa ng sunod-sunod na pagkalabog ng pinto. "Y-Yes, I-I'm here!" mabilis na segunda ni Bisky kay Silver. "Lumayo ka muna sa may pinto. Susubukan ko siyang buksan." Kaya naman mabilis na sinunod ni Bisky ang sinabi ni Silver. Kapagkuwan ay nakarinig na lang si Bisky ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Bisky kasama ang ibang customer. Nang makita nilang wasak-wasak na ang pinto ng fire exit dulot ng ginawang pagbaril ni Silver. "Dude, kailangan ninyo ng makaalis diyan. Iyong ibang tauhan natin ay ginagawa na ang paraan para maalis ang harang paakyat sa second floor." "Yeah. Iyon na nga ang gagawin namin." Nang masira ni Silver ang pinto kaagad na hinanap ng mata nito si Bisky. Walang sinayang na oras si Silver at kaagad na niyakap si Bisky. Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang din na iniyakap ni Bisky ang kaniyang kamay kay Silver na habol na ang hininga. "We need to go!" Seryosong sambitla ni Silver at mabilis na bumitiw sa pagkakayakap kay Bisky. Kaagad namang tumango si Bisky at mabilis na sumunod kay Silver palabas ng fire exit. Ganoon din naman ang ginawa ng ibang kasamahan ni Bisky. Halos lakad takbo na ang ginawa nilang lahat huwag lamang silang abutin ng pagsabog ng bomba. Hanggang sa nakarating na sila ng Parking Lot ay doon lamang binitiwan ni Silver ang kamay ni Bisky. Laking pasasalamat naman ng ibang customer kay Silver, sapagkat kung hindi dahil sa binata baka ngayon ay pinaglalamayan na sila. Ang kaninang takot ni Bisky ay tila ba bigla na lamang nawala dahil alam niyang ligtas na siya. Kaya naman hindi maalis ni Bisky ang matamis na ngiti na namumutawi sa kaniyang mga labi. Pero kaagad na nawala ang ngiti sa labi ni Bisky nang makita niya na may pulang ilaw sa bandang likod ni Silver. "Silver!" Malakas na sigaw ni Bisky. Kagaya ng isang kidlat mabilis na tinakbo ni Bisky ang gawi ni Silver upang protektahan ang binata. Kasabay ng pagyakap niya kay Silver ay ang pagbaon ng bala sa likod niya. Ang bala na sana ay kay Silver tatama at hindi sa kaniya, hanggang sa unti-unting nilamon ng kadiliman ang ulirat ni Bisky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD